Chapter Thirty-five

20.7K 246 27
                                    

It's been a month since I found out that I was pregnant. Mahigit isang buwan na rin kaming nandito. We still don't have any plans going back to the Philippines because we are really fine here.

Dapat sa ibang bansa mag-move on para sosyal.

I'm already three months pregnant. Kahit ang hirap tanggapin noong una dahil iniisip ko talaga ang kapakanan niya, ngayon ay tanggap na tanggap ko na siya at mas minamahal sa bawat araw na dumaraan.

Palagi ko siyang kinakantahan tuwing wala akong ginagawa or sometimes, I just hum softly.

"Sana mamana ni baby 'yong boses mo, 'no?" sabi ni Kylei saka tumabi sa akin. "Sana girl para may mini Mil na tapos bibihisan namin ni Raya ng kikay para cute."

"Paano naman kapag lalaki?" tanong ko.

"Tuturuan nating huwag maging gago," natatawang sagot ni Raya. "Hindi tulad ng tatay at tito niya."

"Let's just not talk about them," said Kylei and sighed. "Baka ma-stress pa si Mil at maapektuhan ang baby."

"Kumusta na kaya sila?" wala sa sarili kong tanong saka tumalikod sa kanila.

They didn't answer me. Kagaya ko'y wala rin naman silang alam.

Kinuha ko na lang ang gitara na binili ko last time noong lumabas kami para magpahangin. Ang daming magagandang pasyalan dito kaya naman nag-e-enjoy rin kaming lumibot. Para lang talaga kaming nasa bakasyon at nalilibang namin ang mga sarili namin kahit papaano.

Besides designing, I also love composing songs. It's really funny that almost all of the songs that I composed are dedicated to him.

Sobrang baliw na baliw ako sa kaniya dati. One time nga hinarana ko pa siya sa labas ng room nila at naaalala ko pa kung gaano kapula ang mukha niya sa hiya. Sobrang sama rin ng tingin niya sa akin at ang sabi niya'y pinahihiya ko raw siya sa harap ng mga kaklase at kaibigan niya.

"Mil, saan ka na naman ba pupunta? Dala mo pa iyang gitara mo," inis na tanong ni Kylei habang nakasunod sa akin.

"Basta! Pupuntahan ko lang si Cai!"

"Bakit ba kasi?"

"Manghaharana ako," natatawa kong sabi pero seryoso talaga ako.

"Alam mo? Nababaliw ka na talaga! Ganiyan ba talaga kalakas ang tama mo sa kaniya at talagang ikaw ang manghaharana? Jusko, Mil, nasa school tayo. Mahiya ka nga! For sure magagalit na naman sa 'yo 'yon!"

Hindi ko siya pinansin, sa halip ay nagtuloy-tuloy lang sa pag-akyat hanggang sa floor nila Cai. Wala siyang nagawa kundi sumunod na lang sa akin.

May mga estudyante sa labas ng room nila na alam ko namang mga kaklase niya kaya sigurado akong wala sila sa klase.

Sinilip ko siya sa loob at nakita ko siyang kausap na naman ang kaklase niyang si Ria. Halos sila na nga lang ang palaging magkasama. Alam kong wala akong karapatan pero nagseselos ako.

I cleared my throat and held my guitar firmly. Ipinatong ko ang isa kong paa sa upuan saka ipinatong sa hita ko ang ulo ng gitara.

"Mil, please stop," Kylei begged. "Nakakahiya!"

Hindi ko pa rin siya pinansin.

Before going to his classroom, I made sure earlier that my guitar was on tune.

I bit my lips and started to strum my guitar. Hinintay ko lang matapos ang intro ko hanggang sa kailangan ko nang pumasok upang kumanta.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon