Chapter Thirty-four

20K 246 44
                                    

It's been three days since we came here in France. Madalang naming pag-usapan ang mga nangyari dahil pare-parehas kaming gustong makalimot kaya kami nandito.

Pinipilit namin magmukhang ayos lang kahit hindi naman talaga dahil naniniwala kaming wala namang magandang mangyayari o idudulot kung magmumukmok lang kaming tatlo.

We act like we're really fine and normal. Sinusubukan kong mag-sketch para kahit papaano ay may pagkaabalahan naman ako.

Hindi pa rin maiiwasang sumagi siya sa isip ko kaya kung minsan ay bigla na lang akong mapapahinto sa ginagawa ko. Wala na akong maiyak kahit ang sakit-sakit pa rin alalahanin ng lahat. Napagod na yata ang mga mata ko.

Nagpaplano kaming pumunta sa iba't ibang lugar pero hindi pa namin masimulan dahil tinatamad pa kami. Para kaming mga walang gana mabuhay.

Kahit gustong-gusto kong pumunta sa Eiffel tower at mag-picture doon, parang ayaw ko naman lumabas.

Nasa kuwarto kami ngayon, nakatanaw lang ako sa bintana habang kumakain ng fries nang bigla kong maramdaman na parang umiikot ang sikmura ko at para akong nasusuka.

Mabilis akong pumunta sa banyo at sinubukang sumuka pero wala namang lumabas saka ko naramdaman ang pagkahilo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko hanggang sa medyo kumalma ako. Nagmumog ako saka naghilamos.

Nang humarap ako sa pinto para lumabas, nakita ko roon sina Raya at Kylei na nakatingin sa akin habang salubong ang kanilang mga kilay.

"Bakit?" taka kong tanong.

"You've been acting really weird since the day you came here," said Kylei. "Maya't maya ka kumakain at umiihi, pabago-bago rin ang mood mo. Minsan nahihirapan kang makatulog, at sabi mo laging masama pakiramdam mo nitong mga nakaraan."

"Tapos?"

"You're gaining weight. Medyo tumataba ka na," si Raya. "When did you have your last period?"

My brows met. Napaisip tuloy ako kung kailan ba ako huling dinatnan.

"Two months ago? Hindi ko na maalala. Irregular kasi ako kaya minsan 2-3 months akong walang period. Bakit?"

"Hindi kaya buntis ka?" tanong ni Kylei.

Agad na nanlaki ang mga mata ko saka ko naisip ang mga symptoms na nangyayari sa akin ngayon. Kinabahan agad ako.

"Hindi ko alam," taranta kong sabi.

Nanlalambot akong lumabas ng banyo at dumiretso sa kama upang umupo. Nasapo ko ang sarili kong ulo at sinabunutan ang sarili.

"Baka . . . baka mali tayo," sabi ko saka tumingin ulit sa kanila. "Baka stress eating lang 'to tapos . . . kaya ako ihi nang ihi kasi inom ako nang inom. H-hindi . . . hindi kasi puwedeng buntis ako."

Dinaluhan nila ako at inalo. Hinagod nila ang likod ko upang pakalmahin ako dahil nag-uumpisa na akong manginig dahil sa kaba.

Paano kung buntis nga ako?

"We have to make sure, Mil," Raya uttered.

Kinuha ni Kylei ang phone niya saka pumindot nang pumindot doon. 

"Morning sickness, fatigue, sore or tender breasts, frequent urination," she stated and continued reading but I can't hear it anymore. Siya na lang ang nakakaintindi sa binabasa niya. "Almost all of these symptoms, nangyayari sa 'yo."

I shook my head and shut my eyes off. "Hindi. Baka nag-a-assume lang tayo. Baka tamang hinala lang tayo masyado."

"You should take a pregnancy test," Raya said while looking at my eyes intently. "Iyon lang ang paraan para makasiguro tayo."

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon