Chapter Thirty-one

20.5K 254 30
                                    

I became more miserable than I was since the day that I rejected his proposal. Halos hindi na ako makatulog, kung hindi pa ako mapagod sa pag-iyak ay hindi talaga ako hihilahin ng antok.

My one week rest from work became almost a month. Nagpapasalamat na lang ako na nandiyan sila Jil para sa akin at naiintindihan nila ako.

Halos hindi na rin ako lumalabas ng kuwarto. Alam kong alam ng mga magulang ko ang pinagdaraanan ko kaya naiintindihan nila kung bakit ako ganito. Hindi ko pa rin nakakausap ang mga kaibigan ko. Wala akong sinasagot maski isa sa mga message nila. May pagkakataon ding pumunta sila rito pero hindi ako lumabas.

Hindi ko kayang humarap kahit kanino man sa kanila. Ayaw kong makita nila akong miserable.

Alam kong walang kasalanan si Cai. Naiintindihan ko na ang bagay na 'yon. Ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ay ang pagiging tanga ko.

Ang tanga ko kasi hindi ko muna siya hinayaang magpaliwanag. Hindi ko siya pinakinggan noong oras na hinabol niya ako at pinigilan umalis sa kanila.

Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon lalo na tuwing maaalala ko kung gaano ko siya nasaktan no'ng oras na tinanggihan ko ang alok niyang kasal.

Nasaktan ko siya nang sobra.

Alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya kagaya ko dahil sa naging desisyon ko.

Hindi ko naman sinasadya, nasaktan lang din ako.

Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob, babalikan ko siya kagaya nang ipinangako ko sa kaniya.

Alam kong hinihintay niya lang ako dahil sinabi kong bigyan niya lang ako ng panahon at babalik din ako sa kaniya.

Tutuparin ko 'yon dahil mahal ko siya.

Hindi nga lang sa ngayon, pero malapit na.

Alas tres na ng hapon nang makaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong bumaba. Bago ako lumabas ay nahagip ko ang sarili kong repleksyon sa vanity mirror.

Nabawasan na ako ng timbang dahil madalang akong kumain. Namayat ako. Hindi tulad ng dati kong katawan na medyo malusog.

I don't feel sexy. I still want my body before.

I sighed and looked away from my reflection. Tumuloy ako sa paglabas ng kuwarto at bumaba. Dumiretso agad ako sa kusina para maghanap ng kakainin.

"May gusto ho kayong kainin, ma'am?"

Pumasok ang isang kasambahay galing sa labahan sa labas. May pinto kasi sa dulo ng kusina papunta roon.

"Gusto ko po sana ng pasta kaso medyo matatagalan pa kung magluluto. Nagugutom na ako, e," sagot ko.

"May cheesecake po sa ref dala ng mommy ninyo kahapon. 'Yon na lang po muna ang kainin ninyo habang nagluluto ako ng pasta," aniya saka nag-umpisang maghalughog ng ingredients.

"Sige po. Thank you," nakangiti kong tugon bago pumunta sa ref at binuksan iyon.

Ang daming prutas pero hindi naman iyon ang gusto kong kainin pero kumuha ako ng tatlong pirasong grapes at kinain iyon kahit hindi ko pa hinuhugasan. Hinugasan naman nila iyon bago ilagay sa ref.

Kinuha ko ang box ng cake at inilabas iyon. Pinaghanda na rin pala ako ni Ate Josefa ng platito at tinidor na nasa kitchen counter na. Humiwa lang ako ng maliit na piraso ng cheesecake dahil baka hindi na ako makakain ng pasta mamaya kung marami ang kakainin ko.

Dumiretso ako sa sala at buksan ang TV kahit hindi naman ako interesadong manood ng kahit ano ngayon. Masyado lang tahimik at kailangan ko nang kaunting ingay.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon