Chapter Twenty-nine

19.5K 273 21
                                    

I busied myself sketching a casual dress while playing good music in the background. Mahina ko itong sinasabayan at kung minsan ay titigil sa pagguhit para bumirit at gagawing mic ang hawak na lapis.

I swear, if someone saw me like this, they would actually laugh at me. It's a good thing I have my own office. Nakakagalaw pa rin ako nang malaya. Pero siguro naririnig pa rin nila Jil ang boses ko.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, sumasagi sa isip ko si Cai. Last week when his problem with his company is already settled yet he's still busy. Hindi man ganoon ka-busy katulad noong mga nakaraang linggo pero busy pa rin siya.

The only thing that changed is he's going home an hour earlier than before. Minsan naaabutan niya akong gising pa kaya may oras pa kaming makapag-usap, usap lang talaga. Ang kaso nga lang ay madalas inaantok na siya kaya hinahayaan ko na siyang matulog.

Sometimes, he goes here when it's lunch time. Minsan ay ako naman ang pumupunta sa kaniya. Our relationship is always give and take. Ganoon naman talaga dapat.

They say that relationship becomes strong when the guy is the one who loves more, pero para sa akin, mas nagtatagal at mas tumitibay ang isang relasyon kung parehas ninyong mahal na mahal ang isa't isa.

Just like us, girls, men deserve to be loved. Hindi puwedeng palagi na lang tayo dahil hindi lang naman sa atin umiikot ang mundo. Kailangan din ng mga lalaki maramdaman na kamahal-mahal sila.

I nodded, agreeing with myself. Madalas ay nauubos ang oras ko sa pag-iisip tungkol sa maraming bagay. Kapag may libre akong oras, habang naliligo, habang nagbibihis, bago matulog, o kung minsan ay bigla na lang akong matutulala at mapapaisip.

Marami akong napagtatanto tapos tatango ako sa sarili ko na para bang tama talaga ang naiisip ko.

Pero minsan, mga kalokohan ko lang din naman noong teenager pa ako ang naaalala ko kaya natatawa na lang ako.

My thoughts gone when my phone beeped. Agad ko itong kinuha para i-check kung sino ang nag-message. It was Tita Meryll who wants me to go to their company.

They are planning to surprise Cairus because he's one of the successful young entrepreneurs.

I didn't know it yet. Ngayon lang kaya chineck ko online, he's in third place and he's actually earning a huge amount of money.

I can't help but be amazed for how successful he is. Gulat pa ako at tulala. Hindi ako makapaniwala na ang layo na ng naabot niya.

Nag-reply agad ako kay tita at sinabing darating ako bago mag-lunch. I looked at myself on the human size vanity mirror. Tumayo ako upang tingnan kung ayos lang ba ang itsura ko. I am the girlfriend, I should look good.

I'm currently wearing a three-piece brown tube top, trousers, trench coat, and nude pump heels.

I'm contented with my outfit. Kailangan ko lang sigurong pagandahin ang makeup ko dahil hindi naman ako masyadong naglagay ng kung anong kolorete sa mukha ko kanina.

Hinalungkat ko ang pouch ko sa bag kung saan nakalagay ang makeup kit saka nilagay sa harap ko ang isang maliit na salamin. Inayos ko ang mukha ko. Nilagay ko 'yong ilong ko sa noo ko kasi p'wede 'yon, desisyon ako sa sarili kong mukha.

Naglagay ako ng blush para fresh. Mukhang palaging kinikilig kasi kulay kamatis. Nag-retouch lang ako nang kaunti tapos nakuntento na rin ako sa itsura ko.

Kinuha ko na ang tote bag ko saka lumabas ng office ko para magpaalam kina Jil. Nang makalabas ako, nagulat ako nang makita ang kotse ni Jai sa labas. Binaba niya ang bintana.

"Sakay na," aniya.

Kunot ang noo na sinunod ko ang sinabi niya. "Umaano ka rito?"

"Inutusan ako ni mommy na sunduin ka. Itetext pa lang sana kita, buti na lang lumabas ka na," sagot niya saka binuhay ang makina ng kotse. "We will also buy cake for Cai."

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon