Chapter Thirteen

23K 394 10
                                    

I was surprised when I saw in the news about my event. It is probably because of the guests' personalities that came that night. A lot of comments about it had flooded also. People liked it and I couldn't help but be happy.

Kinontak na rin ako ng ibang artista at sinabing kukunin ang La Grâce bilang designer brand nila. Sobra na ang kilig na nararamdaman ko at ang daming taong nakapaligid sa akin ang natutuwa.

Well, what would they expect in a woman who graduated with flying colors? I am a laude and I guess it really reflects now.

I called Kylei and in just few rings, she answered it already. "Nasaan ka?" bungad kong tanong.

Maingay sa background niya at naririnig ko pa ang mga baklang nag-uusap. "Nasa shoot," sagot niya.

Agad akong nanghinayang. "Sayang naman. Isasama sana kita sa shop ko. I want to show it."

"Maybe tomorrow then ask Raya if she wants to join," she said.

Nagsalubong agad ang kilay ko sa sinabi niya. "Si Raya? 'Di ba ayaw mo ro'n? Hindi nga kayo magkasundo, e."

"Not anymore," she said and chuckled. "She had told me how good I was and that she doesn't regret that she had me in her agency. Hindi na raw siya magsisinungaling at totoo naman na magaling ako."

Natawa ako sa sinabi niya, siya lang naman kasi ang nag-iisip na ayaw sa kaniya no'ng tao. Hindi niya kasi nakikita kung gaano kaganda ang ngiti ni Raya sa tuwing pinapanood siya.

Sometimes, we are just the ones who think that a person doesn't like us when in fact, they have nothing against us.

"Buti naman alam mo na," natatawa kong sabi. "Alam kasi ng lahat ang tungkol sa bagay na iyan, ikaw lang ang hindi. Ilang taon ka ring tanga, 'no?"

"Bastos ng buunganga mo!" sigaw niya kaya nailayo ko ang cellphone sa tainga ko. "Ibababa ko na 'to, hudas ka!"

Natatawa pa rin ako matapos niyang ibaba ag tawag. She can be friends with her but she didn't because she thought Raya doesn't like her.

Now that I don't have anything to do, napaisip ako kung ano ang p'wede kong gawin. Kauuwi ko lang din galing magsimba at hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya umuwi na ako.

Gusto ko sanang ayain si Cai, I am knocking on his door earlier but he is not answering. Naka-lock din iyon na para bang alam niyang papasok ako roon kung hindi.

I was sitting pretty on the couch when the door opened and Cairus went in. He's in his business attire and based on his face, he's exhausted. His eyes are dark like he had not slept for two days.

Kumunot ang noo ko nang maalala na Linggo ngayon, ibig sabihin dalawang araw siyang hindi umuwi at nagtratrabaho siya? Naawa ako sa kaniya dahil sa itsura niya ay hindi talaga siya nakakakuha nang maayos na tulog. Sobrang importante yata nang inaasikaso niya kaya wala na siyang pahinga.

Jairus was looking at him. Pababa siya habang ang kuya niya naman ay paakyat. Nang makababa siya ay bumuntonghininga saka umupo sa harap ko.

"He looks like a spoiled potato," he mumbled.

"Pagod na nga, inaasar mo pa," sabi ko. "Ngayon lang siya umuwi?"

"Obviously." He rolled his eyes at me. "He went to a business meeting outside the county. I heard from Mom, there's a problem but I don't understand it because I am not into business matters."

Mas nalungkot ako sa nalaman. Hindi pala talaga siya makakakuha nang maayos na pahinga dahil may problema siya. As the CEO of their company, he needs to take care of it. Mabuti na lang at nandiyan pa rin sina Tita Meryll at Tito Cain para i-guide siya pero alam ko namang kaya niya 'yon. Maaayos niya rin ang problema, naniniwala ako sa kaniya.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon