Chapter Twenty-four

21.5K 333 5
                                    

"Hindi ko talaga alam kung ano'ng ireregalo ko sa kaniya," sabi ko kay Kylei habang nagtitingin ng magandang kotse. "Parang ang hirap kasi magbigay lalo na kung hindi mo sigurado kung meron na ba siya no'n, saka kaya niya naman bumili."

Sa isang araw na kasi ang birthday ni Cai, hanggang ngayon wala pa akong maisip na regalo para sa kaniya. Nakakahiya naman kasi, ito ang first birthday niya na kami na tapos wala akong ibibigay?

"I think it's okay for him if you're not giving him something," she said, roaming her eyes to the cars in front of us. "I'm sure he will understand. Totoo namang mahirap siyang bigyan ng regalo kasi nasa kaniya na lahat."

Nandito kami sa isang car shop kasi nagbabalak na akong bumili. Hindi naman siguro puwede na palagi na lang akong hatid-sundo ni Cai sa trabaho ko. I can see he's exhausted from work and he's just trying to act that he's fine but his eyes tell otherwise. Ayaw ko nang dumagdag pa.

Besides, we're living on one roof, kahit hindi namin sariling bahay at least nasa iisang bubong kami. Magkikita pa rin naman kami. Even though mommy told me I can go home na. Maybe I can tell them that I want to stay a little bit longer.

"Gusto ko ngang magbigay ng regalo, eh. It's his first birthday that we are together. I want to make it memorable and special."

"Huwag mo na kaya akong idamay sa problema mo?"

Kasalukuyan kong minamata ang Cadillac XT5 na kulay gray which is my favorite color. Hindi ko na napigilan at lumapit na ako roon upang tingnan itong mabuti. Maganda kasi kaya naagaw ang atensyon ko.

"Ano nga kasing ireregalo ko?" namomroblema ko na talagang tanong habang sinusuri pa rin ang sasakyan.

"Ikaw," bored na sagot ni Kylei.

"Anong ako?"

"Basta ikaw."

Inirapan ko na lang siya at inikutan ang sasakyan. Parang gusto ko na bilhin kaso sabi ko lang naman ay magtitingin pa lang ako, wala naman sa plano kong bumili na talaga ngayon. Tsk.

Hindi namin kasama si Raya kasi may ka-meet up daw. Hindi naman namin alam kung sino at kung ano ang dahilan. Basta ang alam lang namin, hindi pa sila nag-uusap ulit ni Zai base sa kuwento sa akin ng boyfriend ko.

Medyo naaawa na nga ako roon sa tao kaso naisip ko rin naman na baka may dahilan din si Raya. Hindi dapat namin pangunahan ang lahat kasi hindi naman makakatulong.

Samantalang itong si Kylei, aba'y blooming na blooming! Nasa tamang nag-aalaga na raw kasi siya. Ang yabang pa! Pero masaya ako para sa kaniya. Nakikita ko naman kasi kung paano siya pakitunguhan ni Jai. Baliw na baliw yata sa kaniya.

Buti pa kami ni Cai lowkey lang, kaya talagang magtatagal kami.

"Kahit ano namang ibigay mo sa boyfriend mo, I'm sure ma-a-appreciate niya kasi mahal ka niya. Kahit bigyan mo pa 'yon ng piso, baka magpasalamat pa kasi sa 'yo galing," sabi niya habang nakatingin din sa kotse. "Naiintindihan mo ba ako? Kadalasan wala 'yon sa binibigay kundi sa nagbibigay."

That makes sense. Akala ko wala siyang matinong sasabihin ngayon, iniisip ko na kasi talagang kurutin siya sa singit kahit may nakatingin pang salesperson sa amin.

"Gets! Thank you, Jairus!" pang-aasar ko.

Ang gaga, nag-blush naman. Ang harot-harot. Parang kailan lang, naiirita pa siya sa presence ni Jai tapos ngayon marinig lang pangalan, nagkukulay kamatis na.

"Magiging Villaverde tayo parehas," she giggled.

Tumaas ang kilay ko. "Gaga! Mauunahan pa tayo no'ng isa."

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon