Chapter 3

50 5 48
                                    

UPGRADED KIDNAP

Third Person's POV

"Mr. President, hindi na ho ba talaga magbabago ang isip nyo?" tanong ni Mr. Wu sa matandang lalaki na nakatanaw sa malawak na dagat sa labas ng kanyang opisina. "I mean mukhang hindi pa ho sila handa"

"Ang tunay na lalaki dapat alam ang gagawin kahit hindi pa handa." saka sya humarap sa kanyang secretary. "Isa pa, wala akong ibang hinangad kundi ang kabutihan at kaligayahan nilang tatlo."-dugtong pa nito bago umupo sa kanyang swivel chair. "Hindi ko man napalaking maganda at magkasundo ang tatlong anak ko, gusto kong bumawi sa mga apo ko bago pa mahuli ang lahat."

"Inaalala ko lang din ho ang iba't-ibang ugali nilang tatlo. Isama nyo pang makakasama nila ang taong makikilala palang nila." worried na sabi ni Mr. Wu. "Saka ho tatlong lalaki ang makakasama ng isang babae sa loob ng bahay. Hindi po ba mejo..." nag-aalanganin nyang tugon

Tumingala sa kanya si Mr. Seinfeld. "Jan natin malalaman kung anong klaseng mga apo ang meron ako." saka ito napabuntong hininga. "Alam ko ang pag-aalinlangan mo Richard. Halos ikaw na din ang nagpalaki sa kanilang tatlo at tumayo bilang ama nila. Pero hayaan mo na muna ako sa gagawin kong ito."

Napatango naman si Mr. Wu bago nagbow. "Pasensya na ho kayo kung lumalabas ho na kinuquestion ko ang kabutihan ninyo."

Binigyan ni Mr. Seinfeld ng isang secured na ngiti ang kanyang Secretary bago inilipat ang tingin sa picture na nakatungtong sa kanyang mesa. Ang litrato nya kasama ng tatlo nyang apo sampung taon na ang nakalipas. "Dito natin malalaman ang kanilang totoong pagkatao pagkatapos ng isang taon"


Valen's POV

Tsk. Jjajeungna!

Pasalamat silang dalawa at kilala ko tong babaeng bombay na ito. Tapos mga walang hiya! ni hindi manlang ako sinamahan na pumunta dito. Sabagay, mas mabuti na to kesa sa sumama sila sa akin. Ayoko silang makasama. Better do things on my own.

Makalipas ng sampung minutong paghihintay ay lumabas na din ang babaeng pangit mula sa isang maliit na eskinita. May malaki itong backpack saka may hawak na malaking plastic. Yung isang kamay naman nya ay may hawak na nilagang itlog. "An itlog a day, keeps the doctor away!" sabi pa nito bago sumubo.

Bilisan mo naman. Kanina pa kaya ako naghihintay sayo dito.

What the! why did you stop!?

Huminto ito saka umupo sa harap ng isang pusa?! oh my god! wala sa sarili akong napabuntong hininga.

Tumingala sa kanya ang sobrang payat na pusa. "Meow"

"Naku siguro hindi ka pa kumakain no?"

"Meow"

Tumingin sya sa kanyang itlog at ibinalik ang tingin sa pusa.

"Meow"

"Pano ba yan? pareho pa tayong hindi kumakain" mejo malungkot nitong sabi. "Sa katunayan nga nyan hindi din ako nakapaghapunan kagabi."

Hindi kumain ng hapunan tapos walang agahan at ngayon itlog para sa tanghalian?

Seriously? Is that determination? Or stupidity?

"Meow" muling sabi ng pusa at mukhang takam na takam na din sa pagkaing nakikita nya

Oh my god! ano ba itong ginagawa ko? bakit ba ako nanonood ng drama dito? tsk. jjajuenga! Sana naman kasi hindi na nya pinansin ang pusa eh!

Binitawan nya ang hawak nyang malaking plastic saka hinaplos haplos ang ulo ng pusa. "Pero mas kailangan mo ito kesa sa akin. Ako, may bibili pa sa mga paninda ko pero ikaw, mukhang walang magbibigay ng pagkain sa iyo." saka sya nagpout. Naku naku! ano ba yan! allergic pa naman ako sa mga nagpapout. Naaalala ko si tanda sa kanya eh! muli syang tumingin sa kanyang itlog. Lumunok muna ito bago ibinigay sa pusa. "Eto oh. Kumain ka. Magpakabusog ka ah" saka ito ngumiti

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now