Chapter 18

16 1 0
                                    

THE CONFRONTATION

Valen's POV

It's 4 am in the morning and here I am, widely awake. Dalawang oras na ata ang nakalipas ng mapanaginipan ko na naman ang mga nangyari noon. It's been 3 years already pero sariwa pa rin ang lahat sa akin. And I hate this feeling.

I want to forget all. Everything. Especially those people who were involved. And the more I want to ran away from them, the more they are chasing me.

Bumangon nalang ako at napaupo sa kama.

Papano ko ba makakalimutan ang lahat ng mga nangyari? besides, here I am. Bakit pa ba kasi kami pinabalik dito? If I could just go back to Seoul.

Tumayo ako lumabas ng kwarto. Maninigarilyo nalang ako sa garden sa likod.

Paglabas ko ng kwarto, bumalandra sa akin ang babaeng natutulog ng komportable sa sahig. Hindi ba sumasakit likod nya sa kakatulog jan?

I don't like this scene anymore. Dito pa talaga sya nakaharap sa kwarto ko. It's not adequate to look at a woman sleeping like that. Doesn't she thinks that if there were some bastards in this house, she's already done? Pasalamat sya at kahit papano mga desente pa rin kami. Well, on her case, sino din naman ang magtitake advantage sa kanya?

Naglakad ako papunta sa tapat ng kanyang kwarto. It's been so long since she started to make our living room her bedroom. I really wanna know the reason why. Ano bang meron sa loob?

Hinawakan ko ang door knob para buksan ang pintuan ng hindi ko ito mapihit. Bakit naka-lock?

Tumingin ako sa babaeng natutulog pa rin sa sahig. Anong nangyari bakit naka-lock yung pintuan nya? Kaya ba sya hindi makapasok sa kanyang kwarto? kaya ba halos iilang damit lang yung pabalik balik nyang suot? isama mo pa yung mga nawawalang damit ni Lav?

But where is her key?

Nah! I don't care. Hindi ko naman kasalanan kung sadya talaga syang burara.

Dumiretso ako sa likod. Binuksan ko ang sliding door at naglakad sa bermuda papunta sa circle table. Habang papalapit ako ay doon ko lang nakita ang isang lalaking nakaupo dito.

What a huge ass I see.

Babalik nalang sana ako sa loob ng marinig ko syang magsalita. "Care to have a seat?" saka ko narinig ang mahinang pagsipa nya sa isang upuan.

He's inviting me. Well..

Hinarap ko sya at lumapit sa kanya. Iginihit ko ang upuang sinipa nya at naupo rito. Tinulak nya ang kanyang sigarilyo papalapit sa akin kaya kumuha naman ako. Matapos kong magpakawala ng usok ay kinuha ko sunod ang isang bote ng beer saka binuksan ito at ininom.

Madami ng nakakalat na can sa ilalim ng mesa at dalawang beer nalang ang natira sa table kaya sa palagay ko hindi din ata to makatulog at pinagpasyahan nalang uminom magdamag.

Basagulero din.

Tahimik lang kaming dalawa ng ilang minuto. Nakatingin lang sya sa kalawakan habang ako naman ay nakatingin lang din sa sigarilyo ko.

"Bakit wala kang ginawa nung pinatay ng mommy mo si Mommy?" kalma kong tanong sa kanya. "Sana naman naisipan mo syang awatin diba? kahit papano itinuring ka rin namang tunay na anak ni Mommy diba? ganyan kaba ka walang utang na loob?" kompronta ko na naman sa usaping ito bago uminom ng beer

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tinulak lang ako ni Mommy nun papalabas para sagipin ka sa sunog." kalma din nyang sabat sa akin.

Tiningnan ko sya ng seryoso. "Pero bago pa mangyari iyon, alam kong nakita mo ang lahat. Kung papano nagkaputukan sa loob."

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now