Chapter 13

21 4 0
                                    

SUSI NG KWARTO

Lav's POV

Nakakainis naman si ate Lia! Tch!

4:30 am palang kanina kumatok na sa kwarto ko para makisuyo ng banyo. At ayun nga doon nga sya naligo.

Yun din ang dahilan kung bakit antok na antok ako ngayon. Papano ba kasi hindi na ako nakatulog simula nung pumasok sya sa kwarto ko. Tanong ng tanong kung saan nakalagay ang mga bagay. Sana naman hindi na nya ako inistorbo pa at hinayaan nalang na matulog ulit.

Bahala sya. Mamaya ila-lock ko na rin ang kwarto ko at bukas hindi sya pagbubuksan ng pinto kahit pa maglupasay sya sa labas.

Tch. Nakakabad trip naman oh!

Naglalakad ako ngayon malapit sa field para pumunta sa classroom namin. Please lang ayokong maka-encounter ng anumang bagay na makakapagpastress sa akin, or else hindi na talaga ako papasok ngayong araw. Pakiusap lang, okay na yung pambubwisit ni ate Lia kanina, wala na sanang dadag---

Wait.. is that ate Maicey?

Ai hee-ah! (Son of a b*tch in thai) Sya nga!

Agad akong tumalikod at nagmadaling naglakad pabalik. Kailangan kong makalayo sa kanya bago pa mahuli ang la---

"Lav? Lav!!" rinig kong pagtawag nya at maya maya pa ay narinig ko ang mga yapak nyang patungo sa kinaroroonan ko. Huli na para makatakbo ako dahil nasa harap ko na sya.

Ako ata itong nahuli nya.

"Lav, ka.. kamusta?" bati nya sa akin bago ako niyakap. Kaya ganun din ang ginawa ko.

"Still breathing. Ikaw?" sagot ko sa kanya ng magkalayo na kami.

Tumango tango ito habang nakangiti. "I'm fine." matapos ng kanyang sinabi ay natahimik kaming dalawa kaya aalis na sana ako pero muli syang nagsalita. "Si Valen, how's he?"

Hindi ako sumagot sa kanya. Kasi naman, bakit ko naman sasagutin ang katanungang hindi para sa akin. Kakamustahin lang din naman pala nya si kuya, sa akin pa ipinadaan.

Mukha bang kalong kalong ko si kuya Valen?

"Hindi ka kasi sumasagot sa mga texts at tawag ko kaya sinadya kitang hintayin dito."

"Ate Maice, pasensya ka na pero ayokong madamay sa kung ano man ang meron kayo ng kuya Valen ko"

Muli ay aalis na sana ako pero hinarangan nya ako. "How 'bout Yuto? kamusta sya?"

Ate Maicey naman! please lang! gusto ko ng matulog sa classroom! wag ngayon please!

"Lav, kakamustahin ko lang sana sila."

"I have the right to remain silent." hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko. Nung una ay mukha syang nabigla pero agad ding napangiti. ai baa! (crazy person in thai) she's getting into my nerves.

Makulit sya kagaya ni ate Lia. Pero mas gugustuhin ko pang makipagbangayan kay Moana kumpara sa plastic na kagaya nya. Anong akala nya? hindi ko alam na mas umusbong pa yung away ng dalawa kong pinsan dahil sa kanya?

"Sana makapaglaro ulit tayo ng computer games kasama nila Vale---"

"Ate please.." pagpuputol ko sa kanya bago huminga ng malalim at muling nagsalita. "Kayo na ni Hex diba? ano pa bang kailangan mo?" diretsahan kong sagot sa kanya.

Nakakainis eh! idagdag mo pa yung mga pinsan kong mukhang mga walang pakialam. Wala silang pakialam kaya ako yung pinapakialaman ni ate Maicey. Tch.

"Alam kong mahal pa ako ni Valen at matatanggap pa ako ni Yuto so please---"

Hart with Lav and ValentineOnde as histórias ganham vida. Descobre agora