Chapter 10

34 4 4
                                    

NAKAKAMISS DIN PALA

Valen's POV

Mag-aalas singko na ng hapon at kasalukuyan akong naglalakad papunta sa likod ng lumang building kung saan ang abandonadong parking lot. Nasa gawing pinakalikod ito ng school kaya imposibleng may estudyanteng mapapadpad dito.

Hindi ko na inaya sila Leon at Hiro na sumunod sa akin. Ayoko ng maraming drama mula kay Hiro at panigurado si Leon naman ay nandun na sa kung saan mang club para magliwaliw.

Wala akong pakialam sa kung ano man ang mangyayari. Oo, alam ko kung pano makipaglaro si Hex. Madumi. Napakadumi. Pero maganda nga iyon. The worse, the better.

Isa pa madami ding atraso iyang lalaking iyan sa amin. Lalong lalo na sa akin. Pasalamat sya't pagbibigyan ko sya.

Hex Gabriel Cameron. Kung gaano ka-anghel ang pangalan nya, ganun naman kademonyo ang ugali nya. Sya ang leader ng kanilang grupo. At ang grupo nilang hindi kami mapatumba. Hindi na rin mabilang kung ilang beses na kaming nakipagsagupaan sa kanila. Pero iisa pa rin ang kinalalabasan, hindi nila kami kaya. At sya nga pala, malakas ang apog ng lalaking iyan dahil isa ang mga magulang nya sa may malaking shares dito sa school kaya ayan, akala nya sa sarili nya gwapo. Pwe!

Agad na sumirado ang malaking pintuan ng tuluyan na akong makapasok sa abandonadong parking lot.

Ilang sandali pa ay nagsilabasan na ang mga iilang estudyanteng nakangisi sa akin, yung iba naman ay gusto na akong hambalusin ng mga kahoy at bakal nilang hawak. Mga halatang excited. Tsk. At syempre ang grand entrance ni Hex kasunod ang tatlong lalaking mga kagrupo nya.

Ngumisi sya sa akin at agad na marahas na iniluwa ang chewing gum nyang nginunguya saka muling tumingin sa akin. "Nakalimutan ko nga palang sabihin kanina, welcome back"

"Nakakalungkot namang isipin na hanggang ngayon hindi ka pa rin makamove on sa mga nangyari." supalpal ko sa kanya saka ngumisi din

Pero hindi naman sya nagpatinag. "Nasaan na yung iba? sa pagkakatanda ko, lima kayo diba? masyado ba silang natakot at hindi na sumama? nako! papano ba yan? naparami ata yung mga inimbitahan ko" inosente nyang tugon. "Makakagapang ka pa kaya mamaya?" pahabol pa nya

"Hindi ba ikaw ang nagmumukhang natatakot nito?" tanong ko sa kanya bago ngumisi. "Alam mo naman pala kung iilan lang kami tapos buong baranggay pa yung kinunchaba mo"

"Hindi takot ang tawag jan, kundi paninigurado" sagot naman nya kaya nagtaka ako. "Paninigurado dahil talagang pupuruhan na kita! at sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ko na talagang manghihiram ka ng mukha sa kambing!" nanggigigil nyang sabi.

Well, sorry nalang sya, dahil sa tatlong taon kong pamamalagi sa Seoul, walang araw na walang humahabol sa akin.

"Tsk. Alam mo tama na yang satsat. Wala namang kabuluhan eh, mas gugustuhin ko pang makinig sa mga Homily ni Hiro kesa jan sa mga walang kwentang salita na lumalabas sa bibig mo. Hindi kasi bagay sa isang talunan na katulad mo."

Muli itong ngumisi. "Huh.. tingnan lang natin kung hindi ka magmakaawa mamaya. Geh! Umpisahan na! dalhin nyo nalang sa akin kapag nangingisay na"

Matapos ng kanyang sinabi ay doon na nga naglakad ang napakaraming lalaki papunta sa gawi ko. May iba't ibang hawak silang mga kahoy at bakal na ipapalo especially for me.

Mayamaya pa ay nag-umpisa na silang sumugod sa akin kaya ako naman ay ginagantihan din sila ng mga suntok at mga moves kong ako lang ang nakakagawa.

Huh? anong akala nila? mapapatumba nila ang isang Lem Valentine? It's impossible! sa dami na ng mga nakasagupa ko, balewala lang to.

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now