Chapter 27

21 2 0
                                    

SI NARUTO

Third Person's POV

"Tumaas ho ang stocks natin ng 3% simula kahapon pagkatapos ng Grand Exhibit." pagrereport ni Mr. Wu sa kanyang amo. Nakatuon ito sa kanyang tablet habang nakatayo sa harap ng table ni Mr. Mariano.

"Nakita mo ba ang nangyari kahapon?" pagbabalewala ng matanda sa kanyang sinabi.

Napatingin sa kanya si Mr. Wu. Gumuhit ang linya sa kanyang noo pero agad din itong nawala ng ma-gets ang sinasabi ng kanyang amo. "Pero hindi pa po tayo sigurado sa mga nangyari."

Ngumiti sa kanya si Mr. Mariano. "Masaya na ako sa mga nasaksihan ko at kontento na ako dun. Isa pa alam nating hindi nila ugali ang makialam sa problema ng iba. Isama mo pa ang pag-aalala nila para sa ibang tao. Pero tingnan mo, sinong mag-aakalang..." hindi na nito tinapos ang kanyang sinasabi at muling napangiti.

"Kung iyan ho ang iniisip ninyo." maikling sagot ni Mr. Wu bago magalang na tumango

Mula sa pagkakasandal sa kanyang swivel chair ay umayos ito ng upo. Ipinatong nya ang kanyang baba sa kanyang mga kamay na syang nakatungtong sa kanyang mesa. "Tama nga akong si Lia ang sagot sa mga problema ko."

"Hindi ho sa kinokontra ko kayo pero masyado pa po atang maaga para sabihin iyan." nag-aalanganing sagot ng kanyang Secretary.

"Yung ginawa ni Yutong pagtatanggol kay Lia. At di ba hindi nya ito pinabayaan dun sa mga nakipag-away sa kanila? at yung ginawa ni Valen na pagpapalayo kay Lia mula kay Pain saka sa ibang tao? anong tawag mo dun? sige nga, sabihin mo nga kung hindi pa iyon sapat?" sunod sunod nyang sabi saka muling napasandal. "At higit sa lahat, ginagalang sya ni Lav. Samantalang ni ako nga hindi nya matawag na Lolo." stress nitong dugtong saka napabuntong hininga. "Bakit ba napakahirap bigkasin para sa kanila ang salitang Lolo? to the extent na iba iba pa ang tawag nila sa akin? a.apat na letra na nga lang iyan"

"Pasensya na ho kayo. Pinagsabihan ko na rin ho si Thyme tungkol sa pagbigay ni Lav ng cauliflower sa inyo." nakayukong tugon ni Mr. Wu

At dahil sa sinabi nya ay napatingala sa kanya si Mr. Mariano.. "Wag mo ng isipin iyon. Magtaka ka nalang kung magiging matino yun." pagkasabi nya ay muli syang nastress. "Oh bakit daw?"

"Imbes daw kasi na si Valen, si Lav ang pinapunta nila sa flower shop ni Thyme. Pero hindi naman daw dumating si Lav kaya napagdesisyunan nalang nila ni Maicey na dalhin ang bulaklak sa event center." paliwanag nito

"Hay nako. Alam kong special child silang tatlo. Pero sya na ata ang pinakamongoloid."

Hindi naman alam ni Mr. Wu kung matatawa ba sya o  ano kaya kaya iniba nalang nya ang usapan. "Ano na pong balak ninyo ngayon?"

"Well, gusto ko si Lia. At may nakikita akong improvements na mga nangyayari simula nung nagkasama silang apat." sagot nya saka tiningnan ang picture ng kanyang tatlong apo nung sila ay mga bata pa. Nasa harap nya ang parisukat na litrato ng mga ito.

"Mawalang galang na ho, pero yung second family po yung tinutukoy ko." seryosong tanong ni Mr. Wu kaya naging seryoso na din ang mukha ng kanyang amo. "Apat na Seinfeld ho ang dumalo sa exhibit kahapon kaya nagustuhan ito ng mga tao." dugtong pa nito bago muling tumingin sa kanyang hawak na ipad. "Isang rason din ho ito sa pagtaas ng stocks natin."

"Alamin mo ang rason ng pagdalo ni Pain kahapon." sabat naman nito bago tumayo at naglakad papunta sa glass wall na kita ang dagat. "Hindi ko inakalang makakadalo ang tatlo sa exhibit, pero mas hindi ko inaasahang makakapunta ang isa sa mga second family."

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now