Chapter 12

22 4 0
                                    

BURARA

Lia's POV

Tiningnan ako ni Sabrina ng may pag-aalinlangan..

"Gusto kong malaman ang tungkol sa kanila dahil nacu-curious ako. Pero kung hindi mo feel sabihin sa'kin..." sabi ko bago ngumiti sa kanya. "Okay lang. Hindi mo naman kailangang mag-explain." pagsisigurado ko pa bago sumubo ng choco pie.

Sa susunod ko nalang siguro aalamin ang tungkol sa kanila. Pasasaan ba't malalaman ko rin ang mga nangya---

"Grade 6 palang sila nung magkagulo ang kanilang pamilya." agad akong napatingin kay Sabrina. Sya naman ay bumuntong hininga pagkatapos. Ilang sandali pa ay muli syang nagsalita habang nakayuko. "Ma.. makinig ka lang pero wag kang magsasalita para hindi ako ma.. mawala sa concentration."

Kumunot ang noo ko pero tumango na lamang ako sa kanya.

"Basi sa mga nagkalat na balita, yung nanay daw ni Yuto ang pumatay sa nanay ni Valen. Hu.. huli na ng maabutan nya ang mga pangyayari. At.. at ang tanging saksi lang daw ay walang iba kundi si Yuto. At dahil jan nagkagulo ang buong pamilya nila. Hanggang sa hindi pa naililibing ang nanay ni Valen ay pinapunta na silang tatlo sa ibang bansa."

Tanging ang paglunok lang ng aking laway ang nagawa ko ng marinig ko ang sinabi ni Sabrina. Sya naman ay awkward na uminom ng kanyang C2.

"Masakit ngang impormasyon iyan." feeling ko naghalo ang lungkot at awa na nararamdaman ko sa buong katawan. Idagdag nyo pang nalilito rin ako sa mga sinabi nitong katabi ko.

Sabi sa akin ni Mr. Mariano, namatay ang nanay ni gagong oppa dahil sa isang malalang sakit. Wala naman syang nabanggit na may patayang naganap. Imposible namang nakalimutan nyang ipahayag sa akin diba?

Bigla akong napaisip. Totoo nga kaya ang sinabi ni gagong oppa na wag magtiwala sa lahat ng sinabi ng lolo nila?

"Ah.. Sab, papano mo nalaman ang mga impormasyong ito? dahil ba sa nagkalat na balita?" nalilito kong tanong sa kanya

"Oo.. at.. at magkaklase kasi kami."

Mas lalo akong naintriga. "Magkaklase kayong tatlo?"

"Kelan?"

"Si.. simula nung Kindergaten." automatic na lumaki yung mga mata ko. "Ganun katagal mo silang dalawa naging kaklase!?" di ko ata napigilan yung reaction ko. Kasi naman eh!

"A.. actually.. si.. silang apat"

Silang apat!?

"You mean pati yung dalawa pa nilang kaibigan?"

Tumango naman ito. "Sila Hiro at Leon"

Hiro at Leon?

Ahh!

"Iyon ba yung sumupalpal kay Ms. Reyalidad kanina?"

Tumango naman ito. "Si.. si Leon yun."

"Yung isa naman ay yung naka-eyeglasses, tama ba?" sya yung lalaking nakaakbay kay gagong oppa kanina

Muli syang tumango. "Sya si Hiro."

"Ahh.." tanging sambit ko. Muli na sana akong susubo ng choco pie ng meron akong maalala kaya muli akong tumingin sa kanya. "Teka! kung matagal na pala kayong magkaklase, eh bakit hindi ata kayo nag-uusap? dahil ba mga lalaki sila at babae ka? pero diba dapat close kayo?"

Bakas sa mukha nya ang pagkahiya at awkward at the same time.

"Naku! pasensya na sa mga tanong ko. Ano... wag mo nalang pansinin ang mga iyon. Kalimutan mo na yun hehe" mabilis kong sabi. "Tara kumain nalang muna tayo at baka magring na yung bell."

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now