Chapter 29

19 0 0
                                    

TALUKBONG NG KUMOT

Valen's POV

Okay then. Iilang impormasyon pa ang kailangan ko.

Matapos kong mabasa ang message nya ay ibinalik ko na ang cell phone ko sa bulsa ko at lumabas na ng kotse.

"Ba't mo pinayagang pumasok?" bati ko kay Lav nung makita ko syang papalabas ng kanyang kotse sa car park. Nagmessage kasi sa'kin na papasok daw si Lia kaya naman ay hinintay ko nalang sila sa kotse ko at hindi na lang din muna lumabas.

"Akala mo ba gusto ko ding pumasok?" naiinis na sagot nya. "Tch. May exam daw kayo sa History kaya hindi na daw sya pwedeng umabsent."

Anak ng..

Nakakainis talaga iyang anak ni Panot. Bakit na naman sya magqui-quiz? akala mo naman magagamit namin sa kinabukasan yung mga tinuturo nya.

Inilipat ko ang tingin ko sa babaeng naglalakad papunta sa field. At eto namang si Moana, hindi alam kung papano pumirme sa bahay. Talaga bang binabalewala nya yung sakit nya? eh muntikan na syang maospital kagabi. Saka ang lakas ng apog nyang pumasok para lang sa 1-10 na exam namin sa History.

Hindi ko alam na ganun pala sya kabangag.

Tsk. Jjajeungna.

"Uwi na ko."

Nilingon ko agad si Lav. "At sinong may sabing uuwi ka?"

"Oh? alangan namang pati sa classroom nyo, susundan ko pa kayo? ay grabe ka naman kuya."

"Tsk. Kahit kelan wala ka talagang silbi."

"Bakit ikaw sa lipunan meron?" nang-aasar nitong balik sa akin. "Saka sa totoo lang, hindi nyo naman ako kailangan, talagang nahiya lang kayo ni kuya Yuto sa isa't-isa sa pag-alaga kay ate Lia kaya ako etong ginagawa nyong pa-in. Tch. Ba't di nalang kaya kayo uma---" agad syang napahinto saglit at isinarado ang pintuan ng kanyang kotse bago sumandal dito saka tumingin sa akin habang nakapamulsa. "Mr. Lem Valentine Seinfeld, may gusto ka ba kay Moana?"

"Ano!? wala no! ba't mo naman iyan natanong? at bakit naman ako magkakagusto sa pangit na yun? bulag ka ba?"

Nagsmirk sya sa akin. "Wow, yun lang ang tanong ko, ang defensive naman ng sagot mo"

"Tsk. Bahala ka nga sa buhay mo. Wag ka nalang pumasok sa school habangbuhay para masaya." nasabi ko na lamang bago sya iniwan.

"At natumpak mo din ang greatest dream ko." saka ko namang narinig ang pagsarado nya ng pintuan ng kanyang sasakyan.

Bakit ba sinasabi ng lahat na may gusto ako sa babaeng hindi kagandahan na iyon? Imposible. Napakaimposible.

Nagandahan lang naman ako sa kanya nung Sabado. Yun lang. it doesn't mean na pumasa na sya sa standards ko. Wow, what the heck?  Ano bang nagawa ko at pinaghihinalaan nila ako. Mukha ba akong may gusto sa kanya? what the!

Kinuha ko ang maliit na tali at itinali ito sa buhok ko saka masayang sumipol.


Yuto's POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang paggihit ng upuan sa tabi ko. Mula sa pagkadukdok sa arm chair ay napabangon ako at sumandal sa upuan.

Kararating lang ni Lia at tahimik lang itong nag-ayos sa kanyang mga gamit.

Agad na nagtagpo ang mga kilay ko. This idiotic human being, Lav Kaiden, cannot be trusted. Tss. Bakit nga ba ako nagtiwala sa ugok na yun.

Gusto ko sanang tanungin si Lia kung kamusta na ang pakiramdam nya. Sobrang init pa naman nya kagabi. But at the same time, I don't want too, also. It's just a waste of time. Kasi kitang kita naman sa kanyang hindi pa sya okay.

Hart with Lav and ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon