Chapter 26

25 2 0
                                    

PAIN

Lia's POV

"Pasensya na kung nagulat kita."

"Wala iyon. Pasenya na din, magugulatin kasi ako hehe." awkward kong sabi bago napakamot ng ulo. Nakalimutan kong naka-ayos pala ang buhok ko, buti nalang hindi nasira.

"By the way, I'm Pain." pakilala nito sabay lahad ng kanyang kamay sa harap ko.

Hindi ko magets kung bakit agad syang nagpakilala pero gayunpaman ay kinamayan ko pa rin. "Lia nga pala."

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong nya sa akin

"Ano.. nagbanyo lang hehe." awkward ko na namang sagot. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko bago muling naglakad at ganun din ang ginawa nya.

"Nagpapahangin lang"

Lumingon ako sa paligid. "Papano ka magpapahingin dito? eh mukhang hindi naman makakalusot ang sariwang hangin dito sa loob."

Napangiti naman ito. "I didn't expect that you'll be this silly."

"Pero kunsabagay, andami ngang tao sa loob. Nakakahilo"

"Sinong kasama mong pumunta dito?" tanong nya sa akin.

"Yung mga apo ni Mr. Seinfeld."

"Ah talaga?" sagot naman nito na para bang hindi naman talaga nagulat

"Ikaw?"

"Yung secretary ko." ako yung nagulat sa sinabi nya. Secretary? ano yun? parang magkasing edad lang kami tapos sya agad agad may secretary? gaano ba to ka-busy? "Ahm.. kaano ano mo yung mga apo ni Mr. Seinfeld?"

Hmm.. papano ko nga ba ipapaliwanag? ang hirap naman ng tanong nya. "Sa totoo lang, mahirap ipaliwanag eh. Pero basta, parati kong kasama yung tatlong yun. Minsan nga sarap sabunutan ng mga banung yun eh" natatawa kong sabi

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa loob at as usual napakarami paring tao.

"I see. You're close to them, aren't you?"

"Hindi naman sa ganu--- ah!" wala sa sarili akong napasigaw ng may pumutok dahilan para mapatingin ang ibang tao. Ilang sandali akong hindi nakagalaw. Hindi ako pwedeng magkamali sa tunog na iyon. Hinay hinay akong tumingin sa gilid ko.

Nakahilera ang napakaraming balloon boquet sa aking tabi.

Nawala sa sarili ko ang napakaraming balloons na nandito ngayon. Hindi ko sila namalayan.

Lia, kailangan mo ng umalis dito.


Third Person's POV

"Lia.." sabay hawak ni Pain sa kamay ng babaeng kasama nya. "You okay?" tanong nito ng mapansin ang pamumutla ni Lia. Mejo nagulat ito ng makita ang pamumutla ng kanyang katabi. "What's happening to you? hey?"

Nabitawan nito si Lia ng may humila dito.

"What did you do to her?" tanong ni Valen kay Pain bago inilipat ang tingin kay Lia. "Okay ka lang?"

Hindi naman sumagot si Lia at sa halip ay humarap ito sa kanya. This time makikita na ang takot sa mukha nito. Tumingin si Valen sa paligid at nakitang nakatingin na sa kanila ang ibang mga bisita. Hinubad nito ang kanyang blazer at itinabon kay Lia.

Muli syang tumingin kay Pain na syang nanonood lang sa kanila. Maglalakad na sana sila ng magsalita si Pain. "I'll kill you the next time we meet."

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now