Chapter 30

11 1 0
                                    

NAKATULOG

Flashback Continues

Third Person's POV

"Uy kuya! tulog ka na ba?" baling ni Lav sa kanyang katabi

"I close my eyes when I sleep" sabat naman ni Yuto.

"Tch. Naman kasi! you're spacing out"

Napabuntong hininga na lamang si Yuto bago sumandal sa kanyang likuran. "Kahit kelan hindi ako naging curious sa babaeng iyan. At isa pa, kung ano man ang plano ni Jiji, kahit sino mang tao ay walang makakapagpigil sa kanya, so why bother stressing out myself? kahit malaman man natin mga plano nya, sa huli ay susunod pa rin tayo sa kanya."

Hindi din naman nakasagot si Lav at natahimik nalang din. Ngayon palang ata sya nasuntok ng katotohanan.

Ilang sandali silang natahimik at maya maya pa ay dumating na si Valen na may bitbit na iilang plastic.

"Kuya andami mo naman atang paracetamol? sa mismong factory ka ba bumili?" nagtatakang tanong ni Lav

"Hindi ako siraulo kagaya mo, gago." sagot naman nito sa kanya. "Bumili ako ng hapunan natin at iilang pagkain para sa babaeng ito."

Ngumisi naman ang chinitong lalaki. "Wow! ang thoughtful mo naman kuya." saka nya inumpisahang buksan ang mga plastic.

Kunwaring umubo si Valen. "Wag kang ano jan! may sakit sya kaya binilhan ko. Walang ibang meaning yun! ikaw talaga napaka ano mo"

Kumunot ang noo ni Lav. "Ano bang pinagsasabi mo? ang ibig kong sabihin, napakathoughtful mo kasi binilhan mo kami ng hapunan." agad naman syang ngumisi ng may pumasok sa kanyang isipan. "Ahaha! ikaw kuya ha! May gusto ka ba kay Moana? haha! naku naku! napaghahalataan ka na ha! Haha!"

"Baka gusto mong basagin ko mukha mo?" naiinis na sabat nito.

"Ay mga kuya wait!" mejo may kalakasang sambit ng bunso nilang pinsan kaya napatingin sila sa kanya. "Sa tingin nyo ba may connection sa lagnat ni ate Lia ang mga nangyari sa kanya noong Sabado?"

Wala sa sariling nagkatinginan sila Yuto at Valen.

"I think she has Phonophobia" sambit ni Valen bago muling napatingin sa babaeng nakahiga sa sofa. "Nakita naman natin yung reaction nya nung pumutok ang balloon diba? and we all know, it's not comfortable to have that Phobia" dugtong pa nito bago umupo sa sofa na napapagitnaan ng mga kasama nya.

"Shia.. (sh*t in Thai)" reaction naman ni Lav bago inilipat ang tingin kay Lia. "Akala ko tayo lang ang may pinagdadaanan, sya din pala"

End of Flashback


Bahagya akong napaharap kay Lia. "Namumutla ka."

"Wag mo nalang akong pansinin."

Hindi naman sana kita papansinin kaso nakakabother ka.

Sinapo ko nalang ang kanyang noo na mejo ikinagulat pa nya. "Napakainit mo. Mamamatay ka na ba?" tanong ko saka tuluyan ng humarap sa kanya.

Pero agad din akong napaayos ng upo ng biglang dumating si Ma'am Legarda at binati ng mga kaklase namin.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Valen kaya natigil si Ma'am sa pagle-lecture at napatingin sa kanya. "You're pretty much late, Valentine."

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now