Chapter 22

29 2 0
                                    

GANGSTER O MAFIA?

Yuto's POV

Chikushou! (son of a b*tch in Jap)

Hindi ata sila nababawasan at sa halip ay dumarami pa. Nakakainis! and I'm starting to get tired.

Mabilis kong sinangga ang kahoy na dapat ay tatama sa balikat ko. Hinawakan ko ito at hinila kaya napalapit yung estudyanteng may hawak nito. Agad ko syang sinuntok sa panga at sinipa sa tyan kaya nanghihina itong bumagsak sa lupa.

Bago pa makalapit ang ibang mga estudyante ay nilingon ko na si Lia. I'm not sure if I'll be worried, curse at her or smiled at her. She looks so funny. Panay yung tusok nya sa mga lalaking lalapit sa kanya. Magaling din syang umilag kahit papano. May isa naman sanang hahawak sa kanya kaya agad ko itong hinawakan sa braso at binalibag.

Don't you try touching her.

Namilipit ito sa sakit. Pero bago ko pa ito maitulak ay sinuntok ko muna ang lalaking nasa harapan ko kaya natumba ito at nasalo nung sa likod nya hanggang sa dalawa na sila ang natumba.

Muli kong hinarap yung lalaking hawak ko at agad syang sinikmurahan.

Pupunasan ko na sana yung pawis ko ng may magsidatingan na naman.

Kuso (F*ck)

Bakit hindi sila maubos ubos? sanay ako sa ganitong labanan pero gusto ko ng umalis dito. Ibang usapan na kasi kapag may kasama akong nadadamay.

If Jiji knows about this, I swear to hell, I'll be a dead meat. And I'm pretty sure he already know by now.

"Ah!" agad akong lumingon sa likod ko at nakita si Lia na nakahawak sa kanyang buhok habang hila hila ito ng lalaking dumudugo ang ilong. "Masakit! bitawan mo ko!"

Sh*t

I was about to grab her when somebody hit me on my nape. Saglit akong nahilo pero ininda ko ito at umiling iling na lang. Mabilis kong nahawakan ang lalaking may gawa nito at agad na inagaw ang bakal nitong hawak at hinampas ito sa kanya kaya naman bumulagta ito ng walang malay.

Matapos nya ay dalawang lalaki naman ang sumugod sa akin kaya mabilis kong sinuntok ang isa at ipinangsangga ito sa kasama nya kaya natumba silang pareho sa iba pang nasa likod nila.

"Waah! Yuto! tulungan mo ko!"

Lia!

Agad akong lumingon sa likod ko pero wala na sya. Hindi ko pa man sya mahanap ay may kung sino na namang sumuntok sa akin kaya muli akong napaharap. Mabilis kong pinagsusuntok ang sumuntok sa akin hanggang napapunta sya sa gilid. Pagkatapos ay hinawakan ko sa kamay ang isang estudyante saka sinikmuraan ito. Hindi sya nakailag at halos mamilipit sa sakit kaya naman inagaw ko na sa kanya ang hawak nitong kahoy at agad itong ginamit mapatumba ang iba.

Halos kapusin ako ng hininga ng maubos ko sila. Agad kong hinanap si Lia at nakita ko syang hawak hawak ng dalawang lalaki papunta sa kinaroroonan ni Hex.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila at hinakawan ko sa kamay ang lalaking nasa kaliwang banda ni Lia. Hinila ko ito saka binalibag dahilan para magulat ito. Pero hindi pa man sya nakakaramdam ng sakit ng suntukin ko sya sa dumudugo nyang ilong kaya naman nabitawan nya si Lia.

Mabilis kong hinila si Lia kaya nabitawan naman sya ng isa pang lalaking nakahawak sa kanya. Agad ko itong sinipa. Hindi pa ako nakuntento at sinikmuraan ko sya kaya naman napasandig ito sa pader dahil sa sakit.

"Ano pang hinihintay nyo! tuluyan ng dalawang yan bago pa makatakas!" sigaw ni Hex sa di kalayuan. Saglit akong napatingin sa gawi nya at nakita itong napatayo mula sa kanyang inuupuan.

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now