Chapter 1

1.9K 52 0
                                    

"Nabalitaan mo ba ang nangyari kay nurse May?"

"Hindi eh bakit anong nangyare? Ang alam ko naging private nurse daw siya sa isang mayamang pamilya."

"Ang usap-usapan isang araw palang daw siya sa pinagta-trabahuan niya ay umalis na daw ito dahil sa subrang sama ng ugali ng binabantayan niya."

Napa-angat ako ng mukha habang nagche-check ng chart ng mga pasyente ko at napatingin sa dalawang nurse na kasama ko dito sa nurse station.

Ang aga-aga chismis agad ang inatupag.

"Talaga ba? Ano bang ginawa sa kanya?"

"Ang dinig ko lang sinabuyan daw ng pagkain, pinalo ng tungkod at tinapunan ng vase kaya nagkabukol sa ulo."

"Jusko naman kong ako din ang nasa posisyon niya aalis din naman agad ako kahit malaki pa ang binibigay nilang sahod."

"Sinabi mo pa magtitiis nalang ako sa sandamak-mak kong pasyente dito sa hospital kesa magtrabaho doon."

Aba ang sama naman pala ng ugali ng taong yon.

Padabog kong pinatong ang mga chart na hawak sa mesa na nagpa pukaw sa atensyon ng dalawa.

Sabay silang napatingin sa akin.

"Nurse Brielle nandito kana pala."gulat na sabi ni nurse Ann.

"Kanina pa, kaka chismis niyong dalawa hindi niyo na napansin na dumating ako."naka-ngiting sabi ko.

Alanganing ngumiti silang dalawa sa akin.

"Pano ba naman kasi ang nangyari kay nurse May ang laman ng usap-usapan dito sa buong hospital. At hindi lang daw si nurse May ang nakaranas nun kundi marami pang nurse sa iba't-ibang hospital."paliwanag nito.

"Ang aga chismis agad ang inatupag niyo."mabilis kaming nag sibalik sa mga ginagawa namin ng dumating ang head nurse dito sa station namin.

Nakataas ang dalawang kilay nito na  umabot na sa noo niya. Palibhasa matandang dalaga kaya laging may sama ng loob.

Sinenyasan ko ang dalawa na aalis na ako. Mabilis akong umalis at pinuntahan isa-isa ang mga pasyente ko.

"Good morning po."bati ko sa matandang pasyente pagkapasok ko sa kwarto nito dito sa hospital.

"Hali ka... hali ka...."sabi nito sabay kaway sa  akin na lumapit sa kanya.

Sinarado ko ang pinto at lumapit dito.

"May problema po ba?"tanong ko sabay tingin sa dextrose na naka kabit sa kanya.

"Nagtataka kasi ako tuwing umaga kapag gumigising ako naka tayo, pero ngayon bakit naka lupay-pay?"wika nito na kina taka ko.

"Sir, hindi pa po kayo pwedeng tumayo kasi nga kaka-opera niyo palang baka dumugo po ang sugat niyo."paliwanag ko.

"Hindi... hindi yan ang ibig kong sabihin.... tsaka bakit may mahabang naka kabit? Kinapa ko kanina may naka kabit...."

Mas lalong kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Baka iwan ako ng mga chikababes ko dahil hindi na tumatayo 'to..."sabi nito at pinasok ang kamay sa loob ng kumot.

Doon nag sink-in sa akin ang mga sinasabi niya. Napangiti ako dito...

"Kaya po hindi nakatayo yan dahil po sa epekto ng anesthesia na binigay po sa inyo bago kayo operahan."

Napatigil ito at sandaling tumingin sa akin.

"Eh ano itong tubo na naka kabit? Mahaba naman na itong lawit ko hindi na kailangan dugtungan."

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon