Chapter 15

1.3K 40 0
                                    

●Author's PoV●

Isang magandang araw para sa dilag na si Brielle. Masaya itong naglalakad sa malawak na hardin ng mga Delpierro. Nakasuot ito ng puting bestida na hanggang tuhod ang haba. Habang wala itong sapin sa mga paa. Ngumiti ito habang pinagmamasdan ang mga paru-paro na malayang lumilipad-lipad sa paligid.

Pumitas ito ng puting rosas at nilagay sa kanyang tenga. Yumukod ito at umupo sa damuhan ng may makita itong isang puti na kuneho. Kinuha niya ito at nilaru-laro.

"F*ck!"

Nagulat ito ng bigla nalang magsalita ang kuneho. Agad niya itong binitawan dahil unti-unti itong nagpapalit ng anyo. Mula sa isang maamong kuneho ay nagkaruon ito ng pula at nanlilisik na mga mata, malaki at matulis na mga tenga. Matatalas na mga ngipin.

Halimaw...

"Shit!"

"Shit!"

"Shit!"

Na alimpungatan si Brielle ng marinig ang sunod-sunod na hiyaw ni Jax. Nagmulat ito ng mata at agad na hinanap si Jax. Natigil ang tingin nito sa isang bulto ng lalaki na nakatalikod. Nakatayo ito malapit sa mga tanim na rosas. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at pinuntahan si Jax.

"Sabi sayo maupo ka  lang dun eh, ba't ang kulit mo. Ohh anung nangyare diyan sa kamay mo?"litanya nito kay Jax. Agad naman niyang kinuha ang kamay ni Jax ng may makita itong sugat sa daliri.

"Nasugat ata nung hawakan ko yung tangkay ng rose."wika nito.

"Baliw! Alam mo namang madaming tinik 'yon. At paano ka naman naka abot dito?" Tanung nito at walang anu-ano'y nilagay niya sa  kanyang bibig ang daliri ni Jax na may sugat at sinipsip ang dugo.

"Naglakad ako malamang--- Anung ginagawa mo?"wika ni Jax sabay agaw sa kamay niya.

"Sinipsip 'yong dugo diyan sa daliri mong may sugat."simpling wika nito.

Kukunin sana ulit ito ni Brielle ng agad itong bawiin ni Jax.

"Ako na."sambit niya at nilagay ang daliri sa  kanyang labi.

"Na antala tuloy 'yong maganda kung panaginip dahil sayo."wika nito at sumimangot. Hindi sumagot si Jax na busy parin kaka sipsip ng daliri nito.

"Tara dun sa may pool, naghanda si aling Martha ng meryenda."wika nito sabay hila  kay Jax.

Pagdating sa may pool area ay pina-upo niya ito sa isa sa mga upuan na nandun.

"Aytt...kukuha lang ako ng tubig ah. Wag kang aalis diyan. Tanggalin mo na yang daliri mo sa bibig mo namumutla na kaka sipsip mo oh."wika nito.

Papasok na sana ito sa loob ng bahay ng muli itong magsalita.

"Wag kang umalis diyan. Sisipain kita pag-umalis ka."muli nitong sambit at tuluyan ng pumasok sa  loob ng bahay. Mabilis itong nag tungo ng kitchen at kinuha ang kailangan niya. Kumuha din ito ng band aid para ipang tapal sa sugat sa daliri ni Jax.

Palabas na si Brielle ng pintuan habang may dala na isang pitsel na tubig at baso.

Napakunot ang noo niya ng mapansin na wala na si Jax sa kina-uupuan niya. Bigla itong kinabahan, nagmadali itong nagtungo sa pool.

"Sir Jax!?"sigaw nito. Binitawan nito ang pitsel na dala at agad na tumalon sa pool.

Nagmadali itong lumangoy sa direksyon ni Jax at dinaluhan ito. Agad niya itong dinala sa gilid ng pool. Na una itong umakyat at hinila si Jax paalis ng tubig.

"Nagpapakamatay po ba kayo?"singhal nito kay Jax na nakasalampak sa semento.

Mangiyak-ngiyak ito dahil sa  subrang kaba na nararamdaman niya. Dahil sa tinagal-tagal niyang nabubuhay sa mundo ngayon lang siya natakot ng husto.

"Sabi kung wag kang umalis dun diba? Ba't ang kulit kulit mo!? Paano nalang kung tumama yang ulo mo sa semento at nabagok? Paano nalang kung napatagal ako dun sa loob? Paano nalang kung......"

"Nag-alala ka ba sakin?"

"Anong klasing tanong yan? Siyempre mag-aalala-----"

Hindi na nito natapos ang sasabihin ng hilahin siya ni Jax palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry"sambit nito sa mahina na boses.

.
.
.
.
.

Tahimik lang si Brielle na naka-upo sa couch sa loob ng kwarto ni Jax. Hanggang ngayon di parin nawawala ang kabang naramdaman nito. Pasulyap-sulyap ito kay Jax na naka-upo sa kama niya. Ni walang kumikibo sa kanilang dalawa.

Napabuntong hininga si Brielle at tumayo mula sa pagkaka-upo sa couch.

"Bababa lang po ako saglit."wika nito.

"Are you still mad at me?"wala sa sariling tanung ni Jax. Lumingon dito si Brielle.

"Hindi ako galit pinag-alala niyo lang po kasi ako."seryosong sagot nito kay Jax.

"I'm sorry di na ma uulit."

"Dapat lang, sa susunod na may gusto kang gawin sabihin mo sa akin. Hindi 'yong nagkukusa po kayo. Kaya nga po ako nandito para umalalay sa inyo."

"Kaya ko naman ang sarili ko. At isa  pa ayaw kung maging pabigat."lumungkot ang mukha nito.

"Kaya mo ang sarili mo eh muntik kanang malunod kanina. At isa pa hindi ka pabigat, trabaho ko ang bantayan at alagaan ka, ano pa't kinuha ako bilang private nurse mo."sermon nito.

"Sorry na. Isa pa, hindi ako malulunod marunong naman kasi akung lumangoy."sambit ni Jax at tumawa

Tumaas ang kilay ni Brielle dito. Lumapit ito kay Jax, kinuha niya ang isang unan at hinampas ito sa mukha Jax kaya napatigil ito sa pagtawa.

"Halos mamatay ako sa pag-alala sa 'yong halimaw ka, tapos pagtatawanan mo lang ako. Letche ka! Nakaka-inis. Marunong ka naman palang lumangoy."

Lahat ng pag-aalala nito ay nawala at napalitan ng inis. Feeling niya gino-good time lang siya ni Jax.

"By the way, can you do me a favor"pag-iiba ni Jax sa usapan.

"Ano?"may halong inis na sambit nito. Di niya parin kasi matanggap na pinagtripan lang siya ni Jax.

"Can you help me, shave my beard? Feeling ko kasi ang haba na."wika nito sabay haplos sa baba nito.

"Okay! Para mag mukha ka namang tao. Bawasan narin natin yang mahaba mong buhok"kumento nito.

"Marunong kang mag gupit ng buhok?"di makapaniwalang tanung nito kay Brielle.

"Oo. Ako gumupit sa buhok ng kapatid ko dati na lalaki eh. I'm good at anything."pagyayabang nito.

Inihanda na nito ang gagamitin para sa pag shave ng balbas at pag gupit ng buhok ni Jax.

Pina-upo nito si Jax sa  isang upuan. Nilagyan niya ito ng towel pa ikot sa balikat tulad ng nilalagay sa mga salon pag nagpagupit ng buhok.

Kumuha ito ng shaving cream sa bote at nilagay sa kanyang palad. At pinahid ito sa babang bahagi ng  mukha ni Jax.

"Unahin na muna nating gupitan yang buhok mo."wika nito. Nagpunas ito ng kamay at kinuha ang suklay at gunting.

Ginulo-gulo muna nito ang buhok ni Jax."ano ba 'tong buhok mo, parang pugad ng ibon. Pero infairness ang smooth ah... hehehe"

Sinuklay-suklay nito ang buhok ni Jax at inumpisahang gupitan. Parang nag gugupit lang ito ng halaman dahil sa ginagawa.

Lumipas ang ilang minuto, na tapos ito sa  pag gupit.

"Perfect"satisfied na wika niya.

"How do i look?"tanung ni Jax.

"Mukha ka paring unggoy...heheheh"natatawang sagot nito na kinasimangot ni Jax.

Nag-umpisa na itong mag shave sa balbas ni Jax. Mabilis naman itong natapos. Kumuha ito ng malinis na towel para ipang punas sa shaving cream na naiwan sa mukha nito.

Dahan-dahan nitong binaba ang towel na pinang punas at pinagmasdan ang mukha ni Jax. Mula sa makapal nitong kilay, pababa sa mapupungay nitong mga mata. Sa matangos na ilong pababa sa mapula nitong labi. At wala sa sariling bigla nalang itong napangiti.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon