Chapter 8

1.4K 44 0
                                    

Kina-umagahan....

Para akung zombie na naglalakad dito sa loob ng mansyon ng mga Delpierro. Ang laki ng eyebags ko, tas gulo-gulo pa yung buhok ko. Lay-lay yung mga kamay at pagewang-gewang yung lakad na parang nalantang gulay, kulang nalang magsabe ako ng.......

Brain....

Brain....

Brain.....

Naririnig ko kase yun sa mga zombie sa plants vs zombie na laro. Yun yung sinasabi nila. Brainnnnnnnn.....

Pahamak kase yung nangyare kagabi eh, hindi man lang ako pinatulog ng maayus.

"Aray!"napahawak ako sa noo ko nung nabunggo ako sa isang malapad at matigas na bagay. Kinapa-kapa ko ito. Infairness, ang bango naman nitong nabangga ko.

"Are you okay?"napa-angat ako ng tingin. Sumalubong sa akin ang naka ngiti na si baby face Jex. Bigla ata nawala yung antok ko, napa ayos ako ng tayo. Goshhhhh...di man lang ako nakapag suklay..kahiya tuloy. Bakit ngayon pa? Kung kailan ganito yung itsura ko.

Alanganin akung ngumiti at sinuklay suklay ang buhok gamit ang daliri ko. Buti nalang talaga at naligo ako bago mag gala-gala dito.hehehe

"Goodmorning po"bati ko dito.

"Goodmorning din, you look tired. Pinahirapan kaba ni Jax?"yieeee...worried si baby face Jex sakin. Ayieeee...gusto ko maglumpasay sa kilig...hehehe

Syempre sa isip-isip ko lang 'yon.

Nginitian ko ito."hindi naman, medyo mabait siya kahapon."

"Talaga?"parang gulat na gulat naman 'to sa sinabi ko. Eh totoo naman kasi, pati nga din ako nagulat eh.

"Nagbreakfast kana ba?"biglang tanung niya.

"Ma--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla niya nalang akung hawakan sa kamay at hilahin. Napatingin ako sa kamay naming dalawa na magkahawak. Ehhh...kilig akooo dayyy...

Dinala niya ako sa kitchen. Ang gentleman pa nga eh, pinaghila pa ako ng upuan.

Ang sweet niya.

"So, Brielle. Tell me about your self?"about my self? Diba tapos na yung interview bakit kailangan ko pang sagutin.

Pero dahil si baby face ang nag tanung syempre sasagot ako.

"I'm Brielle Mendes, 24years old. Currently working at the Delpierro's residence. Bilang isang private nurse ng isang masungit na halimaw na itago natin sa pangalan na Jax Damon Delpierro."

"Hahahaha..."

Kumunot ang maganda kung noo dito. Magtatanung tapos pagtatawanan ako. Parang baliw....

"Hindi yan ang ibig kung sabihin. What i mean is.....about your personal life. Like......like..."

"Like what?"tanung ko at humigop sa kape ko na lumamig na kakahalo ko.

"Kung may boyfriend kana?"bigla ko namang na ibuga ang kapeng iniinum ko. Agad niya naman akung binigyan ng tissue pamunas.

Saglit akung napatahimik. Syempre busy ako kaka punas ng kapeng nabuga ko sa mesa. Kahiya kasi.

"Okay lang kung ayaw mong sagutin!"

"Ahh...wala"

"Wala?"

Ay paulit-ulit.

Tumingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin.

"Oo wala. Busy kasi ako sa trabaho, tsaka wala pa sa isip ko mag boyfriend....boyfriend. May dalawang kapatid pa kasi akung pinapaaral sa probinsya. At isa pa maganda ako, makakahanap agad ako ng boyfriend ng mabilis. Heheheh..."

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon