Chapter 13

1.3K 42 0
                                    

"Kuya wala bang mas malaki-laki na target diyan? Ang liit niyan oh, paano ko yan matatamaan?"reklamo ko dito.

Paano ba naman kasi, ang liit-liit nung babarilin ko. Kasing liit ng palito ng posporo. Dinadaya ata ako ni kuya eh, tapos panay pa cute sa akin.

Ang ganda pa naman sana nung premyo, dalawang teddy bear na kulay blue. Gusto ko 'yon eh.

"Are you done?"biglang singit ni halimaw.

"Hindi pa. Di ko pa nga natatamaan 'yong target ko eh. Tsaka gusto ko yung premyo oh. Teddy bear na kulay blue, peyborit ko 'yon eh."

"Let me try"sabi niya.

Seryoso?

Ako nga na nakakakita di matamaan yung target eh. Siya pa na bulag.

"Just give me the gun."

Bahala nga siya. Inabot ko sa kamay niya ang pellet gun. Biglang napayuko si kuyang nagbabantay ng booth ng sa kanya itutuk ni sir Jax ang pellet gun na hawak.

"Hindi diyan"hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa pellet gun at itinutok iyon sa target.

"Fire!"wika ko na agad naman niyang sinunod.

Napakurap-kurap ako ng matamaan niya 'yong target sa isang putok lang. Aba! Aba sharp shooter itong si halimaw ah... partida bulag pa yan hehehehe

"Waaahhhhh... ang galing yieee ang galing mo po sir Jax natamaan mo yong target."masayang sabi ko. Napatalon-talon pa ako sa saya at napayakap dito.

Agad din naman akung napabitaw ng ma-realize ang ginawa ko.

"Ehemm...ang galing mo sir"sabay tapik sa balikat niya.

"Eto na po yung premyo niyo ma'am."kuyang mahilig mag pa cute.

Ngumiti ako, kinuha ko yung dalawang teddy bear at niyakap.

"Dun naman tayo."sambit ko sabay hila sa kamay ni sir Jax. Sir Jax na muna tawag ko sa kanya, mabait naman siya ngayon eh..heheheh

Kung saan-saan na kami napapad-pad at subok sa mga games. Hirap na hirap na nga ako kakabitbit ng mga napanalunan namin eh. Buti nalang dumating si kuya Jojo, 'yong driver na pinadala ni sir Jex at siya ngayon yong pinagbitbit ko ahahahah

Naka-upo kaming dalawa ngayon ni sir Jax dito sa bench sa loob ng amusement park. Napagod kasi ako kakalakad, sa dami ba naman ng pinuntahan namin.hehehe

Kasalukuyan ngayon akung kumakain ng burger, ng may mga grupo ng kababaihan na nakatingin sa gawi namin ni sir Jax. Naka-upo din sila sa bench na kaharap namin.

Kinuha ko ang juice na pinatong ko sa gilid ko at uminom mula dito. Pero muntik ko na itong ma ibuga dahil sa babaing nag flying kiss at kindat sa gawi namin. Napatingin-tingin ako sa paligid. Kami lang naman ni sir Jax ang nandito.

Ohhmyyghaaaddd....di ako napatol sa babaing hipon...heheh assuming ko. Kay sir Jax pala ito naglalandi.

Siniko-siko ko si sir Jax."what?"

"Tingnan mo 'yong babae oh, panay kindat sayo, saka pa cute."sabi ko.

"Ahh...can't blame them. Sino ba naman ang hindi maaakit sa taglay kung kakisigan at kagwapuhan."

"Wow! Ang lakas ng hangin kumapit po kayo sir baka tangayin ka."natatawang sabi ko.

"Kung si sir Jex pa siguro, maniniwala pa ako na maraming nagkakagusto sa kanya. Bukod sa gwapo, mabait pa."dugtong ko.

"So, you like my brother?"

"H-hindi ah!"tanggi ko. Hindi naman talaga kasi. Nung una oo, crush ko siya pero habang tumatagal bigla nalang nag-iba 'yong nararamdaman ko sa kanya. Parang kuya nalang yung turing ko sa kanya. Paghanga nalang kumbaga.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon