Chapter 27

1.3K 34 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon sa higaan ko. Nakabalot pa ng kumot ang katawan ko. Hindi kasi ako makatulog, di ko alam kung ilang oras na akung nakatunganga sa kawalan. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Nadatnan ko dun si Jax na nakabaluktot na natutulog sa kahoy na upuan.

Ayaw niya kasing matulog dun sa kwarto ni Bryan. Dito nalang daw siya sa sala, inoffer ko din yung kwarto ko pero ayaw din niya. Ginagalang niya daw kasi yung lola ko. Ayaw niya isipin ng lola ko na hindi pa nga kami kasal eh magkasama na kaming matulog sa iisang kwarto. Ohh diba, yung lola ko lang yung ginagalang niya at labas ako dun.

"Jax?"pukaw ko sa kanya. Naalimpungatan siyang bumangon. Napakusot pa ito ng mga mata.

"Bakit?"

"Dun kana matulog sa kwarto, sasakit ang likod mo niyan bukas panigurado."

Napangisi ito."gusto mo lang ako makatabi matulog eh."alam mo naman pala eh.

"Tumigil ka nga, alam ko naman na hindi ka sanay matulog diyan."pag-iiba ko nalang sa usapan.

Hinawakan nito ang pisnge ko."wala akung pakialam, matulog man ako sa papag o sa sahig ayus lang, basta ikaw ang kasama ko. Basta kayakap ko ang taong mahal ko, feeling ko nakahiga na ako sa malambot na kama."

♤Jax Damon♤

Nakatingin lang ito sa akin. Para bang binabasa nito ang laman ng isip ko. Kung alam lang niya, siya lang ang tanging nasa isip ko simula nung naging nurse ko siya, hanggang ngayon.

Hinawakan ko ang pisnge niya gamit ang kamay ko. Pinaglandas ko ito hanggang tumigil sa kanyang labi.

"Mahal na mahal kita"i said. Hinalikan ko ito sa kanyang noo, sa tuktuk ng kanyang ilong, sa kanyang pisnge.

She closed her eyes. Napatingin ako sa mga labi niyang nang-aakit, na para bang hinihila ako para halikan siya. I kissed her. Ginalaw ko ang mga labi ko para halikan siya. I started kissing her, slow, needy and breathtaking kisses.

Hinawakan ko ang ulo niya at tinulak palapit sa akin para palalimin ang halik. She let my tongue invade her mouth. I hear her let a soft moan. I trail kisses on her neck. My lips explored to her neck down to her shoulder, to her collar bone. The smell of her natural scent, makes me wanting her more.

Pinaglandas ko ang aking kamay mula sa ulo hanggang sa likod niya, habang ang isa ay nakasupurta sa katawan niya.

Napatigil ako ng itulak niya ako palayo sa kanya. Mapupungay ang mga mata na tumingin ako sa kanya. Nasa ibang direksyon nakatuon ang kanyang paningin.

"What's wrong?"i asked.

"Parang may tao sa labas."sagot nito na hindi parin tumitingin sa akin. Tumayo ako. May nakita akung liwanag na tumatagos mula sa bentana ng kanilang bahay. Parang ilaw na nang gagaling sa sasakyan. Napakislot at napatayo si Brielle sa upuan ng may bigla nalang kumalabog mula sa labas. I held her palapit sa akin.

"LUMABAS KAYO DIYAN! IHARAP MO SA AKIN YANG PINAGMAMALAKI MO!"isang sigaw ng lalaki mula sa labas. Napayakap sa  akin si Brielle ng basagin nito ang bintana na gawa sa salamin.

"Ate anung nangyayare?"kinakabahang wika ng kapatid niya na kakababa lang galing kwarto nito. Nagising din ang lola nito.

"Stay here"wika ko.

"Jax"nag-aalala nitong wika na nakahawak sa kamay ko.

"I'll be okay. Dito lang kayo, Bryan stay here bantayan mo sila."

Tumango ito.

Lumapit ako sa pintuan. Nawala na ang ingay mula sa labas. Bubuksan ko sana ang pinto ng bigla itong malakas na bumukas kaya natamaan ako sa ulo at natumba sa sahig.

"Jax!"sigaw ni Brielle at dinaluhan ako at tinulungan tumayo. Bigla nalang akung nahilo, ng hawakan ko ang ulo ko ay may dugo na ito.

"Ano? Akala mo kung sino ka!"napatingin ako dito.

"T-tay!"sambit ni Brielle. Nangingig ang kamay nito habang nakahawak sa braso ko.

Siya ang dahilan kung bakit kami naaksidente noon. Siya ang dahilan kung bakit ako nabulag. Kung bakit namatay si Moreen. Napakuyom ako ng kamao, para pigilan ang galit ko. Para pigilan ang sarili kung gulpihin siya. Nanginginig ang buo kung katawan dahil sa galit.

"Mga walang kwenta! Mga bwesit! Ano? Sino ang pinagmamalaki niyo? Eto, eto ba!!"bulalas nito at tinuro-turo ako.

Napangisi ito."ikaw babae ka! Hindi ka man lang naghanap ng lalaking makukutungan mo! Lalandi ka na nga lang !"tinanggal ko ang kamay ni Brielle na mahigpit na nakakapit sa braso ko.

"Bryan, ilayo mo dito si Brielle!"agad niyang kinuha si Brielle sa tabi ko.

"Hoy ikaw! Matapang ka----"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ito ng malakas. Natumba ito sa sahig. Bago pa man ito makatayo ay hinawakan ko ito sa damit at tinulak palabas ng bahay at doon pinagsusuntok. Nag-uumupaw ang nararamdaman kung galit dito.

Napatigil nalang ako ng yakapin ako ni Brielle mula sa likodan.

"Tama na please..."humarap ako dito at niyakap siya ng mahigpit. She's crying so hard.

Napatitig ako kay Brielle na naka-upo sa upuan, nakatulala lang ito.

"Mr. Delpierro"natuon ang atensyon ko sa pulis na rumespondi para dakpin ang tatay ni Brielle. Agad na tumawag ng pulis ang mga kapitbahay nila ng marinig ang panggugulo nito. Ito daw ang pangalawang panggugulo nito dito. At lalong nadagdagan ang galit ko dito ng malaman ko, kung anung paghihirap ang dinanas nila Brielle dito. Parang gusto ko siyang sugudin at paulanan ng suntok. Para lang maibalik sa kanya ang naging paghihirap nila noon sa mga kamay niya.

"Pumunta nalang po kayo bukas sa presento para mag hain ng reklamo. Sa ngayon po dadalhin na namin siya para ikulong."wika nito.

"Thank you"

Bumalik ako sa loob. Tumingin ako kay Brielle, nakatulala padin ito. Nilapitan ko ito, yumukod ako sa harap niya at hinawakan ang mga kamay niya. She looked up. I smiled at her.

"He's gone! At pinapangako ko na hinding-hindi na niya ulit kayo masasaktan. Gagawin ko ang lahat para hindi na siya makalabas ng kulungan."hinawakan ko ang pisnge niya at pinahiran ang luha sa kanyang mga mata.

Buong magdamag lang akung nakatingin kay Brielle na natutulog dito sa  tabi ko. Madaling araw na siyang nakatulog dahil sa nangyare. Hindi ko maiwasan na masaktan para sa kanya. Hindi ko akalain na ang isang tulad niya na palaging nakangiti, palatawa at palaging positive sa buhay ay may masakit na pangyayare na pilit tinatago sa sarili.

Hinawakan ko ang pisnge niya at hinalikan ito sa noo."wala ng mananakit sa inyo ngayon, pangako ko."

I Am His Private NurseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt