Chapter 3

1.5K 46 1
                                    

Kalat dito....

Kalat doon....

Ligpit dito....

Ligpit doon....

Ang totoo ... katulong ba ako dito o nurse!?

Napabuntong hininga ako at ngumiti. Ngiti lang bawal sumimangot, nakakasira ng araw. Dahil walang inuurungan ang dyosang nurse na katulad ko.

Today is my first day at ngayong araw makikilala ko na ang magiging pasyente ko na kina katakukan ng mga kasamahan kong nurse.

Fighting!! Ajaaa!! Kaya ko 'to..

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto. At isa lang ang masasabi ko.

Ang kalat.

Ang dilim.

At ang lungkot.

Natuon naman ang atensyon ko sa mahabang kurtina na nakatakip sa bintana. Naglakad ako palapit dito at hinawi ito para makapasok ang sinag ng araw dito sa loob ng kwarto. Ng magkaroon naman ng kahit konting liwanag mula sa kalikasan.

"Hmmm.."

Napalingon ako at napatingin sa higaan. May gumalaw mula doon...

"F*CK!" Isang malutong na mura ang narinig ko mula rito.

Agad akung napatakbo palapit sa kanya ng mahulog ito sa kanyang higaan.

"Sir okay lang po ba kayo?"

Akmang tutulungan ko sana ito ng tapikin niya ang kamay ko.

Wow, huh! Makatapik wagas.

Tumayo ako ng maayos at pinagmasdan siya habang pinipilit na makatayo ng mag-isa.

"Who the hell are you?"asal nito.

"Nurse Brielle Mendez, at your service."masigla kung wika sa kanya at sumaludo pa.

"The hell I care, get out!"

Napataas ang kilay ko dito. Magtatanong tapos ganon ang isasagot sakin!?

Pena-mewangan ko ito habang tinitigan siyang hirap na hirap sa pagtayo. Gulo-gulo ng mahaba niyang buhok. Halos matakpan na din ang mata niya dahil sa haba nito. May balbas din ito na di katamtaman ang kapal.

"Ahhh....f*ck!"

I chuckled.

"You don't need my help? Eh kahit sa pagtayo pa nga lang eh hirap na hirap na po kayo."wika ko dito.

"You're still here!? I said get out!"sigaw nito.

"Tsk! Tumigil ka nga po sa kakasigaw niyo hindi naman ako bingi eh. Nasisira ang ganda ng umaga, ke aga-aga ang sama ng mukha niyo."sabat ko dito. Yumukod ako para tulungan sana ulit itong makatayo pero sa ikalawang pagkakataon tinabig lang niya ang kamay ko. Ang malambot at makinis kung kamay tinabig lang niya. Kapal !

"F*ck!"sigaw nito ng mahina kong sipain ang naka-cast nitong binti.

Napangisi ako. Mabait naman ako eh, may pagka brutal lang kong minsan... hihihi

Pero inaayon ko naman ang ka brutalan ko sa uri ng tao na makakaharap ko.

Muli akung yumukod at tinulungan itong akayin patayo at para maka-upo sa ibabaw ng kama niya. Hindi na ito nag protesta at hinayaan akung tulungan siya.

Pakipot pa, kala mo naman kaya eh.

"Get out!"muling singhal nito ng maka-upo na ito sa kanyang kama.

"And locked the door"dugtong ko sa sinabi nito.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon