Chapter 10

1.3K 39 0
                                    

Maaga akung nagising para sa pagpunta namin sa hospital ni halimaw. Tatanggalin na kasi yung cast sa paa niya. Syempre, happy ako. Dahil di na ako mahihirapan kaka akay sa kanya. Napaka bigat pa naman ng halimaw na 'yon.

"Hi sir, ready?"tanung ko. Nabungaran ko siyang naka-upo sa gilid ng kama niya. At mukhang malalim yung iniisip. Sa subrang lalim naka tulala na ito sa kawalan.

Lumapit ako dito. Hinagod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng dark blue maong shorts na medyo kupas yung style. Napangiti ako ng makitang baliktad yung suot nitong damit.

"Sir hubad."i said.

Biglang kumunot ang noo nito at tumingin sa gawi ko. Minsan talaga hindi ko maiwasan isipin kung nakakakita  itong si halimaw.

Napakibit balikat nalang ako, siguro sanay na ito, sa haba ba naman ng panahon na naging bulag siya. Nakasanayan na niyang mabuhay sa dilim.

"Hubarin niyo po yung damit niyo baliktad po kasi."dagdag ko baka kung ano pa isipin niya eh.

Hindi ko na ito inintay at ako na mismo ang naghubad ng damit niya. Di naman ito nagreklamo, hinayaan lang ako. Inaayos ko ito at sinuot ulit sa  kanya.

"Ayan, Perfect"

"Let's go, sir?"inalalayan ko ito sa pagtayo hanggang sa pagbaba ng hagdanan.

.
.
.
.

Nasa sasakyan na kami ngayon, bumabyahi papuntang hospital. Tahimik lang si halimaw na naka upo dito sa tabi ko. May naka salpak na earphone sa magkabilang tenga niya. Nakikinig na naman siguro siya ng music.

Nacu-curious lang ako kung ano yung pinapakinggan niya. Feeling ko kasi gumagaan yung pakiramdam niya sa  tuwing pinapakinggan niya 'yon.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan, tanging ang malalim na paghinga ni halimaw ang naririnig  ko. Nakapikit lang ito.

Napatitig ako sa maamong mukha niya, kapag natutulog nga lang. Pero halimaw pag-gising.

"Baka matunaw"

Napalingon ako kay kuya Jojo na pasulayap-sulyap ito ng tingin sa front view mirror ng sasakyan. May nakakaloko din itong ngiti sa kanyang labi.

"Alam mo ba na takot si sir Jax pumunta ng hospital."

"Talaga po, bakit naman?"gulat na wika ko. Muli kung sinulyapan si halimaw.

"Simula nong nangyare ang aksidenti na rason para mabulag siya at yung nangyari sa fiance niya. Na trauma ata, pakiramdam niya kasi mamamatay siya pagpumasok siya sa loob. Kaya kailangan mong kumbinsihin yan ng mabuti para pumasok sa loob ng hospital mamaya."

Alanganin akung napangiti dito."bakit ba kasi di sumama si sir Jex?"wika ko.

"Naku, marami pang aasikasuhin 'yon sa kompanya nila. Susunod nalang daw siya sa hospital."paliwanag nito.

Ganun? Kung kelan sila kailangan ni sir Jax. Alam kung mahal nila si sir Jax, napupunan nila lahat ng gusto nito. Pero sapat ba 'yon para punan ang pangangailangan niya? Hindi sa kinukwestyon ko kung paano nila tratuhin si Jax. Ang akin lang....

Hindi sapat yung mahal ka lang, minsan kailangan din ng oras atensyon, at pag-aalaga. At 'yon ang kailangan ni sir Jax sa mga oras na ito.

.
.
.
.

♤Jax Damon♤

I don't know what to do!

I was breathing so hard!

My hands are trembling!

I feel like I'm going to throw up!

I feel numb!

Nanlalamig ang buo kung katawan.

I'm scared!

Hindi ko alam ang gagawin ko. Even the music na pinapakinggan ko para kumalma ay walang bisa.

Bigla nalang may mga imahe na lumalabas sa isip ko. The image of the person i love, lifeless covered with blood. The last image of her bago tuluyang mawala ang mga paningin ko.

I....i can't take it!

Please..... can someone help me.

"Sir?"

"Sir Jax?"

The image was gone. And something warm touches my hand. Bigla nalang nawala na parang bula lahat ng masasamang nararamdaman ko.

"Sir, are you okay?"it was Brielle, my nurse.

Naka-upo siya sa tabi ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. It was warm. Bigla nalang kumalma ang pakiramdam ko.

"Sir, mukha kang matatae na ewan. Gusto mo bang samahan kita sa cr?"wika nito.

Di ko alam kung magagalit ba ako o matatawa. Ang alam ko lang ngayon ay gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya. Naguguluhan man, right now her presence is enough for me, para harapin ang kinakatakutan ko.

"I'm good. Lets go."i said to her. Mahigpit kung hinawakan ang kamay niya.

"Hanggang matapos lang ang pagtanggal sa cast ng paa ko. Let me hold your hand."sabi ko dito ng magbalak itong hilahin ang kamay na hawak ko.

♡Brielle♡

Hindi ako maka galaw dito sa kinatatayuan ko. Nasa tabi lang ako ni Jax habang tinatanggal yung cast niya sa paa. Minsan napapatingin ako sa kamay naming magkahawak.

"Matagal pa ba!?"iritadong sabi nito.

Napapangiti na lamang ako ng alanganin dun sa nagtatanggal ng cast niya. Apuradong halimaw, kala mo naman kasi ganun kadali lang yung pagtanggal.

"Maghintay ka nga po, gusto mo pati paa mo patanggal nalang din natin!"

"Tsk! Just do it fast. I don't like the smell of this place."

"Lahat nalang ayaw mo, arte-arte mo talaga."

"Did you---What the hell, careful."singhal nito sa isang nurse na nagtatanggal ng cast niya.

"Tumahimik ka nga po na ti-tense yung tao dahil sayo oh! Tuloy mo lang kuya, kung galit ka tanggalin mo pati paa."sabe ko at ngumiti dito.

Hinila ko yung kamay ko na hawak nito. Pero ma's lalo lang humigpit.

"Bitaw nga muna naiihi ako."reklamo ko dito.

"Pigilan mo!"di makapaniwala ko itong tiningnan.

"Seriously? Puputok na yung pantog ko dahil ihing-ihi naku. Anung gusto mo dito ako umihi?"naiirita kung sabat dito.

"Bitaw na nga po muna kase, mabilis lang pramis"pagkukumbinsi ko dito. Sinubukan kung hilahin ulit ang kamay ko, pero ang higpit talaga ng hawak niya. Feeling ko mababali buto ko sa kamay.

"No! Just hold my hand and stay here with me....... please."napatigil ako sa paghila ng kamay at napatingin dito. Bigla atang umurung yung ihi ko dahil sa sinabi niya.

Sumabay pa 'tong puso ko na di mapigilan sa pagkabog ng mabilis. Kailangan ko na ata magpa check up sa puso, abnoraml na yung tibok eh.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon