Chapter 7

1.4K 37 0
                                    

Kasalukuyang naka tulala ngayon ako dito sa kwarto ko, dito sa mansyon ng mga Delpierro, syempre hindi pa nagtatagumpay yung halimaw sa balak niyang pagpapalayas sa akin dito eh at hindi ako magpapatalo sa kanya. Malalim na ang gabi pero di man lang ako madalaw-dalaw ni antok. Nakalimutan niya ata na kanina ko pa siya inaantay. Walang hiyang antokk gumala gala pa ata kung saan.

Bangon, higa at paikot-ikot lang ang ginagawa ko. Antokk....nasaan kana ba?

Walang masyadong ganap kanina habang binabantayan ko si halimaw. Tahimik lang ito habang naka higa sa kama niya. Nakikinig ng music sa  earphone niya. Kakagulat nga eh, siguro natutulog yung halimaw sa loob nito. Pero buti na nga 'yon, nakapag pahinga yung tenga ko sa sigaw at mura nito.

Bumangon ako at kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng maliit na drawer. Binuksan ko ito at naglaro ng games.

Pangalawang trivia tungkol sakin. Mvp ako sa mga mobile games na nilalaro ko. Naku, mina-mani ko lang lahat ng 'yon.

Mobile Legend?

Call of duty?

Panis yan sa nilalaro kung candy crush soda. Hehehehe

Nakipag pustahan pa nga ako sa kasamahan ko sa hospital na pinagta-trabahuan ko dati. Halos di ako matulog nun sa kakalaro, para lang maka abot sa level 500. Libreng kain din kase yung premyo. Edi nakatipid pa ako.

Naglaro lang ako ng ilang level at ini-end ang laro. Pumanta ako ng messenger, tiningnan ko kung may message ako. Naka turn off kasi lahat ng notif ng nasa messenger ko..ahahaha

Binuksan ko yung message ng bestiee kung si Mika. Nurse din siya tulad ko. Kaklase ko siya nung nag-aaral pa ako sa college. Simula nun, naging mag kaibigan na kami hanggang sa naging mag bestiee. Makulit din siya, madaldal tulad ko. Pero may pagka manyak ang babaing yun.

Alam niyo ba dati nahuli ko itong nakikipag video call sa isang kano. Kala ko simpling usap-usap lang, tapos bigla nalang akung nakarinig ng ungol. Yun pala yung kano habang mina-maniubra yung ano niya. Tapos itong si Mika naman sarap na sarap sa pinapanood niya . Baliw ang gag*, kaya ayun binatukan ko.

Salahula din yon. Nung kasama ko siya dati sa apartment na tinitirhan ko dito sa   manila habang nag-aaral ako. Ka babaing tao ang kalat. Pati bra at panty kung saan saan naka balandra. May nakasabit sa couch, sa ibabaw ng mesa, sa likod ng pintuan pati sa loob ng ref meron. Ginawa pa akung yaya para magligpit ng kalat niya.

Ilang lalaki na din yung dinala niya sa apartment namin. Every week nagpapalit yun ng boyfriend. Di ko din masisisi ang mga lalaki na mahumaling sa kanya. Maganda naman kasi talaga si Mika eh, ma appeal, habulin ng mga lalaki pati tomboy. Ma's lamang nga lang ang ganda ko sa kanya.hehehe

Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko ang baliw na 'yon. Siya lang kasi yung nakaka-intindi sa akin. Nakaka-alam ng kadramahan ko sa buhay.

Binasa ko ang mga messages niya:

'Bestie, kamusta ka diyan?'

'Uyy....kumain kana ba? Wag kang magpalipas ng gutom. Mayaman yang amo mo, sigurado madami silang pagkain diyan.'

'Uy! Gaga...inoff mo nanam siguro yung notif ng message ko sayo.'

'Kyaaaahhh...bes may nakita akung gwapo kanina. Sinugod dito sa hospital kase na aksidenti."

'Huhuhuhu....bes yung gwapong sinabi ko, patay na..waaahhhhhhh..sayang 'yon.'

Napapatawa nalang ako habang binabasa ang mga messages niya. Baliw talaga.

'Uy! Inistalk ko yung pamilya na pinagtatrabahuan mo. Ghaddd bes ang yummy nila.'

May kasmang picture yung huli niyang minsahe kaya binuksan ko ito.

Picture ito ng dalawang lalaki, naka suot ito ng suit. Ang kikisig ng mga tindig nila sa litrato at mukhang ka galang galang.

Si baby face Jex iyon at si Halimaw. Ang gwapo gwapo talaga ni baby face Jex mala anghel ang itsura compared dun sa kapatid niyang halimaw.

Napatitig naman ako kay halimaw. Seryoso ang mukha nito. Di gaya kay baby face Jex na nakangiti.

Zinoom in ko ito para matitigan ng mabuti. Napatingin ako sa mga mata nito.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Yung itim na itim niyang mga mata. Na para bang hinihigop ka sa isang deminsyon, sa isang kawalan. Mga matang puno ng sakit at kalungkutan, walang sigla.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko hanggang sa mamatay ang ilaw nito. Binaba ko ito. At muling napatitig sa kawalan.

Ganun ba kasakit yung nararamdaman niya, para pabayaan ang kanyang sarili? Para baliwalain yung mga taong nag-aalala at nagmamahal sa kanya?

Bakit kailangan niyang sisihin at pahirapan ang kanyang sarili sa bagay na hindi naman niya gustong mangyari?

Haist! Bakit ko ba iniisip 'yon. Problema na niya 'yon bahala siya sa buhay niya. May sarili din akung problema noh. Haisttt....pero di naman niya sinabi na problemahin ko yung problema niya. Ang gulo!!

At bakit ko ba iniisip ang halimaw na 'yon?

Hayyy!!!

Kinuha ko ang kumot at nagtalukbong. Bahala kayo, matutulog na ako. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay napabalikwas ako at napabangon sa higaan ko.

Napa-upo ako sa kama, ginulo-gulo ko yung buhok ko dahil sa pag kairita. Ano ba kasi nangyayare sakin ngayon at di ako makatulog, anung oras na ohh! Maaga pa gising ko bukas para pagsilbihan yung halimaw.

Napag desisyonan ko nalang na lumabas ng kwarto ko at pumunta ng kitchen para kumuha ng gatas.

Pagewang-gewang akung naglalakad habang nakayuko. Naka harang pa yung mahaba kung buhok sa mukha ko. Para tuloy akung baliw na multo ahaha...

Napaangat ako ng tingin ng biglang lumamig ang paligid. Biglang nanindig yung balahibo ko sa katawan. Napatingin ako sa paligid hindi gaanung madilim dahil sa ilang ilaw na nakasindi. Napayakap ako sa sarili ko at mabilis na tinungo ang kitchen.

Agad kung binuksan ang ref at kumuha ng gatas. Kumuha ako ng baso at nagsalin dito pagkatapos ay mabilis kung binalik yung gatas sa loob ng ref at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto ko. Feeling ko may nakatingin sa likod ko. Bigla tuloy akung kinabahan, di kaya may mumu dito sa mansyon. Grabe naman may halimaw na nga pati ba naman multo. Juskooooooo!!

Hunted house ata 'tong napasukan kung bahay!!!!

Napahinga ako ng malalim ng ligtas akung makabalik sa kwarto ko ng buo. Grabeee yung kaba ko, feeling ko lalabas yung puso ko sa dibdib ko dahil sa subrang lakas ng tibok nito.

Sinigurado kung naka lock talaga yung pintuan ng kwarto ko. Para safe diba? Di makakapasok yung multo dito sa loob. Hinarang ko pa yung maliit na mesa para secured talaga ako...heheh kala mo ahh..multo ka lang mautak ako.

Inubos ko muna yung isang baso na gatas at nahiga sa kama ko hanggang sa dalawin na ako ng antok at nakatulog.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon