Chapter 17

1.2K 43 0
                                    

"Sir?"

"Sir Jax?"

"Sir Jax Damon Delpierro?"

"Sir?"

"Sir Jax kumain na po kayo."

"Sir Jax sige na po....kumain na po kayo oh."pilit na wika ko dito. Kanina pa kasi ito di kumikibo, ni hindi man lang ako pinapansin.

Hindi ko nga alam kung ano nangyayari sa kanya o galit parin ito dahil sa nangyare kagabi. Tapos ngayon pahirap dahil ayaw nitong kumain. Parang bata na nagtatampo... haist..

"Sir Jax? Ano ba problema mo? Ano po ba ang kailangan kung gawin para lang kibuin mo ako?"pagmamakaawa ko dito.

"Kumain na po kayo, sir."

"Ayaw ko!"

"Bakit?"

"Wala akung gana!"

"Bakit? Masama po ba pakiramdam mo?"tanung ko. Agad kung dinampi ang palad ko sa noo nito para tingnan kung mainit ba siya.

"Nilalagnat po kayo."sambit ko

"Mas lalong kailangan niyo po kumain para maka-inom ng gamot."

"Wala nga akung gana."mahinang wika nito. Humiga ito at nagtalukbong ng kumot.

Nilapag ko muna sa bedside table niya ang tray ng pagkain. Kumuha ako ng bimpo at binasa ito ng tubig. Bumalik ako kay sir Jax na nakahiga sa kanyang kama. Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

Pinunas ko sa mukha nito ang bimpo at nilagay sa kanyang noo.

Kinuha ko ang tray ng pagkain at lumabas ng kwarto niya. Pagluluto ko nalang siya ng lugaw. Agad akung bumalik sa kwarto niya ng maluto ang lugaw.

"Sir Jax? Kumain po muna kayo, eto oh pinagluto kita ng lugaw. Bangon na po kayo diyan."wika ko.

Saan kapa? Nurse na chef pa. Ang swerte talaga netong si halimaw sa akin eh.

Tinulungan ko itong bumangon. Nilagyan ko ng unan ang likodan niya para maayos siyang makasandal.

Kinuha ko ang dala kung lugaw. Hinalo-halo ko ito. Sumandok ako ng konti, hinipan ito.....

"Say ahhhhhhh"

"Tsk! I am not a kid."

"Edi kainin mo na 'to at wag mag-inarte na parang bata."

"Fine."

Napangiti ako at sinubo sa bibig niya ang kutsrang may lamang lugaw.

"Good boy...."hinawakan ko ang ulo niya at ginulo-gulo ang buhok nito."inumin mo na 'tong gamot mo para sa lagnat."wika ko at inabot sa kanya ang gamot.

Bumalik ito sa pagkakahiga. Kinuha ko ang bimpo at muli itong dinampi sa kanyang noo.

Sinimulan ko na din ligpitin ang kinainan niya ng tumunog ang selpon ko. Kinuha ko ito sa loob ng bulsa ng suot kong scrub suit at tiningnan kung sino ang nagtext.

Si Lance.

Pagkatapos ng pagkikita namin noong nakaraang araw ay panay text at tawag na ito sa akin.

Ibabalik ko na sana ang selpon sa loob ng bulsa ko ng sakto namang tumawag ito.

"Who's calling?"

Agad kung pinatay ang tawag at nilagay sa bulsa ko ang selpon ng magsalita si Jax.

"Ahhh--  w--wala---"

"Is it Lance again? Nanliligaw ba yon sayo? O kayo na ulit?"Jax

Hayy... eto na naman po kami.

"Hindi nga kami ang kulet mo naman po eh. Nan----- hmmm-- nanliligaw lang--"

"Tsk! I want to be alone!"sabi nito at nagtalukbong ng kumot.

Problema neto!?

Bahala ka nga.

Niligpit ko nalang ulit ang pinagkainan niya at lumabas na ng kwarto nito.



Kinagabihan........

Hindi parin bumababa ang lagnat nito. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa lamig, kahit na pinatay ko na ang aircon dito sa kwarto niya. Ang kapal din ng kumot na nakabalot sa katawan niya.

"B-Brielle?"

"Sir Jax?"umupo ako sa gilid ng kama niya. Tiningnan ko ito, nakapikit ang mga mata niya.

Kinapa ko ang noo niya. Medyo bumababa na ang lagnat nito. Tatayo na sana ako para basain muli ang bimpo ng hawakan nito ang kamay ko.

"Don't leave"

"Hindi po. Hindi ko po kayo iiwan"

"Stay here, with me....please."muli akung umupo sa tabi nito. Hawak-hawak niya parin ang kamay ko. Hinaplos ko ang buhok nito gamit ang isa kung kamay habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.

Malalim na ang gabi ng maalimpungatan ako ng tulog. Nilingon ko si sir Jax na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Hinawakan ko ang noo nito para tingnan kung may lagnat pa ito. Napahinga naman ako ng maluwag ng bumaba na ang lagnat niya.

Muli akong napatingin kay Jax. "Naguguluhan na'ko. Hindi ko na alam kung ano 'tong nararamdaman ko?"mahinang wika ko habang nakatingin sa kanya na mahimbing na natutulog.

Napabuntong hininga ako. Babangon na sana ako ng may isang kamay ang yumakap sa akin para mapabalik ako ng higa.

"Just follow what your heart says."sambit nito habang nakapikit.

Ma's lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Akala ko ba tulog 'to?

"Ano ba po yang ginagawa niyo?"wala sa sariling sambit ko. Dahil ako mismo di ko alam kung bakit. Kung bakit hinahayaan ko ang sarili ko na yakapin niya. Ang matulog na katabi siya.

Hindi ito pwede, amo ko siya....nurse niya lamang ako. At hindi na pwede lumagpas sa ganun ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Niyayakap ka"

"Bakit?"

"Kasi gusto ko. Kasi sa tuwing nandyan ka gumagaan ang pakiramdam ko. Nag-iiba ang nararamdaman ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Kaya dito ka lang sa tabi ko hanggang sa makumpirma ko sa sarili ko kung ano 'tong nararamdaman ko para sayo."

Napapikit ako ng mga mata. Gulong-gulo na nga ako para sa nararamdaman ko kay Lance naki sabay pa 'tong halimaw na ito.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon