Chapter 23

1.2K 38 0
                                    

"Ate nandito na po si kuya Lance."tawag ng kapatid kung si Brenna.

Nagmadali akung lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Nabungaran ko si Lance na nakatayo sa maliit naming sala habang nakatalikod.

"Lance?"tawag ko sa pangalan nito. Humarap ito sa akin na may malawak na mga ngiti sa kanyang labi. Habang tumatagal ma's lalo itong gumagwapo. Hindi maipagkaka-ila na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. At isa ako sa kanila, noon.

Ewan ko ba, siya ang first love ko pero bigla nalang nawala lahat ng nararamdaman ko para sa kanya ng makilala ko si Jax. Yeah, Jax nalang tawag ko sa kanya, tutal di naman ako na  nagtatrabaho sa kanila. Isa pa wala na akung balita tungkol sa kanya, simula nong umuwe ako dito sa probinsya.

Winaksi ko muna ito sa aking isipan. Hindi ngayon ang oras para malungkot at mamiss ko siya. Malaki na nga ang kasalanan niya sa akin eh, pinapa-iyak ako tuwing gabi. Nasasaktan ako sa isang bagay na hindi naman nangyare. Hindi naman naging kami pero nakakainis 'tong puso ko.

"Beautiful"napangiti ako dahil sa sinabi ni Lance. Ang lakas talaga mambola porket nililigawan ako. Pero nilinaw ko naman sa kanya na hanggang kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. May nagmamay-ari na kasi ng puso ko. Pero mapilit talaga siya, first love never dies daw kaya hinayaan ko nalang, baka daw kasi magbago ang isip ko at siya nalang 'yong gustuhin at mahalin ko ulit. Kung pwede lang sana na  siya nalang ulit. Kung kaya ko lang turuan ang puso ko na siya nalang ang piliin at mahalin para hindi na ako nasasaktan ng ganito.

Hayyy... hindi ko na muna iisipin yon, kailangan kung mag-enjoy ngayon.

"Matagal na akung maganda noh, fetus palang dyosa na ako.hehehe"

"Ahahah... still the same, let's go?" tumango ako dito bilang pagsang-ayon.

"Alis na po kami la, kayong dalawa matulog ng maaga ah."wika ko.

"Okay po ate, enjoy po kayo ni kuya Lance."

Nauna na akung lumabas ng bahay, sumunod naman sa akin si Lance. Pupunta kasi kami ngayon sa isang party. Birthday ata nung kaibigan niya at business gathering na rin.

Niyaya niya ako to be his date. Ayaw ko pa sana kaso pinilit lang ako nila lola at ng dalawa kung kapatid para naman daw malibang ako, kaya pumayag na din ako. Libreng pagkain din 'yon..ahahaha

Isa sa mga sikat na resort dito sa probinsya kasi namin gaganapin yung birthday. Sigurado puro mayayaman na pamilya ang nandun. Kaya isang simpling dress hanggang tuhod lang yung suot ko. Naka lugay lang ang mahaba kung buhok. At di gaano kataas na heels. Simpli lang, di na kailangan mag-ayus ng bongga kasi nga dyosa na ako diba.

"Are you okay?"biglang tanung nito habang pasulyap-sulyap ang tingin sa akin at sa kalsada. Nag dadrive kasi ito ngayon.

Nginitian ko lang ito bilang sagot. Ewan ko ba bigla nalang akung kinabahan.

"Don't worry, di ako aalis sa tabi mo the whole night. Tsaka ang ganda-ganda mo oh. Basta kapag gusto mo ng umuwe sabihin mo lang sa akin, i-uuwe kita agad."

Tahimik lang ako buong byahi hanggang sa makarating kami sa resort na pagdada-usan ng party. Pinark nito ang kanyang sasakyan. Nagmadali itong lumabas at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan sa paglabas.

"Salamat"sambit ko pagkababa ng sasakyan niya.

Kinuha nito ang aking kamay at dinala sa  kanyang braso.

"Just for a night"wika niya sa malambing na tono. Nginitian ko ito at humawak sa braso niya.

"Let's go"sambit ko. At nagsimula ng maglakad papasok sa hotel dito sa resort.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon