Chapter 26

1.2K 22 0
                                    

♡Brielle♡

Maaga akung nagising para pumasok sa clinic na pinagta-trabahuan ko dito sa barangay namin. Di naman kalakihan yung clinic at di din kalakihan yung sweldo. Pero sapat na para ma-itaguyod ang mga kapatid at lola ko. Kahit na maliit ang sahod ko ang importanti nakakasama ko ang dalawang kapatid ko. Ma poprotektahan ko sila sa ama namin kapag nagpakita siya ulit. Alam ko ang ugali niya, hindi 'yon basta-basta nalang aalis ng ganun. Sigurado ako na may binabalak na naman 'yon na hindi maganda.

Napabuntong hininga ako.

Kinuha ko ang bag ko at sinukbit ito sa balikat. "La, alis na po ako"paalam ko dito.

Lumabas ako ng bahay at nagbantay ng tricycle. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako makasakay. Wala kasing masyadong dumadaan na tricycle dito sa amin.

Nung papalapit na ako sa clinic na pinagtatrabahuan ko ay napansin ko na ang daming tao na nagkumpulan sa labas nito. Nagtaka naman ako dahil di naman araw ng libreng check up ngayon.

"Madami po ata kayong pasyente ngayon"wika ni manong driver

"Kaya nga po eh, magiging busy na naman ang kagandahan ko.hehehehe"sagot ko dito sabay tawa.

"Mabait at maganda kasi yung nurse, kaya maraming gusto na magpacheck up diyan sa clinic."

"Hahaha....naku manong may tama ka diyan"sagot ko na ikinatawa naming dalawa.

Nagbayad na ako at bumababa ng tricycle. Di ako makapasok sa loob ng clinic dahil hinaharangan ng mga tao ang daanan ko.

"Ano pong meron?"tanung ko sa ale na halos maputol na yung leeg kaka dungaw.

"May nagwawala na pasyente dun sa loob."sabat nito na di man lang tumingin sa akin.

"Talaga po? Ano bang nangyare?"

"Di ko nga din alam eh, napadaan lang ako. Tinanung ko lang din sa mga tao dito kanina."nasa loob parin ng clinic ang tingin nito.

"Ahh kala ko kasi magpapacheck up ka eh. Ilang buwan na po yan?"tanung ko na nakatingin sa naka umbok nitong tyan.

"Nakiki chismis lang ako. At hindi ako buntis"wika nito at umirap sa akin sabay alis. Lumipat lang pala ng pwesto.

"Anung meron kuya?"tanung ko sa lalaki na nasa harapan ko. Pati lalaki ba naman nakikichismis na!

"May gwapo sa loob girl...ehhhh"kinikilig na sagot niya...ayy kala ko lalaki. Putok ba naman ang muscle nito sa katawan. Pa girl din pala.

"Gaano ka gwapo?"

"Naku girl makalaglag panty sa subrang gwapo. Mukhang dayuhan, pangarap ko pa naman na maka bingwit ng foreigner."kinikilig na sagot nito.

Nakipag siksikan ako sa mga taong nakikichismis dito sa clinic. Muntik ko na tuloy makalimutan na may trabaho ako.

"Hooohh.."sambit ko ng makalusot.

"Brielle, buti naman at dumating ka"napatingin ako kay doktor Mario. Siya ang doktor na nakadistino dito sa aming barangay. May katandaan na ito, halata naman sa pumuputi nitong mga buhok.

"Dok.....mukha kang matatae sa itsura niyo. Ano pong nangyare?"namumutla kasi ito na namamawis.

Hinila nito ako papasok ng clinic.

"May pasyente sa loob. Kanina pa nagwawala. Ayaw ipagamot yung sugat niya sa kamay. Naninigaw, muntik pa nga akung masipa kanina."wika nito.

Bigla kaming napatingin ni dok Mario sa isang kwarto, natatakpan lang ito ng kurtina na kulay asul. May kumalabog sa loob nun at bigla nalang lumabas si Carlo isa din sa mga nurse dito na namumutla.

"What kind of clinic is this?"singhal ng tao sa loob.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Napa-iling-iling ako. Imposible! Baka ka boses lang niya. At ano naman ang gagawin niya dito.

"Si Brielle nalang po ang pag-asikasuhin niyo dun. Gwapo sana pero nakakatakot parang mangangain ng buhay."namumutla na sambit ni Carlo/Carla

"Okay lang ba sayo Brielle? Kanina pa yan nandito, hindi namin ma asikaso ang ibang pasyente dahil sa kanya."dok Mario

Nginitian ko ito."okay lang po. Sanay ako sa mga ganyang tao."

"Are you going to treat my wound or what?"

Napatingin kaming tatlo ng lumabas ito. He was wearing a dark shirt and a navy blue pants. Magulo ang medyo mahaba nitong buhok. Nabaling ang tingin niya sa akin. His gaze bore my soul. Bigla akung natuod sa kinatatayuan ko ng makilala kung sino siya. Halos lumabas ang puso ko sa katawan dahil sa bilis ng tibok nito. Naging maamo ang mukha nito ng makita ako. Napatulala ako!

"Tatayo ka nalang ba diyan o ako pa ang lalapit sayo? Kanina pa ako naghihintay sayo dito!"sabi niya at pumasok ulit sa loob ng kwarto.

Napakurap-kurap ako. Siya ba talaga 'yon? Namamalikmata lang ba ako? Nananaginip?

"Brielle?"

"Huh?"nabalik ako sa sarili ng tapikin ako ni Dok Mario.

"Alam ko ang feeling Brielle, nakakatakot siya diba! Pero keri mo yan, ikaw pa."Carlo at hinila ako papunta sa kwarto kung nasaan si Jax. Tinulak pa ako nito papasok sa loob.

Nabaling sa ibang deriksyon ang tingin ko ng tumingin ito derikta sa mata ko. Nakakakita na siya? Masaya ako para sa kanya.

"Oh!"napatingin ako dito ng iabot niya sa akin ang kamay niyang may sugat. Kinuha ko yung mga naglagalagan na kagamitan at pinatung sa lamesa.

Naglagay muna ako ng alcohol sa kamay bago linisin ang sugat niya. Natataranta at hindi ko magawa ng maayos ang ginagawa ko dahil nakatingin lang ito sa akin. Ano ba kasi ang nangyare dito sa kamay niya at nagkasugat?

"You're not talking? Nasaan na yung madaldal na Brielle na kilala ko?"

Ano bang gusto mong sabihin ko? Eh halos mabaliw-baliw ako kakaisip sayo! Kung ano na nangyare sayo? Kung tinuloy mo ba ang pagpapa opera mo.

"Are you mute?"

Bigla nalang umurung yung dila ko ng makita kita. Nawala yung katabilan ng bibig ko.

Ma's lalong kumabog ang dibdib ko ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. He's looking intently in my eyes.

"A---- ano bang ginagaw mo dito? Paano ka nakarating dito?"tanong ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Mas nakaka-tense palang makipag-titigan sa kanya lalo't nakakakita na siya.

"I'm taking back what is mine."seryosong sagot niya.

"Ahh-- a--anong kukunin? Hoy, wala akung kinuha sayo ah, wala akong ninakaw. Pagbibintangan mo pa akong magnanakaw."

"You stole my heart when you left."

Tumayo ako at humarap sa kanya."paano 'kung ninakaw ang puso mo edi sana hindi kana nakakahinga ngayon."

Bigla naman akong napalingon ng may marinig akong tumawa.

"What's funny?"Jax

"Oo nga anung nakakatawa?"tanong ko kay Doc Mario at Carlo na nakikinig sa usapan namin ni Jax.

"Alam mo Brielle ang galing mo sa pagiging nurse pero may pagka-slow ka hehehehe"Carlo

Alam ko naman ang ibig niyang sabihin eh naghahanap lang ako ng idadahilan sa kanya. Pabigla-bigla kasi siya... pupunta siya dito, nakakakita na siya tapos magco-confess.

"Hindi mo ba ako na mi-miss?"bumalik ang tingin ko sa kanya. "Kasi ako miss na miss na kita. Gustong-gusto na kitang yakapin ng mahigpit."

Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung paano ako magrereact sa katotohanang nandito siya sa harapan ko.

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon