Chapter 11

1.4K 44 1
                                    

Dvd....

Dvd.....

Dvd....

Sa subrang dami ng dvd player ni halimaw, pwede ko na 'tong ibenta ng 3 for 100.

Manunuod sana kasi ako ng movie ang boring kasi dito sa kwarto niya, walang ganap. Nakakapag-lakad naman na sya ng ma-ayos kaya lang mas trip niyang tumambay dito sa loob ng kwarto niya.

Syimpre nag paalam muna ako sa kanya bago ko pakialaman yung mga gamit niya, pinayagan niya naman ako. Kaya eto ako ngayon nakasalampak sa sahig habang naghahanap ng magandang mapapanuod.

Napasimangot nalang ako, puro racing movie's 'tong pinapanood niya dati. Nung nakakakita pa siya.

"Noh ba yan, wala man lang matino na movie dito?"reklamo ko.

"Di ka man lang ba nanunuod ng romantic movie? Di kaya comedy, horror, zombie o di kaya disney movie's. Yung may mga princess.... princess tapos mami-meet nila yung prince charming nila. Tapos happy ending na ganun."wika ko dito na di man lang ako sinagot.

"Kaya wala kang ka kilig-kilig sa katawan eh. Heart attack meron dahil dito sa mga pinapanood mo. Goshhh!! Ang mga dyosa na kagaya ko di manunuod ng ganito, nakakamatay."

Nagsimula nalang akung maghukay ulit dito sa mga dvd niya.

"Kahit tom and jerry man lang sana di kaya spongebob squarepants, masaya pang panuurin 'yon. Kesa dito sa racing na ang boring."

Ukay lang ako ng ukay hanggang sa.......... nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig, may nakita akung di kaaya-aya sa paningin.

Naningkit ang mga mata ko at tumingin kay halimaw. Naka-upo ito sa couch habang nagbabasa ng libro, yung libro para sa mga bulag. Kinakapa-kapa niya yung bawat letra na nandun. Tumayo ako at lumapit dito.

"What isss the meaning of dizzzz? Mag paliwanag ka? I need an explantion? I need an acceptable reason?"wika ko at binalandra sa mukha niya ang hawak na dvd.

"Akala ko matino kang lalaki, mali palaaaa"with arte-arte pa sabay walling sa hangin.

"Ano bang pinagsasabi mo?"maang-maangan nito.

"Tingnan mo! Tingnannn mooooo ng mabutiiiiiiiiii...."

"Nakakakita? Nakakakita? I'm blind remember!?"singhal nito.

"Ehh....hehehehehe serry"sabay peace sign. Napakamot ako sa ulo at alanganin na ngumiti.

"Eh bakit ka may ganito?"balik na tanung ko.

Kumunoot ulit ang noo nito."ano ba kasi yan?"iritadong tanung nito.

"Porn movies! Bold! Nudes! Plok-plok chuuu chuuuuu"deritsong sagot ko. Paano ba naman kasi may babaing nakabukaka na nakahubad sa cover nitong dvd. Diba porn 'yon? Eto din kasi nakikita ko sa mga pinapanuod ni Mika yung bestieee ko. Pero di ako nanunuod ah, nagkataon lang sa tuwing sisilip ako sa loptop niya yun nakikita ko.

"Hindi akin yan!"deny nito.

Hindi daw kanya? Weehhhh!!

"Anung hindi? Eh nasa collection mo ng mga dvd ko nakita 'to?"

"Hindi nga akin yan! S-sa kaibigan ko yan, na-iwan niya nung pumunta sila dito. Tama naiwan niya ata---"halimaw

"Weyh! Edi pinanood niyo 'to? At bakit ka nauutal? Kasi guilty ka. Suuusss kunwari pa kasi..."

"Of course not!"sabi niya. Namumula na ang mukha nito pati tenga. Hiya pa 'tong halimaw na to.

"Weyh? Talaga ba? Tsk! Tsk! Kayong mga lalaki talaga....naku naku.... huli na nga eh, di-deny niyo pa."

I Am His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon