Chapter 1: Lance

816 77 5
                                    

Asher's POV

"Matmat, si Lance 'to, gising ka pa ba? Patulong naman sa assignment."

Ilang segundo akong napatitig sa mensahe ni Lance... si Lance, magpapatulong assignment niya? Eh mas matalino pa nga siya sa'kin. Sinong niloko nito?

"Hindi na, anong subject ba?"

Mahina akong natawa bago ko pinindot ang send button. Tinitigan ko ang orasan, malapit na palang mag hatinggabi. Hindi ko na rin matutulungan si Lance kung gusto ko man. Nang ibaba ko na ang aking telepono ay bigla naman itong tumunog.

Napailing ako sa mensahe nito. "Tulog na rin ako eh. Zzz. Bukas na lang, tulog ka na, Matmat. Namiss kita ;)."

Akin nang ibinaba ang aking telepono pagkatapos basahin ang kaniyang mensahe para matulog. Sobrang lamig ng panahon, ang lakas din ng ulan. Masarap mang matulog, pero nakakatakot din. Luma na rin kasi ang tahanan nina Lola, kung magkaroon man nang malakas na bagyo, baka kailanganin naming lumikas.

Huminga ako nang malalim tsaka ipinikit ang mga mata para makapagpahinga na. Rinig na rinig ko ang bawat patak nang ulan sa aming bubong, dahilan din para mabilis akong makatulog.

Napatitig ako sa mensahe ni Matmat. Akala ko ay hindi niya ako rereplyan, sa tagal ba naman naming hindi nagkausap, hindi pa rin pala siya nagbabago, maliban na lang sa inasal niya kanina, baka lang may problema sila sa bahay kaya ganoon ang naging asal nito.

Yayain ko kaya siyang kumain bukas?

Binaba ko na rin kaagad ang aking telepono makalipas nang ilang minuto nang paghihintay sa reply ni Matmat. Siguro ay natulog na ito, anong oras na kasi. Bumangon ako para kunin ang album na nasa aking side table.

Puno ito ng larawan namin ni Matmat mula pa noong nagkakilala kami. Laman no'n ang aming mga litrato, mga drawings na gawa ko, ang ang mga tula naman na kaniyang likha. Habang binubuklat isa-isa ang mga pahina, ay tinamaan na ako ng antok- sa wakas.

Lance's POV

"Oy Lans!! Gising na tanghali na!" Rinig kong sigaw ni Yaya Z mula sa kusina. Hindi ko na pala namalayang nakatulog ako kaagad. Nakapa ko ang album sa aking paanan na malapit nang mahulog kaya't dali-dali akong bumangon para ibalik to sa drawer.

Kaagad din ay tiniklop ko na ang aking pinaghigaan at bumaba sa kusina. Walang tao ang bumungad sa akin maliban kay Yaya Z. Nasa trabaho sina mama at papa, kaya bihira ko silang makasama. "Good morning, Yaya."

"Good morning ka d'yan, anong oras na malalate ka na naman. Bilisan mo, kumain ka na tapos maligo." Utos nito.

Si Yaya Z, siya ang lagi kong kasama sa bahay, 34 taong gulang na ito, ngunit ayaw pa rin niyang humanap ng lovelife at magkaanak, sabi niya ay ayaw raw niya, at dagdag isipin lang daw 'yon.

Nang makakain at makaligo, ay mabilis din akong magbihis nang mapansin na malalate nga ako sa school. Isinakbit ko ang aking bag sa isang braso at kinuha ang aking telepono para i-text si Matmat.

Asher's POV

"Good morning, Matmat! Gising ka na ba? Papasok na ako. Ingat ka papuntang school!"

Pagbaba ko mula sa aking kwarto ay tumunog ang aking telepono. "Anong ingat papuntang school? Nasa school na kami, flag ceremony na! Late ka na oy!"

Napalunok ako at dali-daling kinuha ang sasakyan sa garahe para kaagad ay makaalis.

"Oy beh, itago mo 'yang cellphone mo, baka masamsam 'yan ni Sir, lagot ka." Saad ng aking kaklase.

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now