Chapter 22: Swimming

185 43 3
                                    

Nixon's POV

While we're on our way back to my Baby's home, I kept thinking of a way on how to make our date special. I want to subtly ask him what his ideal date is. One thing that I want for that date, is to make him happy. Another is to ask Jerie what Asher would like.

A few more minutes of driving we finally reached home.

"Ako na sa mga baggages, Baby. Pasok ka na roon." I smiled at him.

He gave me a nod and went out of the car to go inside his house. A smile immediately curved onto my lips. I feel happy, kasi I'm able to help the person I like in a simple way I know how.

I knew he wouldn't agree on making the album kung walang kapalit, buti na lang at matalino ako kaya nalusutan ko iyon. Hahaha.

While carrying everything we bought sinalubong ako ni Jerie.

"OMG NIX!!!!" Malakas itong tumili.

"O with an M with a very big G!!!! What's the score?" Tanong niya sa akin.

"Tanong mo kay Asher, pakipot iyon oh." Sagot ko.

"Alam mo, iyan din sinabi ni Asher..." Ani Jerie. "Sabi niya rin ikaw raw tanungin ko kasi alam mo." Sumabay ito ng lakad sa akin.

"Alam mo, bagay kayo..." Saad niya dahilan para lalong lumapad ang aking ngiti. "Parehas kayong may saltik sa utak minsan."

Natanggal ang ngiti at napakunot ang aking noo. "Hindi ako ah! Si Asher lang."

"Asus, deny mo pa pero kinilig ka nung sinabi kong bagay kayo." Ani Jerie nang makapasok sa bahay nina Asher.

Kaagad na bumungad sa akin si Asher na nagluluto sa kusina para pananghalian. Kusang bumalik ang ngiti sa aking labi nang makita siya sa kaniyang ginagawa.

Kung isa kang pelikula, sana wala kang katapusan.

"Hoy, ngiti mo abot hanggang kabilang kalye. Parang baliw, hindi mo pa naibababa mga dala mo ngiti mo kanina pang abot baba."

Peke kong nginitian si Jerie sa kaniyang sinabi. Kami raw may saltik sa utak, eh siya itong baliw-baliw.

"Akin na nga iyan, ako na mag-ayos... " Kinuha sa akin ni Jerie ang aming mga pinamili. "Mas alam ko pa itong bahay na ito kay Asher, alam mo ba 'yon?" Dagdag niya.

Naupo ako sa sala, sa tabi ni Lance. Tahimik ang paligid at hindi kami nagkikibuan.

"Nixon..." Tawag sa akin ni Lance.

Lumingon ako sa kaniya, "yes?"

"I won't hide around the bush..." Simula ni Lance. "I know you like my best friend and by the look of my best friend's eyes, alam kong gusto ka rin niya. I'm fine with whoever Matmat wants to be..." Dagdag niya.

"But if you break his heart, I will break your face..." He finished.

Mahina akong natawa. "Isn't heartbreaks inevitable?"

"I already hurt him, if he hasn't told you, and each time I do, I will do my best to make up from what I done..." I followed.

"And as much as I know My Baby is important to you, he's important to me ten fold." Pagtatapos ko.

Hindi na nakasagot si Lance nang pinuna kami ni Sherwin.

"Mga kuya ano po pinag-uusapan niyo?" Tanong niya.

"Wala iyon, Sherwin." Akmang bubuhatin ko siya nang nagsimula itong umiyak.

"Kay Kuya Lance akoooo!!" Sigaw niya.

Binaba ko si Sherwin at kusa itong kumalonv kay Lance.

"Oops, Kuya Nixon. 1-0 na oh." Saad ni Michelle na dumaan sa sala para ilapag ang baso ng juice.

Biglang dumating si Jerie galing sa kusina na may tusok-tusok na hotdog sa dala nitong tinidor.

"Anyare, beh?"

"Wala ate, maghanda na kayo roon, ate." Ngumiti si Michelle.

Pumunta ako sa kusina at nakita kong naghahanda na si Asher kasama si Jerie ng aming kakainin para sa swimming habang si Cavs at Lola Nora naman ay tumutulong din.

"Hindi po ba tayo sabay-sabay na kakain?" Tanong ko kay Cavs.

"Hindi na apo, mauna na kayo para maaga rin makauwi. Mamaya na lang hapunan magsabay-sabay. Sige na, tumulong ka na rin dito" Itinabi ako ni Cavs kay Asher.

"Hey, Baby." Bulong ko sa kaniyang tainga.

"Kumilos ka na muna, Nix." Sagot niya sa akin habang may ngiti sa kaniyang labi.

"Yes, Boss." Saad ko.

"O mamaya na landian!!" Sigaw ni Jerie.

Natawa si Cavs. "Nako, Jerie. Hayaan mo si Nixon, nasabihan ko na iyan."

"Aba, ako hindi pa ayos sa kaniya Cavs." Saad naman ni Lola Nora.

"Hindi naman ikaw ang kausap, huwag ka maingay."

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Cavs.

Dumating na rin si Michelle at si Lance na buhat-buhat pa rin si Sherwin.

"Yehey, happy family!!" Pumalakpak si Sherwin.

Natawa kaming lahat na nasa kusina. Napaisip ako bigla, kung ano mga naranasan ni Asher sa mga panahon na wala itong ama, sa mga nangyari sa kaniya.

He must have endured a lot of pain for the sake of his family. I'm proud of him.

Asher's POV

Natapos kaming maghanda ng mga dadalhin papuntang ilog, nakapagpaalam na rin kami kila Cavs at pumayag naman ang dalawa dahil kasama si Lance at Nixon.

Nasa labas kami ng bahay nang biglang nagsalita si Jerie. "Maglalakad talaga tayo, feeling ko ang layo. Ang init pa."

"Ayos lang 'yan, exciting nga iyon eh." Sagot ni Nixon.

Kusa akong napangiti.

"Ano, tara na?" Tanong ko sa kanilang tatlo

"Tara na, Matmat." Nginitian ako ni Lance.

"Oo na, tara na, tara na. Masyado na akong nabubuhol sa buhok ng aking best friend, eh mas maganda naman ako sa kaniya. Unfair..." Naunang naglakad si Jerie at mag-isang nagpayong.

Nagsimula kaming maglakad. Ilang minuto ring lakaran ay narating din namin ang ilog.

"Sa wakas, we're here!!" Iwinagayway ni Jerie ang kaniyang kamay sa ibabaw ng kaniyang ulo habang may ngiting nakapinta sa kaniyang labi.

"Tara na Jerie!" Yaya ni Lance tsaka tumakbo nang mabilis ang dalawa.

Ibinaba namin ni Nixon ang mga gamit sa ibaba ng puno. Lumingon ako kay Nixon tsaka nginitian ang binata.

"Tara, swimming na tayo?" Yaya ko sa kaniya.

Lumingon ito sa paligid dahilan para mapilingon din ako. Walang katao-tao tanging kami lamang nina Jerie at naliligo na ang dalawa.

Biglang yumakap sa akin si Nixon tsaka niyakap at hinalikan ang aking noo. "Let's go, Baby." Pinagkrus niya ang daliri ng aming kamay.

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now