Chapter 31: Last Day

121 22 2
                                    

Asher's POV

Natapos ang hapon na iyon na puno ng sigawan. Marami ang nag-cheer para sa akin kanina, at ang iba ay 'yung mga narinig ko pang nanlait sa akin kaninang umaga. Papunta na ako sa trabaho sa restaurant, at kasabay ko si Nixon.

Hindi ko na sana siya papasamahin kaso masyado siyang mapilit.

"Sigurado ka talagang ayaw mong mauna nang umuwi?" Tanong ko sa kaniya.

Magkahawak-kamay kaming naglakad papunta sa restaurant.

"Nah, Baby..." Binitawan niya ang aking kamay tsaka umakbay sa akin. "I want to spend more time with my MVP muna."

"Edi wow," saad ko.

"May game ka pa bukas 'di ba? Mauna ka nang umuwi, ayos na ako." Pamimilit ko sa kaniya.

"Nah, Baby huwag na makulit. Gusto kitang kasama, gusto kitang hintayin. Tsaka I have a few questions in my mind din naman," sagot niya sa akin.

"Ano naman mga tanong mo? Kapag iyan kabaliwan, Nix ha."

"Hindi ah!" Pinandilatan niya ako ng kaniyang mata.

"OA naman ng reaction mo masyado," tugon ko.

"Ewan ko talaga sa iyo..." Nilaro niya ang aking buhok. "Tatanong ko lang naman ho, Boss, kung saan kayo natuto maglaro." Sarkastimo niyang saad sa akin.

"Matagal na akong naglalaro, two years ago pa kaso tumigil ako kasi kailangan ko nang magtrabaho. Buti na nga lang wala masyadong nagbago sa game na iyon eh kasi kung meron baka hindi ako nakalaro nang ayos..." Pahayag ko sa kaniya.

"Kakilala ko na rin 'yung mga nakalaban ko kanina kaya at some point alam ko 'yung mga galawan nila. Hindi ako nagmamayabang ah, sinasabi ko lang hindi ako gaanong mahihirap sa paggawa ng strategy bilang front line ng team kasi alam ko na strategy nila." Dagdag ko.

Hinawakan niya ang aking kamay. "Ang galing talaga ng boyfriend ko."

Kaagad akong napalingon sa kaniya tsaka nagtanong. "Anong boyfriend ka d'yan?"

"Bakit?" Pilyo niya akong nginitian. "Doon din naman ang punta natin a?" Dagdag niya.

"Masyadong advance ka palagi ah!"

Parehas kaming natawa. Kahit kailan talaga ay parang baliw itong lalaking ito.

"Baby, bukas nood ka sa game ko ah?" Pinisil-pisil niya ang aking kamay.

"Manonood naman talaga ako, susuportahan kita syempre." Nginitian ko siya.

"Talaga?" Paniniguro niya.

"Malamang, baliw yata 'to."

"I like you so much, Baby." Humalik siya sa gilid ng aking pisngi.

"I like you so much too, Baby..." Humarap ako sa kaniya tsaka ginawaran ng halik ang kaniyang labi.

"Baby..." Tinitigan ako ni Nixon diretso sa aking mga mata.

"Yes, Baby?" tanong ko sa kaniya.

"Huwag mo nga gawin iyon..." Saglit siyang huminga nang malalim. "Baka atakihin ako sa puso sa sobrang kilig."

Mahina kong hinampas ang kaniyang braso. "Kinabahan ako sa iyo! Hindi talaga mawawala kabaliwan mo kahit kailan eh 'no?"

Natawa siya sa aking sinabi. Laking-gulat ko nang bigla niya akong hinalikan. I was expecting that it was a simple kiss until he slid his tongue inside my mouth. I was going to answer his kiss when he pulled back.

"Nixon..." Ramdam ko ang pag-init ng sarili kong pisngi.

"I told you."

Nixon's POV

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now