Chapter 7: Ma'am Balba

270 52 8
                                    

Asher's POV

Nang matapos kami kumain ay kaagad din kaming bumalik sa school at kani-kaniyang classroom para makapaghanda sa susunod sa subject. Our first subject sa hapon, ay GMRC. Our teacher, one of the best, si Ma'am Mary Jane Balba.

Magkatabi kami ni Nixon at hindi ko alam kung nananadya ba 'tong mangulit. Kanina pang tinatama ang kaniyang tuhod sa hita ko.

Nilingon ko siya at bumulong. "Ang likot ng paa mo."

Nginitian ako nito. "Sorry."

Umiwas ako ng tingin at nakinig na lamang sa lesson ni Ma'am Balba. Habang patuloy ay klase, bigla namang kumatok si Ma'am Paola.

"Excuse me, Ma'am..." Sumilip ito sa bintana at sumulyap sa akin. "Puwede po bang mahiram si Asher?"

"Ako ma'am?" Tanong ko kay Ma'am Paola mula sa aking upuan.

"Ikaw lang naman ang Asher dito, sama mo na rin si Nixon para may kasama ka." Dagdag ni Ma'am Paola.

Lumingon siya kay Ma'am Balba. "Puwede po Ma'am? Papaikutin ko lang po sa School, mag a-announce po para sa intramurals. Na adjust po kasi ang date para sa Division Intrams, kaya paspas na rin po tayo sabi ni Ma'am Cecilia." Pahayag ni Ma'am Paola. Si Ma'am Cecilia ang principal ng aming school.

"Sure Ma'am!" Magiliw na tugon ni Ma'am Balba.

Sa Maniwala kayo o sa hindi, isa sa pinaka mabait naming guro si Ma'am Balba. Kung sa klase ay sobrang strikta nito, bagamat kailangan naming mag-aral nang mabuti... pero kapag nakasalubong mo ito sa labas, o kaya naman pagkatapos ng klase, for sure para lang kayong tropa.

"Madali lang naman lesson namin, makakahabol iyang dalawa." Ngumiti ito kay Ma'am Paola.

"Thank you, Ma'am!" Tugon ni Ma'am Paola. "Tara na, tumayo na kayo d'yan." Tawag naman ni Ma'am sa amin.

Kaagad naman kaming tumayo sa aming kinauupuan at lumabas ng silid.

"Asus, cute niyong dalawa kapag magkasama. Chos!" Bati ni Ma'am Paola sa amin ni Nixon.

Ngumiti pa ito sabay sabi. "Syempre ma'am, pogi ako eh."

Nilingon ko ang binata, at kitang-kita sa mata nito ang kislap ng ligaya. Pagkatapos no'n ay naglakad na kaming dalawang sumunod kay Ma'am Paola.

Napailing ako.

"Ay nako, mamaya na nga iyan. Ito na..." Saglit na tumigil si Ma'am Paola. "Kulang pa kasi ng basketball player ang school natin, tsaka may iba pang grade level na hindi pa ayos 'yung teams nila. Kayo ang a-assign ko sa year niyo, bale basketball player na lang ang kulang sa atin. Tapos Ashy, ikaw na ulit kukunin kong photographer para sa documentation, owki?" Pagtatapos ni Ma'am Paola sa isang tanong.

Humabol pa ito, "puwede mo namang hiramin anytime 'yung camera sa music room, doncha worry."

Tumango ako, sasagot sana ako nang maunahan ako ni Nixon.

"Ma'am, ako na lang po sa basketball. Puwede po ba?" Tanong niya.

Pumalakpak ang ginang at bakas ang tuwa sa kaniyang mata. Malawak ang ngiti sa kaniyang labi. "Ayon naman pala! Si Ashy na gawin mong cheerleader, ayiee!!"

Pinisil-pisil nito ang pisngi ni Nixon. Mahinang natawa ang binata, dahilan para mapailing ako at mahina ring matawa. Nagtungo kami sa music room, at ang una kong napansin ay naiwang nakabukas ang isang CD kaya naman pumunta ako para kunin ang laman ng player at ibalik ang CD nang hilahin ako ni Nixon.

"Ash."

Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. Binaling ko ang aking titig sa kaniya at nginitian siya. "I'm sorry."

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now