Chapter 16: Ang Paglalim Ng Damdamin

187 45 24
                                    

Asher's POV

Habang nakahiga sa aking kama ang tulog at basang si Nixon ay hindi ko maalis sa aking isipan ang paghalik ng binata. Napatitig ako sa kaniyang natutulog at maamong mukha, bakas sa kaniyang mga mata na maga ito... umiyak ba siya?

Huminga ako nang malalim at hinawi ang buhok niya nang maayos. Pagkatapos no'n ay sinilip ko ang aking damitan para tignan kung ano puwede kong ipahiram kay Nixon. Habang naghahanap ay hindi ko alam paano ko ito bibihisan, mamaya kung anong isipin nito, lalo na at kailangan ko siyang hubaran.

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paghahanap ng damit. Nang makatapos ay ipinatong ko muna ito sa silya at tumabi kay Nixon. Tinapik ko ang kaniyang braso para gisingin ang lasing na binata.

"Nix, gising ka muna, magbihis ka muna mamaya lagnatin ka." Maamo kong sabi.

Ang binata ay umangal at nginusuan ako. "Kiss mo muna ako, Baby."

Napailing ako tsaka mahinang pinalo ang nakanguso nitong labi gamit ang aking palad. "Maka-kiss ka naman d'yan, akala mo naman merong tayo." Saad ko dahilan para mumulat ang kaniyang mga mata.

Sumulyap sa akin ang kaniyang mga mata na halatang puno ng tuwa. Para itong bata na inabot ang aking kamay at ginawang unan ang aking palad.

Mahina itong nagsalita. "Bakit, Baby? Doon din naman ang punta natin 'di ba? Sinabi ko iyon noon ah? Nasaan ba tayo, 'di ba nasa bahay niyo..." Saglit niya akong binigyan ng isang pilyong ngiti.

"Gusto mo pang manligaw na ako sa iyo? Hingiin ko na kamay mo..." Dagdag niya.

Mahina kong pinitik ang kaniyang noo. "Puro ka kalokohan, tigilan mo nga ako. Confused mo mukha mo, tapos manliligaw, ayusin mo muna sarili mo."

Nagpa-cute ito sa aking harapan, nakanguso at nakalahad sa aking harapan ang tingin niyang nakakatunaw. Hindi ko itatangi na sa titig niyang iyon ay napangiti ako.

Pero ang lumabas na mga salita sa aking bibig ay, "mukha kang aso."

"Grabe ka naman sa akin, Baby. Parang hindi mo ako hinalikan kanina ah?" Malambing nitong hinila ang aking kamay at patuloy itong ginawang unan.

Hinila ko ang aking kamay. "Hoy! Una sa lahat, hindi kita hinalikan, ikaw ang humalik sa akin. Pangalawa, sino nagsabing puwedeng halikan mo ako? Bakit mo rin ako hinalikan ha?" Tanong ko.

Dahan-dahan itong bumangon at sumandal sa aking balikat. "Bla bla bla, Baby. Parang hindi mo naman nagustuhan 'yung halik ko."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya tsaka tumayo. "Alam mo, ewan ko sa iyo eh. Huwag mo na uulitin iyon nang hindi naman ako pumapayag."

"Can I kiss you then?"

Nag-init ang aking pisngi sa kaniyang sinabi.

"Ano na namang s-sinasabi mo d'yan ha?"

Tumayo ito tsaka kinulong ako sa kaniyang bisig. "Sabi ko, puwede ka bang halikan?" Tanong niya.

Napalunok ako tsaka huminga nang malamim. Nahihiya man ay dahan-dahan akong tumango.

Mahina ito tumawa tsaka hinalikan ang aking noo at nilaro ang aking buhok. "Sorry for kissing you without your permission, Baby."

Ang bilis ng tibok ng puso ko sa oras na iyon. Para akong aatakihin sa puso sa halik na kaniyang ginawad. Tinitigan ko siyang diretso sa kaniyang mga mata.

"I like you..." Bulong niya sa aking tainga tsaka muling inilapat ang kaniyang mga labi sa aking noo.

"Do you like me too, Asher Matthew Velasco?"

Nginitian ko siya bago tumango. Pagkatapos no'n ay niyakap niya ako. Ramdam ko ang magaan niyang pahinga.

"I like you too..." Bulong ko sa kaniyang tainga.

"Bihis na tayo, Baby. Ang lamig." Saad niya dahilan para matawa kaming dalawa.

Naghubad siya ng kaniyang t-shirt at laking gulat naming dalawa nang biglang nagbukas ang pinto at bumungad sa amin si Tita Cora.

"Tita..."

"Asher ano 'to!!" Malakas niyang sigaw sa sobrang gulat.

Tumakbo ako papunta kay Tita para senyasan itong huwag maingay.

"Tita, magpapaliwanag ako." Saad ko.

Masama niya akong tinitigan. Dumako rin ang kaniyang titig kay Nixon.

"Huwag na huwag mong babastusin pamangkin mo kung ayaw mong mapanot ka." Tinitigan nang masama ni Tita Cora si Nixon.

Walang naging sagot si Nixon kundi tumango lamang ito.

"Corazon, ano at gabing-gabi nasigaw ka?" Rinig naming tatlo ang boses ni Cavs.

"Anong nangyayari ha?" Rinig naman namin si Lola Nora.

"Magtago ka muna." Bulong ko sa hangin.

Sabay kaming lumabas ni Tita Cora sa labas ng kwarto tsaka pekeng ngumiti.

"Wala iyon Cavs, 'La. Nagulat lang si Tita kasi..." Lumingon ako kay Tita.

"Kasi sumasayaw na parang tanga itong apo niyo." Pagtatapos ni Tita Cora na may pagkataray sa kaniyang boses.

"Kung malakas pa ako Cora baka napitik ko na iyang labi mo. Gabing-gabi ingay ng bunganga mo. Tara na nga Cavs, matulog na tayo." Yaya ni Lola Nora at tumungo na sa kanilang kwarto.

"Asher, wala ka namang tinatago sa amin hindi ba?" Tanong ni Cavs.

Huminga ako nang malamim at umiling. Nagsinungaling ako at ang bigat sa damdamin.

"Sige..." Tanging saad ni Cavs tsaka pumunta na sa kaniyang kwarto.

Lumingon ako sa kwarto at hindi pala nagtago ang lasing na si Nixon.

"Sino ba iyang inuwi mo ha?" Kaagad na tanong ni Tita Cora.

"Si Nixon, matalik kong kaibigan." Sagot ko.

"Kaibigan pero ba't naghuhubad sa harap mo ha? Sinasabi ko sa iyo, huwag kang tutulad sa akin na nagpauto sa mga lalaking 'yan. Hindi iyan sila magaling sa kahit ano sinasabi ko sa iyo, mga bayag lang nila may silbi, ugali nila ang babaho." Galit na saad ni Tita Cora.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niyang ito, bago ko lang din nakita na magalit si Tita Cora sa ganoong paraan, iba ang dating ng kaniyang galit sa lalaki.

Tumango ako, "mabait si Nixon, Tita."

"Siguraduhin mo lang na hindi ka niyan sasaktan, tulad ng gagong si Renz na yon." Ani Tita Cora.

"Sige na, hintayin ko kayo sa baba, magkakape muna ako, halata namang hindi pa kayo matutulog. Kitain niyo ko sa baba, mag-usap tayo." Aniya tsaka bumaba.

Nilingon ko si Nixon tsaka pumasok sa kwarto. Sinara ang pinto at nilock.

"Nixon..." Tawag ko sa kaniya.

Kusa itong yumakap sa akin. "Sorry, Baby, napagalitan ka pa yata."

"Hindi ah..." Saad ko at niyakap din ang binata. "Bihis tayo, gusto tayong makausap ni Tita Cora."

"Baka nga ikaw lang kailangan kausapin eh. I'm safe." Tukso ko kay Nixon.

"It's okay, Baby. Hingiin mo na rin kamay mo kung puwede." Saad niya.

Tinitigan ko siya sa kaniyang mata tsaka ngumiti bago nagsalita. "Thank you, Baby."

Dapit-Hapon Onde as histórias ganham vida. Descobre agora