Chapter 24: Ligtas Sa Piling Mo

167 44 7
                                    

Nixon's POV

After a long day of playing, we decided to go home. Habang naglalakad kami ay nauna si Jerie at Lance, naiwan akong katabi si Asher. Lumingon ako sa kaniyang at nginitian si Asher na halatang pagod sa kakalangoy.

Mahina akong natawa tsaka hinawakan ang kaniyang kamay. "Nag-enjoy ako today. Ulitin natin next time ah?" Tanong ko sa kaniya.

He automatically leaned on my shoulder while the two of us are walking which made my lips curve into a smile. Ang sarap sa pakiramdam, knowing na alam niyang nandito ako para sa kaniya. It makes me happy when he leans on me, I feel special, that I have a special spot inside his heart.

And I don't want to break his heart, never.

"We can always go here when we're free, Baby." sagot ni Asher.

We walked together, our fingers intertwined.

"I love doing this with you by the way..." He whispered while walking.

"This? What do you mean, Baby?" Tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang aking noo.

"Ganito..." Saglit siyang humarap sa akin. "I mean, 'yung ganitong type of bond natin, 'yung hindi kailangan na lumayo or go somewhere fancy just so we could hang out 'di ba? Para kasing ang boring for me, sa part na sobrang grand pero hindi naman sobrang special 'yung mangyayari." paliwanag niya.

"Mas gusto ko na itong naglalakad lang tayo, kahit maghapon basta hindi sobrang init, tapos tahimik paligid, kapag napagod tatambay somewhere na tahimik tapos maganda ang paligid. Hindi ba parang ang peaceful?" Tanong niya sa akin.

"Peaceful nga. Gusto mo ba, punta ka sa bahay namin? We can hang out there if gusto mo." Yaya ko sa kaniya.

"Ayaw ko nga," umiwas siya ng tingin.

"Mamaya hindi na ako makauwi ng buhay." Mahina itong natawa.

"Yeah, baka nga hindi na kita pauwiin. Sa amin na lang kayo tumira, Baby. Gusto kita katabi sa higaan hehehehe." Akit ko sa kaniya.

Masama akong tinitigan ni Asher. "Aba Nix, hindi porket legal age na tayo ay ganiyan na nasa isip mo ha." Suway niya.

"I mean it not in a bad way, there are people who live in already, pero hindi ba mas maganda na makamit muna natin 'yung ambitions natin in life? Hayaan mo kapag tayo na tapos ayos kay Cavs live in tayo sa college."

Napatigil ako sa paglalakad tsaka napalunok. Ramdam ko ang pamumula ng sarili kong pisngi. "B-baby huwag mo naman akong gulatin nang ganiyan, mamaya himatayin ako sige ka mawawalan ka ng Baby na pogi."

"Hindi lang naman ikaw pogi sa mundo ah?" Hirit nito.

"Sakit mo na magsalita, Baby ah! Parang hindi ka yumakap-yakap sa akin kanina. Siguro may magic 'yung tubig kanina kaya parang ang sweet mo. Swerte mo nga rin kanina naramdaman mo 'yung ano ko-" Hindi ako natapos sa aking sasabihin nang bigla itong sumagot.

"Alam mo! Dapat kasi hindi ka dumikit nang sobra sa akin kanina, alam mo bang wala akong kaalam-alam tapos nung sinabi mo sa akin para kaya akong aatakihin sa puso, paano na lang kung nahalata 'di ba ni Jerie edi nakakahiya!" Nanlaki ang kaniyang mata habang nagpapaliwanag.

Natawa ako sa kaniyang sinabi. I like seeing this part of Asher, a part of him that is so childish and cute. I often look at his eyes and see from it depths that he has a lot on his plate, so I'm glad each time I see his eyes differently. Especially kapag magaan pakiramdam niya, na parang wala itong iniisip na problema.

"Yeah, yeah, I'm sorry hindi ko na paparamdam sa iyo without your permission." Sa sinabi kong iyon ay kinurot ako ni Asher.

"Isa pa, Rainier Nixon Castro..." Pananakot niya sa akin.

"Isa lang naman talaga ako, Baby. Kaya ingatan mo ako, mamaya maagaw." Kinindatan ko siya.

Inunahan na ako nitong maglakad kaya kaagad akong humabol para yakapin siya mula sa likuran. "I like you so much, Baby. You're so adorable."

Nakita ko ang titig sa kaniyang mga mata. Halatang inis ito, hindi ko alam kung bakit imbis na mag-sorry ay natawa pa ako.

"Baby, malapit na tayo sa bahay niyo oh mamaya makita ka ni Cavs na ganiyan sabihin no'n baka sinaktan kita." Saad ko tsaka nagpa-cute sa kaniya.

"Ewan ko sa iyo." Saad nito tsaka tahimik na naglakad.

Nang malapit na naming marating ang bahay nina Asher, out of nowhere ay sinabi niya... "Thank you for not judging."

Weirdo, kanina inis 'to ah? May dalaw kaya siya?

"Thank you saan, Baby?" tanong ko sa kaniya.

"We live differently alam mo naman siguro, bahay niyo pa lang compare sa bahay namin. I really thought you'd be turned off that we're not in the same league." Paliwanag niya.

"Hey..." Tumigil ako sa paglalakad tsaka hinawakan ang kaniyang kamay. "I am no place to judge you. Tsaka, whatever life you live, so what? Even if you live in a castle o kaya naman kubo lang, ano naman. You will always be Asher..." Nginitian ko siya.

"My Asher."

"Wala pang tayo maka 'My' ka naman d'yan." Saad niya habang may ngiti sa kaniyang labi.

"Edi, Soon-To-Be-My-Asher." Pagtatama ko dahilan para matawa siya.

"Oo na sige. Pero seryoso, thank you. Regardless if you like me or not, I'm lucky you didn't judge me for who and what I am." Ani Asher.

Hinalikan niya ako sa aking pisngi. "Thank you, Baby."

I kissed his forehead. "There's no need to thank, natural lang na tanggapin kita, kasi ikaw 'yan eh. Not that I meant in a bad way, Baby ah. I mean, I accept you for who you are and what you are, because that makes you- you."

I messed his hair and smiled at him. "Kahit anong mangyari, I accept you for you who are, kahit anong ugali pa ipakita mo, as long as hindi mo nasasaktan ang ibang tao, especially sarili mo, I won't judge you."

'Thank you' he mouthed.

Pagkatapos no'n ay naglakad na kami papunta sa bahay nila Asher. Nang marating namin iyon ay nasa loob na ng bahay si Jerie at Lance, gabi na rin kasi kami nang makauwi. Habang kaming dalawa ay nakatambay sa harap ng kanilang bahay.

"Saan ako matutulog, Baby?" Tanong ko.

"Malamang sa kama." Pilosopo nitong sagot.

"Ayos Baby ah..." Natawa siya.

"Doon ka sa inyo matulog." Nginisian niya ako.

"Gusto ko tabi tayo." Pahayag ko habang nakasimangot.

"Kapag ikaw MVP ng team sa intrams, magsasabi ako kay Cavs na matutulog ako sa inyo." Alok ni Asher.

Napangiti ako. "Totoo 'yan Baby ah? Lakas ng inspiration ah!"

"Para ka nang baliw, hindi ka naman ganiyan nung unang beses kita nakilala..." Saglit itong tumigil. "Baliw ka na rin pala no'n." Habol niya.

Nagpatuloy ang usapan naming dalawa ni Asher sa labas hanggang sa lumabas na rin si Jerie at Lance na nag-alok nang umuwi. Kaagad kaming nagpaalam at nauna nang umalis si Lance para ihatid si Jerie.

"See you sa Monday?" Tanong ko habang nakaupo na sa sakayan.

"Yeah, see you. Thank you, Baby." Nginitian niya ako.

"May kiss ako?" tanong ko.

Mahina siyang natawa tsaka humalik sa aking labi dahilan para mapangiti ako.

"I like you, Baby." Hinalikan ko ang kaniyang noo.

"I like you too, My Nixon."

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now