Chapter 3: Dapit-hapon

390 56 9
                                    

Asher's POV

Habang papunta ako sa trabaho, sumabay nga sa akin si Nixon at tingin ko ay baka nga hintayin pa niya kong makatapos.

"Nixon, ayaw mo ba talagang umuwi?" Tanong ko sa kaniya, ngunit hindi ko siya nilingon.

"Nixon..." muli kong tawag dahilan para mapalingon na ako. Laking gulat ko nang makita na may suot pala itong ear buds kaya hindi ako marinig.

Mabuti na lamang ay lumingon siya... kung kailan nakalingon na ako. Bahagya siyang ngumiti tsaka isinuot ang isang ear bud sa aking tainga. "Narinig kita..." ani nito, "hindi ko lang sinagot. Obvious na naman kasi 'di ba?" Dagdag niya.

Umiling ako bago siya sagutin. "Kahit na. Hindi naman puwedeng makikiramdam lang ako 'di ba? Malay mo, sasabay ka lang pala hanggang sa restaurant tapos aalis na. Puwede mo naman kasing sagutin na lang 'di ba?"

Mahina siyang natawa, "oo na. Sorry po, boss..." Kinuha niya ang kaniyang telepono mula sa kaniyang bulsa at tsaka binago ang kantang pinapatugtog niya. "To answer your question. Hindi ako uuwi, hihintayin kita 'di ba?"

"Bakit mo naman ako gusting hintayin? May kailangan ka sa akin?" Diretso kong tanong.

"Puso mo."

Tinitigan ko siya nang masama, "alam mo, kung trip mo lang talaga ako? You should stop already. Wala kang makukuha sa akin, I'm always busy, I have my priorities... finally, hindi ako sagot sa boredom mo. Maraming magandang babae sa room, reto kita gusto mo?"

"Ikaw 'yung gusto ko, Asher." Ngumiti ito nang paloko.

"Tokis..."

Parehas kaming natahimik nang biglang nagsalita si Nixon. "Ano 'yung tokis?"

Napatanga ako sa tanong niya. Grabe, hindi niya 'yon alam? Sabagay, mukha naman siyang mayaman.

"Wala 'yon. Expression lang ba."

"Ahh. Tokis!" Sigaw ni Nixon. Abnormal. Buti na lang wala gaanong tao sa paligid dahil malapit kami sa tulay.

Napailing ako. Ilang segundo pa ay tumunog ang aking telepono.

"Wla raw pasok 2day, Ash. Pinasara ni Maam Abba un resto. Tom na lang daw pumasok. Baka kasi punta k p."

Ang text na iyon ay mula kay Kuya Roston. Kung minamalas ka nga naman... "Sino nag text?" Kaagad na tanong ni Nixon.

"Wala raw trabaho kaya-" Hindi ako nakatapos sa aking sasabihin nang biglang sumingit si Nixon.

"Kaya puwede kitang igala. Puwede tayong pumunta sa mall." Saad niya.

Tipid akong ngumiti bago siya sagutin. "Nixon, wala akong pera kaya ako may trabaho kasi kailngan kong kumita para sa pamilya ko. Hindi rin ako napunta ng malls, kasi sayang lang pamasahe, wala rin naman akong bibilhin..."

Sa kaloob-loob ko ay parang may lumang sugat na muling bumukas. Mga alaala no'ng buhay pa si Mama. Napabuntong-hininga ako.

Hinawakan ni Nixon ang aking kamay tsaka dinala ako sa gilid ng tulay. "Then, let's just here. Talk about anything, random stuffs, and watch the sunset." Nixon genuinely smiled at me bago maupo.

"Tignan mo, malapit na 'yung sunset. Ang ganda 'di ba?" Kaagad niyang tanong nang makaupo ako.

"Ano muna tagalog ng sunset?"

"Edi, paglubog ng araw," ngumisi siya.

"Baliw mo naman, mali kaya." Tugon ko naman sa kaniya.

"Anong mali do'n, eh 'yon din naman yon ah?" Tanong niya sa akin.

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now