Chapter 12: Sana

190 52 4
                                    

Nixon's POV

Habang nasa practice ay naging kaibigan ko na ang ilan sa mga basketball players sa team. Sina, Gio, Gavin, Seth, Caliber, at Joachin. Maayos naman sila kasama, masaya rin kasama, maayos maglaro.

Nakaupo kaming anim sa bleachers ng court at lumapit ang ilang mga babae sa amin. Limang babae, tanging dalawa lamang ang aking kilala, si Chelsea at Zia.

"Hi boys, kamusta ang practice?" Tanong ni Zia na may ngiti sa kaniyang labi at dinako ang kaniyang tingin sa akin.

"Hi, Nixon." Kumaway siya sa akin.

Tanging tango lamang at ngiti ang aking tinugon. Walang sabi ay tumabi naman sa akin si Chelsea.

"Hi, how are you?" Tanong niya sa akin.

"Kilala mo na naman ako, tsaka si Zia. So I'll introduce you sa tatlo pa naming kasama..." Aniya.

She pointed at one of the girls with long curly hair tied in a messy bun. "She's Leilany, she's smart, and she's a bookworm, prefers reading over her friends actually."

Sunod naman niyang tinuro ang babaeng may suot na salamin at nakapuyod nang simple ang buhok. "She's Samantha, believe me, you'll love her. Very mature and practical. Maglalaro rin siya for this year's volleyball."

Huli niyang tinuro ang babaeng hawak-hawak ang kaniyang telepono na ngumunguya ng bubble gum. "Now that is Alexi. She's cool, her sense of fashion is fo perfect, and believe me when I say she can be the next miss universe."

Tumango lamang ako bilang tugon at nakinig sa kung anong sinasabi ni Chelsea. Nakikinig man ay wala ako masyadong pakialam, bagkus ay ang laman ng aking isip ay si Asher. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ko siya matanggal sa aking isip.

Hindi ko na namalayan na kung ano-ano na pala ang kanilang napag-usapan. Gulat ko na lamang nang bigla akong tawagin ni Zia.

"Hey, Nixon. I saw your story..." Anito dahilan para ilingon ko ang aking atensyon sa kaniya.

"And I just want to ask if you're single since, Chelsea here..." Lumipat ang titig ng mata ni Zia kay Chelsea na nakaupo sa aking tabi.

"Is kinda attracted go you. And if you're single, you should take her out. Tutal sinabi na rin naman sa akin ni Chelsea na kumain kayong magkasama Yesterday." Pagtatapos ni Zia.

Tinukso ako ng aking mga tropa at kinulit para um-oo sa gustong date ni Zia kasama si Chelsea.

"Take the chance, pare!" Mahinang itinama ni Seth and kaniyang siko sa aking balikat na may pilyong ngiti sa kaniyang labi.

"Oo nga p're, ilabas mo na! Ganda ni Chelsea ah?" Ani Caliber.

Habang ako naman ay naputulan ng dila, walang kaalaman kung ano ang aking isasagot. Sa tukso na binigay ng mga kasama ko ay napatango ako at nasabi.

"Sige-sige. Basta mamayang lunch, para sakto kakatapos lang ng practice." Saad ko para maghiyawan ang mga lalaking kasama ko.

"Thank you. I think I like you, Rainier." Ani Chelsea.

Tumango lang ako at nagpatuloy ang kwentuhan ng mga kasama ni Chelsea at sina Gavin.

Asher's POV

Lunch time na. Lumabas ako ng music room para hanapin si Nixon dahil gusto kong tuparin ang tinuran ko sa kaniyang yayakapin ko siya. Hindi ko alam pero halong kaba at excitement yata itong nararamdaman ko, na makakasama ko siya at mayayakap ko siya mamayang lunch.

Nang makalabas sa music room, ilang building lang ay nasa court na ako. Tanaw ko sa kalayuan na kasama ni Nixon ang mga kilalang players sa school, kasama na rin sina Zia, Chelsea, at iba pang famous na babae na crush ng campus.

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now