Chapter 23: Jerie

162 40 22
                                    

Lance's POV

Nauna kaming tumalon ni Jerie sa ilog. Tanaw ko kung paano magyakapan ang dalawa, hindi ko maiwasang mapailing. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, o baka nagseselos ako sa nakikita ko dahil sa kung anong mayroon ang dalawa.

"Matutunaw 'yung dalawa kakatitig mo sa kanila." Nakalutang si Jerie sa tubig habang nagsasalita.

Pagkatapos no'n ay lumangoy siya papunta sa akin. "Ano bang laman ng isip mo, Lance?" Diretso niyang tanong sa akin.

"Ewan ko rin, tumingin lang naman ako roon sa dalawa para malaman kung lalangoy pa ba sila o doon na lang sila tapos maghaharutan." Sagot ko kay Jerie.

"Alam mo, nakakaloka. Halata nang nagseselos ka puro ka pa palusot. Actually, alam mo halatang may gusto ka kay Asher dati pa." Puna niya.

Pumunta kami sa sulok ng ilog kung saan mababaw ang tubig at nakaupo sa bato. "Paano mo namang may gusto ako kay Asher, e best friend lang naman turing ko talaga sa kaniya." Tugon ko.

"Alam mo, sinasabi mong best friend lang kayo, pero kung maka-akto ka naman parang manliligaw ka niya. Iba kasi 'yung best friend lang sa may gusto, kahit hindi mo i-declare na gusto mo, nahahalata iyon..." Pahayag niya.

"Ako nga halata kong gusto nila isa't-isa eh..." Dagdag ni Jerie na nagpapatungkol kay Asher at Nixon na naglalaro sa ilog.

"Paano mo naman nalamang gusto nila isa't-isa?" Tanong ko kay Jerie.

"Hindi mo ba nakikita kung paano silang dalawa tuwing magkasama?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman kailangan i-declare sa mundo nararamdaman niyo o kaya maging vocal kayo..." Imporma niya at saglit na tumigil. "Minsan makikita mo na lang kung paano nila tignan at alagaan ang isa't-isa." Pagtatapos niya tsaka sumisid.

Napatanga ako habang isip-isip ang mga sinabi ni Jerie. Nakatuon ang aking mga mata kay Asher at Nixon na masayang naglalaro sa ilog, sa isang banda ay masaya akong nakikitang masaya si Asher, lalo na at alam ko ang mga pinagdaanan nito. Sa isang banda naman ay naiinggit ako, naiinggit akong hindi ako ang dahilan ng tuwa na iyon, na hindi ko nagawang maiparamdam iyon sa kaniya.

Napailing ako tsaka pinili na lamang sumisid sa tubig para mapagaan ang laman ng aking isipan.

Asher's POV

Napalakas ako nang tawa nang biglang madulas si Nixon sa isang bato. "HAHAHAHAHA. Bakit ka kasi nand'yan sa mababaw? Tara dito tayo sa malalim maglaro sige!" Yaya ko sa kaniya.

Napailing ang binata tsaka lumangoy papunta sa akin. Hindi gaano malinaw ang tubig kaya hindi ko kita kung nasaan na ito. Nakatungo ako para aninagin kung nasaan na ang binata.

Laking gulat ko na lamang nang bigla kong naramdaman na may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Kinulong niya ako sa kaniyang bisig, sinubukan ko mang kumawala ay hindi ko nagawa 'pagkat mahigpit na ang yakap sa aking ng binata.

"Ang lamig naman ng tubig dito, Baby." Bulong niya sa akin tsaka pinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat.

Malayo kaming dalawa sa kung saan nakatambay si Jerie at Nixon kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay na nasa ilalim ng tubig. Pinagkrus ko ang aming mga daliri nang magawa kong humarap sa kaniya mula sa kaniyang pagkakayakap.

"Giniginaw ka na ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah, kailangan ko na ng kiss." Ngumuso ito.

Napailing ako bilang tugon pagkatapos ay binitawan ang kaniyang kamay at lumangoy palayo sa kaniya.

"Habulin mo ako para sa kiss mo." Tukso ko tsaka kaagad namang sumisid.

Ramdam kong mula sa aking likuran ay may humahabol kaya umahon ako sa tubig. Nagulat ako nang biglang may humawak sa aking hita at umahon mula sa tubig.

"Kiss ko?" Kaagad na ngumisi ang binata pagkatapos ng kaniyang sinabi. Taklop ng kaniyang mahabang buhok ang isa niyang mata.

"Isa lang ah?" Paglilinaw ko.

"Pahabol ka ulit mga limang beses para marami akong kiss." Kinindatan niya ako.

Pinitik ko ang kaniyang noo. "Puro ka kiss, kiss lagi 'yan alam mo." Tugon ko sa kaniya.

"Edi hug na lang, Baby." Nginitian niya ako.

Napailing ako tsaka kusang yumakap sa kaniya. Pagkatapos no'n ay kusa niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin at dahan-dahang inilapat ang kaniyang mga labi sa labi ko. Isang simpleng halik na sobrang lakas ng epekto sa akin.

Ang bilis ng tibok ng aking puso. Napalunok ako at kaagad na yumapos sa kaniya, isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib tsaka isinara ang aking mga mata. Kahit na malamig nga ang tubig ay hindi ko ito gaano ramdam sa tuwing kasama si Nixon. Kusang natutunaw ang laman ng paligid at ang tanging nakikita ng aking mga mata ay walang iba kundi siya.

"You okay, Baby?" Nilaro niya ang aking buhok.

Tumango ako habang nakasandal sa kaniya. "Ayos lang, I just wanted to hug you." Pag-amin ko.

Humalik siya sa aking noo bago sumagot. "You can hug me anytime. I don't mind."

Pagkatapos ng kaganapan na iyon ay nagpatuloy kaming dalawa sa aming kulitan. Hanggang sa lumipas ang ilang oras ay naglaro rin kami nina Jerie.

"OKAY! GANITO ANG RULES!" Sobrang lakas ng kaniyang boses dahil wala namang tao sa paligid.

"Never have I ever, pero may twist siya. Hindi ako kasali, kayong boys lang. Dahil suit niyo naman buong dami niyo, kapag nagawa niyo na, you have to take off one of your clothes." Saad niya.

"O! M! G! HAHAHAHA excuse me! Unahan ko lang wala itong malisya! Hindi ko kayo type!" Habol niya.

"Okay first! Never have I ever..." Ngumisi ito tsaka saglit na ngumisi habang naka krus ang kaniyang braso.

"Never have I ever slept naked!" Sigaw nito.

Nagtitigan kaming tatlo at ilan pang segundo ay nauna nang naghubad si Nixon ng kaniyang pangtaas. Bumungad sa amin ang kaniyang katawan.

Not that I wanted to look, but he has abs. I accidentally saw it because he took of his clothes.

Lumingon ako kay Lance, na nakahubad na rin ng kaniyang pangtaas.

"OMG Ha! Ikaw bestie, never?" Turo sa akin ni Jerie.

Umiling ako. "Hindi ako natutulog nang hubad hoy!" Depensa ko.

"Sige na, next na..." Nag-isip muli ito ng kaniyang itatanong. "Never have I ever drunk texted someone." Saad niya.

Lumingon ako kay Lance at umiling ito. Nang lumingon naman ako kay Nixon ay inangat nito ang hinubad niyang short. Napatili si Jerie na kaagad din tinakluban ang kaniyang bibig. Pinahid ko ang aking hita dahil naramdaman kong parang may lumapat dito.

"OMG KA! SINO?!" Pasigaw nitong tanong.

"Si Mama..." Nahihiya nitong sagot.

Bigla tuloy akong na-curious kung bakit niya na drunk chat mama niya... may nangyari kaya sa past nito?

"Okay sige na next na..." Saad ni Jerie.

Papatuloy na sana ang laro nang biglang sumagot si Nixon. "Wala na akong huhubarin, naka swimming shorts lang ako..."

Napatigil ako. Hubad na ang binata, at sobrang lapit lang namin sa isa't-isa, nasa tabi ko lamang ito. Hindi kaya ang lumapat sa akin kanina ay ang kaniyang... What the hell...


Dapit-Hapon Where stories live. Discover now