Chapter 35: Dinner

109 22 1
                                    

Asher's POV

Nasa kusina kami, ako, si Cavs, Lola Nora, Tita Cora, at si Nixon. Ang mga kapatid ko naman ay nasa kanilang kwarto. Tahimik ang lahat ng taong nasa lamesa.

Nasasaktan ako... Bakit kailangan nilang itago sa akin ang kalagayan ni Cavs? Bakit! Patuloy ang paglalim ng aking hininga, ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.

"Apo, pasensya na..." Hinawakan ni Cavs ang nanlalamig kong kamay. "Hindi ko gustong masaktan ka pa, Apo. Ayaw kong makita na nahihirapan ka. Hindi ko iyon gusto apo ko ah..."

Nakatingin ako sa mga mata ni Cavs, sa mga mata niyang nagsimula nang magluha sinabi niyang, "Huwag kang magagalit kay Cavs, Anak. Hindi ko lang gustong masaktan ka. Ayaw kong maranasan mo pa ulit mga pinagdaanan mo noon, Anak." Pinisil-pisil niya ang aking kamay.

Kagat-kagat ko ang ibaba kong labi habang unti-unting pumapatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Hinawakan ko ang kamay ni Cavs at tumango.

"Cavs n-naman..." My voice cracked. "Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin? Natatakot ako oh. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Hindi ko kayang mawala ka kasi kapag nawala ka sa akin sino na lang sasandalan ko? Kanino na lang ako tatakbo? Cavs naman..."

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at kaagad na lumapit sa akin para yakapin ako. Binalot niya ang kaniyang braso sa aking dibdib at ang mga kamay ko naman ay kusang humawak sa kaniyang mga braso. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Pinatahan ako ni Cavs at niyaya sa kaniyang kwarto upang makapag-usap kaming dalawa. Magkatabi kaming naupo sa kama habang nakasandal ang aking ulo sa kaniyang balikat at nakayapos ako sa kaniya.

Hawak-hawak ni Cavs ang lumang album na kinuha niya mula sa kaniyang drawer. Isa-isa ay binuklat namin ito at sa bawat pahina ay makikita ang napakaraming litrato na kuha sa magkakaibang taon. Sa oras na ito ay tila gumaan naman ang aking pakiramdam.

"Anak," tawag ni Cavs sa akin.

"Cavs?" mahina kong bulong sa kaniya.

Kumawala siya mula sa pagkakayapos ko at humarap sa akin habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay. Huminga si Cavs nang malalim bago magsalita. "Hindi ka mag-iisa sa mundong ito tatandaan mo iyan."

"Kahit kailan at kahit ano ang mangyari, Anak, hinding-hindi ka mawawalan ng kakampi," saad niya.

Sa sinabi niya ay nagsimulang magluha muli ang mga mata ko.

"Nand'yan ang Lola at Tita mo. Ang papa mo nand'yan din at sa pagdating ng panahon ay kakailanganin mo rin siyang patawarin kasi kahit anong sabihin natin sa mundo ay siya pa rin ang ama mo. Si Nixon ay nand'yan din para sa iyo. May tiwala ako sa lalaking iyon kaya kung ano man ang mangyari ay kampante na ako." Niyakap niya ako.

"C-cavs..." Biglang buhos ng luha mula sa aking mata at lumakas ang pag-iyak ko, napakapit ang aking kamay sa kaniyang mga balikat sa bawat hagulgol ko. "Huwag mo akong iwan," ani ko na parang nagmamakaawang bata na huwag iwan sa silid-aralan ng mag-isa.

"Shhh, tahan na anak ko. Hindi kita iiwan. Kahit kailan ay hindi ako mawawala sa tabi mo kasi palagi kitang sasamahan kahit pa malayo ako sa iyo. At lagi mong tatandaan na kagaya ng mama mo ay lagi akong nandito." Ipinatong niya ang kaniyang palad sa kaliwa kong dibdib.

Mahigpit niya akong niyakap at pinatahan. Pagkatapos nang ilang minuto na puno ng drama at iyakan ay kaagad naman itong napalitan ng tawanan ay kwentuhan. Tila nakakatawa at nakakamangha, kung paano natin nahahanap ang liwanag mula sa pinakamadilim na oras.

Naik'wento ko kay Cavs na gusto akong makasama ni Papa sa Hapunan, ang sabi ko naman sa kaniya ay ayaw ko. Ngunit pinilit niya ako at sinabing, "Kung hindi mo susubukan patawarin at buksan ang puso mo para sa ama mo kailan pa?"

"Lagi mong tandaan na hanggang makakaya mo ay gawin mo kasi kung hindi at huli na ang lahat tsaka mo pagsisisihan ang mga bagay na hindi mo nagawa." Ang mga katagang iyan ang huli niyang sinabi bago niya ako mapilit na sumama kay Nixon para kumain kasama ang kaniyang mga magulang, si Papa, at ang ex niyang mukha nang clown sa kapal ng make up. Tsk.

Pinaghanda ako ni Cavs at sinabihan na mag-ayos kung kakain ako kasama ang mga magulang ni Nixon. Ang lahat ng nangyari kanina ay biglang parang wala na lamang sa aming dalawa. Nang makaayos ay kaagad kaming bumaba ni Cavs at kita sa mga mata nina Lola Nora, Tita Cora, at Nixon na sila ay gulat na gulat.

"Ano pong nangyari?" tanong ni Nixon kay Cavs.

"Wala," maikling sagot ni Cavs tsaka nginitian si Nixon.

"Sige na umalis na kayo mamaya mahuli pa kayo." Tinaboy ako ni Cavs sa tabi ni Nixon na siya namang tumayo.

Si Lola Nora at Tita Cora naman ay parang bato sa sobrang tahimik. Wala man lang silang kibo. "Ayos lang kayo?" tanong ni Cavs sa dalawa.

"Ayos lang kami. Kayo anong nakain niyong dalawa at bigla kayong ganiyan?" Tanong ni Tita Cora.

"Aba anong gusto mong gawin namin ng Apo ko? Umiyak kami magdamag?" Pilosopong sagot ni Cavs.

"Ay siya, humayo na kayo ni Nixon at maghahanda na rin kami panghapunan," ani Cavs.

Sumunod naman kami ni Nixon sa kaniya. Nagpaalam na kami para pumunta kina Nixon para kumain. Habang papunta kami ay aaminin kong kinakabahan ako sa posibleng mangyari habang nasa iisang mesa kami.

"Baby, kinakabahan ako." Hinawakan ni Nixon ang aking kamay habang nasa loob kami ng tricycle.

"Bakit ka kinakabahan?" tanong ko.

"Baka kasi kung anong mangyari mamaya. Baka may kung anong sabihin sa iyo parents ko. Ayaw ko no'n. Lagot ako kay Cavs kapag sinaktan kita eh." Sumandal siya sa balikat ko.

Sa ilang minutong biyahe ay narating din namin pa tricycle ang bahay nina Nixon. Kaagad kaming pumasok at nang makarating kami ay nandoon na si Papa, ang mga magulang ni Nixon, at si Abigail.

"Good evening po." Nginitian ko ang parents ni Nixon.

"Good evening," bati ko sa ama ko.

Lumapit siya sa akin para yakapin ako. Wala akong naging tugon at napalunok na lamang. That hug was so awkward kaya.

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now