Chapter 02

48 2 0
                                    

Kinabukasan, nagising ang wisyo ko nang may narinig akong may kumalabog. Napabalikwas ako sa kama at magkandapa-dapa pang tumayo. Naapakan ko pa iyong kumot ko at muntik nang matapilok!

"Sorry, ate. Nagising ba kita?" Boses ni Lucas. "Hiram lang ako ng bathrobe ate, may dula-dulaan sa school, hehe." Hindi ko nagawang sagutin si Lucas na patuloy ang paghahanap sa kabinet ko.

Nang matapos maligo ay doon pa lang umandar ang alarm clock ko. Nauna pa pala akong gumising sa alarm ko! Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, dapat nga excited ako e. Ngayon ang interview shoot kasama ang Bullets! Halos hindi ako makakain ng maayos ng almusal dahil nga iniisip ko na iyong interview!

Pagkatapos kumain ay nag-ayos muna ako. Binagsak ko lang ang buhok ko at kinulot ng kaunti ang dulo nito. Naglagay din ako ng kaunting make-up para naman presentable ang hitsura kong haharap sa mga idolo ko. I wore a pair of nude trousers and a plain white long-sleeves. I tucked it inside my trousers. Nag-heels na lang din ako na puti na sakto lang ang taas.

Tsineer pa ako ni Samarah bago akong umalis. Pinaalala niya pa sa akin na huwag ko raw kalimutan ang autograph ni Hassi.

Medyo umaambon pa pagkalabas ko ng bahay. Mahaba ang pila sa MRT station sa inaasahan pero mabilis namang umusad. Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang earphones habang nakaupo sa pinakasulok ng tren at nakatingin lang sa labas, yakap-yakap ang tote bag ko. I was listening to Bullets' playlist. Pakiramdam ko ay nasa music video ako.

Palabas na ako ng estasyon nang bigla na lang may humiyaw at pumito pa iyong pulis. Malakas ang tunog ng musika sa earphones ko pero narinig ko pa rin naman 'yon. Lumingon ako para tingnan 'yon nang bigla na lang may humatak sa palapulsuhan ko!

Nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo na rin hila-hila ng lalaki. May suot siyang puting mask at cap na kulay brown. Kaya hindi ko makita ng gaano ang hitsura niya, dagdagan pa ng bangs nito. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero hindi ko magawa dahil sa gulat at takot na rin!

"Bitawan mo ako!" Iyon na lang ang nasabi ko nang palayo nang palayo na kami sa maraming tao.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago hinatak pabalik ang kamay ko sa hawak ng lalaki. Pero nakakatakot dahil sobrang higpit ang kapit niya. Pusta ko, magnanakaw 'to na hinahabol ng mga pulis at pilit na tumatakas. Dinamay pa talaga ako? Nakakatakot pero kailangan kong makawala!

"Sisigaw ako rito sa pulis, hah!" Inabot ko ang face mask niya at hinila 'yon pababa dahilan na napatigil siya at lumingon sa akin.

"Trey Salazar! Shet! Ikaw nga!"

"Nandito siya! Nandito si Trey!"

Nagkatinginan kami sa mga mata ng ilang segundo. Bumagsak na lang ang panga ko noong napagtanto kung sino siya. What the frick.

Si Trey. Si Trey ng Bullets! Si Trey na vocalist ng Bullets ang nasa harapan ko! Hawak-hawak ako!

"Oh c'mon." Siya nga! Boses niya 'yon!

Sinuot niya ulit ang mask gamit ang isang kamay. At dahil natameme ako sa taong nasa harapan ko, nakita ko na lang din ang sarili kong tumatakbo... tumatakbo kasama ang isang Trey! Tumatakbong hila-hila niya!

How did a popular idol end up running with a stranger like me?

"Teka....Time out.... Wala nang may nakasunod..." Hinihingal kong saad.

Natigil rin sa pagtakbo si Trey tsaka napamasid sa paligid. Huminto kami sa makitid na eskinita sa likod ng isang gusali.

Tinukod ko ang dalawang palad sa magkabilang tuhod, hinahabol ang hininga. Pagkalingon ko sa kaniya ay nagtitipa na siya sa phone niya. Halatang alala rin ang mukha niya, malalim ang paghinga dahil sa kakatakbo. Ano ba kasi ang nangyari?!

Before The Stars (Fan Series #1)Where stories live. Discover now