Chapter 14

46 0 0
                                    

"Asawa ko! Halika na rito! Kain na!"

Nagmamadali bumaba si Mama nang tinawag siya ni Papa. Kalong-kalong niya ang bunso naming kapatid, habang si Ate Tanya ay sinusubuan ni Papa.

"Oh, anong mayroon?" Nagtatakang tanong ni Mama nang maupo na sa lamesa. Nagsimula na rin siyang sumalin ng pagkain pagkatapos ilagay ang kapatid ko sa baby chair.

"Mama," Pagtawag ko. I was just sitting straight with both of my hands placed on my thighs, hindi alam kung paano sasabihin sa kaniya ang nangyari. "Nakapasa ako sa audition."

""Talaga?! Naku!" Napatakip siya ng bibig niya at paiyak na 'yong hitsura.

"Talagang-talaga asawa ko! Sa susunod na linggo, e aalis na patungong Maynila si Tres para sa training." Sagot naman ni Papa sa kaniya.

It wasn't my plan to audition at first. Na-curious lang ako at walang magawa sa bahay noong araw na 'yon. A Good Entertainment? Ano 'yon? Ngayon ko lang din 'yon narinig, kahit sa TV, eh wala naman akong nababalitaan na may ganoong kasikat na talent agency sa Maynila. Hindi ko lang alam, dahil laking probinsya ako. Siguro ay mayroon nga ng ganoon.

"Try mo lang, kumakanta ka naman hindi ba?" Pang-uudyok ng kaibigan ko nang may lumapit na staff sa akin at hiningi ang pangalan ko. "Malay mo, ito na 'yong paraan na mapansin ka ni Christine. Hindi ba crush mo 'yon?" Pang-aasar niya pa.

Tinakpan ko kaagad ang bibig niya at napalingon sa paligid. Baka may makarinig sa kaniya, nakakahiya. Christine already rejected me before I could even confess to her. The staff asked my parents' contact number to ask for a consent. Wala akong cellphone kaya kusa kong saulo ang number nila inkaso.

Tinulungan ako ni Lolo mag-impake ng mga gamit ko noong gabi bago ako umalis. Hinatid naman ako nina Mama at Papa sa Maynila.

"Ayan anak, bagay talaga sa'yo ang kulay asul!" Pilit akong ngumiti nang pinasuot ni Mama sa'kin ang bagong bili niyang jacket.

Napakunot ang noo ko nang makarating na sa tapat ng maliit na building. May babae na umalalay sa akin papasok ng dorm para mailagay ko muna ang mga gamit ko. Noong nakapasok na, nagulat ako sa nadatnan ko ro'n.

Maliit lang siya na dorm, hindi air-con at nakakalat pa 'yong mga sapatos sa labas dahil masikip nga ang kwarto. It's not that I was complaining but I just expected something more knowing it's a talent agency from the country's capital.

"Gusto mo ng orange flavor? Exchange tayo, Kuya." Kinuha ni Jake ang hawak-hawak kong juice at pinalitan 'yon ng kaniya. Napatawa ako hindi sa ginawa niya kung hindi sa pagtawag niya sa akin.

"H'wag mo na nga akong tawagin na 'Kuya', magkaibigan na naman tayo." Sabi ko sa kaniya. Naglalakad kami pabalik ng dorm pagkatapos ko siyang inaya sa convenience store.

"Hayaan mo na, hindi lang ako sanay na makikipag-usap ng kaswal sa mas matanda sa akin." Sagot ni Jake.

"Ah matanda pala?" Masama ko siyang tiningnan bago ginulo ang buhok niya, tinawanan niya lang ako.

Malaking adjustment ang pinagdaanan namin ng mga members. Kinilala namin ang isa't isa. Dinadama namin 'yong mga gusto at hindi gusto ng bawat isa.

"It looks good on you, sa'yo na lang 'yan." Ngumingiting sambit ni Kuya Cian noong hiniram ko ang headband niya.

"Whoa, pogi Tres ah!" Pumasok na rin si Kuya Kiro sa kwarto. "Mana ka talaga sa akin, pinalaki kita ng maayos!"

Ganoon palagi ang sabi nila sa akin, p'wede na raw ako maging modelo sa hitsura ko. Baby face, ganoon. Nagugustuhan ko ang mga sinasabi nila. It boosts my self-esteem and confidence. Todo effort kaming panatilihin ang hitsura namin para naman kumagat ang mga tao. Nagsisimula pa lang kami at kahit ang kumpanya namin kaya wala pa masyadong sponsor sa mga susuotin at sa mga gamit namin.

Before The Stars (Fan Series #1)Where stories live. Discover now