Chapter 10

39 1 0
                                    

"Ano? Dahil sa load lang, masasabi mo nang gusto ka ng tao?" Tinaasan ko ng dalawang kilay si Samarah, hindi kumbinsido sa kaniya.

"Eh ano pa ba? Hindi ka kasi nagre-reply kaya 'yon! Sino ba 'yan?"

"Ayieee, may bago ka nang jowa Ate?" Nakiki-tsismis na rin si Catharina. "Hindi ka naman NBSB ah, bakit ang pabebe mo?" Pinagtawanan niya na rin ako, sila ni Marah.

Napairap lang ako at pumwesto na lang doon sa lamesa para kumain. Tapos na silang mananghalian dahil mas pinili kong matulog kanina. Late na rin kasi akong natulog kagabi.

Oo naman, nakakailang boyfriend na nga ako kaya hindi bago ang mga ganitong bagay sa akin. Pero kasi, hindi naman siya katulad ng ibang lalaki e. Isa siyang sikat na celebrity! Napatitig ako ulit sa chat niya.

tres: goodmorning, did you got home safely?

tres: I wired load in your prepaid number incase you ran out btw

Gusto ko mang isipin na may iba siyang pakay dahil sa mga kinikilos niya pero ang weird lang talaga sa pakiramdam. Siguro ganoon lang talaga siya, maalaga sa mga tao sa paligid niya? Hindi ko naman dapat pangunahan. What I may be thinking is completely insane.

cassiopeia: goodmorning :) Hindi mo naman ako kailangan loadan pero thank you. Babayaran kita 'pag nagkita tayo.

trey: No need to pay. But seeing you? Let me think about it.

Muntik ko nang madura ang kinakain kong ulam nang mabasa ang reply niya! Natigil ako nang may sinend siyang picture. It was a breath-taking scenery — green pasture and lustruous blue skies.

cassiopeia: Whoa, ang ganda! Saan 'yan?

tres: switzerland. Were shooting for shooting bullets s3

I almost shouted when I read his reply, imbes ay napatakip na lang ako ng bibig! Tiningnan ko ulit 'yong iba pa niyang picture. He sent a picture of him spreading both of his arms with the beautiful scenery in the background. Nakasuot siya ng jacket tsaka cap. It looks even more cute when he took a picture together with an herd of sheep!

cassiopeia: Ang cute niyo naman

tres: yeah, the sheep's running away from me tho. *insert sad emoji*

I replied a laughing emoji to tease him. Tinanong ko siya kung hanggang kailan sila roon.

tres: maybe a week. Why? Miss me agad?

Nandilat 'yong mata ko nang makita ang nireply niya! Pero kunot-noo naman akong napatitig sa screen noong biglang nawala 'yong message niya! Did he just unsend it?!

tres: maybe a week. See u when i get back

He replied again. Oo, dinelete niya nga at iniba 'yong dulo!

cassiopeia: okay, take care *insert smiley emoji*

Pagkatapos no'n, hindi na siya nakapag-reply. Malamang busy na sa shooting. Tama naman, i-enjoy niya na lang ang moment na 'yon kasama ang mga members. Iyon lang ang time na makapagpahinga sila e.

"Kailan kaya 'yong next season ng Shooting Bullets? Mayroon pa kaya?" Narinig kong tanong ni Catharina kay Marah.

Tahimik lang akong tumayo na sa lamesa para hugasan 'yong kinainan ko. At para na rin iwas tanong mula sa kanila. Bakit kasi ngayon din nila naisip 'yon?!

"Sa tingin mo Cassi—"

"Wala! Wala nang season 3!" Nagtitigan pa kami ni Marah ng ilang segundo bago siya napatawa ng malakas.

"Huy! 'Di ka talaga nakatulog ano? Anong sinasabi mo? Tatanungin ko sana kung alin dito 'yong mas magandang kulay? Mag-o-order ako sa Lazada!" Natatawang sambit ni Samarah.

Before The Stars (Fan Series #1)Where stories live. Discover now