Chapter 15

42 0 0
                                    

"Told you! They're unbeatable!"

Masayang kwinento sa akin ni Demi ang nangyari sa music awards. As likely, Bullets stood out. They won the promising titles any artist would ever wish. Pero wala naman akong may naiintindihan sa mga kuwento ni Demi dahil napuno na ni Trey ang isip ko.

Naunang sumakay ng elevator si Demi pagkatapos namin kumain. Ako naman ay dumeretso na sa hallway papunta na sana sa office nang bigla na lang may humawak sa akin at tinakpan ang bibig ko. Hinila pa ako sa may fire exit na hagdan!

Mabilis niyang sinarhan ang pinto at nandilat na lang ang mata ko noong nabatid kung sino ang nasa tapat ko. Takip-takip pa rin ni Trey ang bibig ko habang nakadikit ako sa dingding. Nang mapagtanto ang ginagawa niya, dahan-dahan siyang umayos at umiwas ng tingin sa akin. Nakasuot siya ng baseball cap, face mask tsaka jacket.

"Sorry." Mahina niyang sambit. Masama ko siyang tiningnan at hinampas sa braso. Gulat niya akong tiningnan pabalik at hinimas iyong braso niya. "I said I'm sorry."

Sumandal na ako ng tuluyan sa dingding at pinagkrus ang aking braso. "Okay lang. Hindi naman masakit." Nagulat lang naman ako sa ginawa niya! Palagi niya na lang ako hinihila ng walang pasabi!

"Actually, I'm not referring to what I did right now."  I furrowed my brows at him. "Just a yes or no, is this yours?" He showed me that white handkerchief people have been talking about.

Nang hindi ako makapagsalita ay tumikhim siya at pinagtaasan ako ng kilay. "Oo." Umiwas na rin ako ng tingin pagkatapos siyang sagutin.

Nakakapanakit ang titig niya! Hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa 'yon kaya sinagot ko na lang siya. Even in the simplest way, he looked so unreal!

"Paano napunta sa'yo 'yan?" Tanong ko sa kaniya. Napakamot naman siya ng noo niya.

"No idea too. I just had this feeling to keep it when my dog brought it to me as a gift or what."

"Your dog?"

Tumango siya at kinuha ang phone para ipakita sa'kin ang picture ni Tely. "Isn't he cute?"

Napatakip ako ng bibig at binagsak ang kamay sa ere. Hindi ko makakalimutan kung paano niya inagaw ang panyo ko no'n sa beach! Ang liit naman ng mundo na aso pala 'yon ni Trey!

"Uhm, so I am sorry in behalf of my dog.... And... using your things without your permission. I should have asked you directly before the public could make a feast about it. Sorry Sidney." Iyon ang naging sagot niya matapos kong sabihin  'yong nangyari sa beach. Binigyan ko lang din siya ng maikling ngiti.

"Okay lang, ano ka ba! Pero... nagulat lang din ako ah! Grabe talaga ang mga tao pagdating sa inyo."

"Yeah, I'm used to it but it still surprise me sometimes." Napatingin na lang ako sa kamay ko sa ibaba nang iniabot niya  'yon at pinahawak ang panyo ko sa akin. "I'm returning this to you, Sid."

"Thanks, Trey." He stared at me for a few seconds and forced a smile.

"How about my name my lola called me? Don't you recall anything about that?"

"Ah, 'yong ano nga 'yon? Tres?" Nagtataka kong sagot. Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya noong sinambit ko ang nickname niya. "Wala, bakit?"

Nag-iba na lang bigla ang ekspresyon ng mukha niya. "The playground... At the farm where we went, you said it was familiar right?"

"Oo, pero wala naman akong maalala—" I stopped when he pointed his index finger at me and took out his phone. 

Kunot-noo kong pinagmasdan ang picture na pinakita niya. Litrato na naman 'yon ng aso pero hindi na si Tely. Mas malaki siya kaysa sa aso ni Trey. Pareho sila ng kulay ng balahibo, mas nakakatakot lang siya kaso tingnan. Nagtitigan lang kami pareho ni Trey. Mainam siyang naghihintay ng magiging reaksyon ko na parang may inaasahan siyang sagot. Samantala ako, blanko ang laman ng isip ko at kahit ng mukha ko dahil hindi ko siya naiintindihan.

Before The Stars (Fan Series #1)Where stories live. Discover now