Chapter 19

38 0 0
                                    

Nang makabalik na kami, iniwan na lang ako ni Trey sa driver niya para ihatid ako sa bahay. Diretso na kasi siya sa schedule niya. He told me to text him right away 'pag makarating na ako.

Iyon nga ang ginawa ko nang makauwi na. Wala pang tao sa bahay pagdating ko. Lumabas kasi sila Marah at Tito kasama ang mga kapatid ko. Dahil pagod sa biyahe ay napagdesisyonan ko munang matulog. Hapon na noong nagising ako, pagabi na nga. Pagkababa, narinig ko kaagad ang boses ni Tito.

Kinukusot ko pa ang mga mata nang bigla na lang natahimik ang pag-uusap nilang lahat. Napatigil din ako at tinaasan sila ng kilay.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Lumapit ako kay Tito para magmano. Malapad ang ngiti niya sa akin, kaya mas lalo akong nagtaka kung anong mayroon.

"Cassi, ah, salamat sa pasalubong ah." Masayang sambit ni Tito. Naghahanda na sila ng hapunan kaya tumulong naman ako.

"Kinuha niyo na rin ba 'yong inyo?" Tanong ko kila Marah at Cat. Hindi ko pa kasi naaayos 'yong mga gamit ko. Iniwan ko lang sa ibaba na nakabukas ang bag ko dahil sa pagod.

"Ah, oo ate! Thank you!" Si Lucas. Lumingon ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya. Iyong dalawang kumag ay tahimik pa rin. Kaya napatigil ako at tiningnan sila isa-isa, nagtataka na.

"Huy, anong mayroon? Bakit kayo nagkakaganyan?" Tanong ko. Nakita ko kung paano tumalikod si Marah para itago ang mukha niya.

Tumayo naman si Catharina tsaka may kinuha sa maleta ko. Napaawang na lang ang labi ko noong pinakita niya sa akin ang damit ni Trey! Iyong polo! Hindi lang 'yon, pati na rin 'yong scarf na binigay niya!

Napatakip ng mukha niya si Catharina bago sumigaw. "Ate! Nakakainis ka!"

Nagulat na lang ako nang biglang yumakap si Marah sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit akong hinarap sa kaniya. "Sabihin mo, si Trey Salazar ba ang dinedate mo?! Ano?! Ha? Kayo na ba?! Gosh! Pinsan nga kita! Pinsan ko ang girlfriend ni-"

Tinakpan ko kaagad ang bibig niya bago niya pa man isigaw 'yon. Hindi ko pa naman siya boyfriend!

"Nakakainis ka! Bakit hindi mo sinabi sa amin?!" Patuloy na reklamo ni Catharina. Iyon ang sinasama ng loob niya dahil hindi ko raw pinaalam sa kanila.

Hindi na nila ako pinalagpas. Naka-hot seat ako buong gabi. Kwinento ko sa kanila lahat mula umpisa, ang mga pagkikita namin ni Trey, kung paano humantong sa ganito, pati na rin 'yong nakaraan naming kabataan.

May halong gulat, kaba at kilig ang reaksyon nila dahil nga sino ba naman ang mag-aakala. Hindi nga kapani-paniwala. Pinagtagpi-tagpi na rin nila 'yong mga nangyari. Nagulat din sila na alam na pala ni Mama. Kaya inaway na naman ako ulit ni Catharina.

"Talaga?! Kung ako siguro nahimatay na ako no'n! Nakakainggit!" Pagkomento ni Marah.

"Hmm, okay lang, parang nasanay na lang din ako sa ilang beses naming pag-uusap." Sagot ko naman.

Kinausap ko na rin sila na maging maingat dahil confidential ang bagay na 'to. Hindi na ako nagulat kung bakit nakilala kaagad ni Catharina ang gamit ni Trey, pati na rin 'yong mga binigay niya sa akin. Parehong scarf kasi 'yon noong sa kaniya. Pati ang bracelet na suot-suot ko ay nahalata niya pa 'yon!

"Plot twist of the year! Waah!" Umaktong umiiyak si Catharina at napapadyak pa sa ere. Yakap-yakap niya ang damit ni Trey, sinisinghot ang amoy doon.

Before The Stars (Fan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon