Chapter 04

45 1 0
                                    

"Ayun oh! Dumplings, siomai!" Hindi pinansin ni Trey ang tinuro kong Chinese restaurant. Mabagal niyang minamaneho ang kotse dahil naghahanap siya ng makakainan. Iyon na nga hindi ba? Tinutulungan ko na nga siya e.

"No, that's not what I saw on YouTube." Sagot niya naman, napailing pa. Muntik na akong mapairap. Inaalala ko na rin kung saan banda 'yon. "I think, it's that one." Tumaas ang tono ng boses niya at napangiti nang huminto na kami sa tapat ng isang kainan.

"Teka, bababa ka? Bilhan na lang kita, take out. Dali, pera mo." Sabi ko sa kaniya nang hinubad niya ang kaniyang seatbelt. Baka naman kasi may makakita na naman sa kaniya!

"No, it's fine. You don't have to worry." Nagsuot siya ng cap na black at binuksan na ang pinto ng kotse. Ang tigas naman ng ulo ng lalaking 'to!

Wala ngang masyadong tao pagkapasok namin. Iyong may-ari pa ang abala sa pagbabantay, iyong dalawang matanda na mag-asawa. Bumati ako sa kanila pagkapasok. Naalala pa nila ako. Nagtanong sila kung kumusta na raw ako at nagpasalamat pa. Simula kasi noong nilagay ko sa vlog ko ang store nila, tuloy-tuloy na raw ang kanilang mga customers.

"Kay gwapo naman 'tong boyfriend mo iha?" Natulala pa ako noong sinabi 'yon ng asawang babae. Hindi agad nakuha ng utak ko kung sino ang kinakausap niya dahil wala naman dito ang boyfriend ko.

Nandilat na lang ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya!

"Ah, hindi po!" Mabilis kong pagtanggi tsaka siniko si Trey sa gilid ko na tumitingin ng menu sa itaas. "Order ka na."

Gaya ng sinabi niya, dumplings nga ang gusto niyang kainin. Umorder siya ng dalawang plato, sa kaniya lahat 'yon. Hindi naman ako gutom kaya siopao lang iyong inorder ko.

"Naku iho, pasensya na't hindi gumagana 'yan sa amin." Sabi ng asawang lalaki nang nilapag ni Trey ang card niya. Kahit hindi ko makita ang mukha niya, halatang hindi siya mapakali dahil mukhang wala siyang perang hawak.

"Ako na." Sabi ko noong kumakapa-kapa pa rin siya sa bulsa niya.

Binayaran ko na lang ang pagkain namin at nauna nang umalis para maghanap ng upuan. Sumunod naman si Trey sa akin.

Huminto ako sa tapat ng lamesa sa may bandang likuran. Lumingon ako sa kaniya at tinapik ang lamesa senyas na roon kami uupo. Ngunit nanatili siyang nakatayo roon sa gilid ng lamesa malapit sa may bintana. Humatak siya ng upuan at pumwesto na roon. Napasimangot ako at wala nang magawa kung hindi samahan siya roon. Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang braso sa dibdib, relaks na relaks.

"There you go, it's the same view I saw in the video. Same table, same angle." Sabi niya pagkaupo ko sa harapan niya. Hindi ko siya maintindihan kaya tumango na lang ako ng walang emosyon sa mukha. "Same woman too. But now's a rude one."

"Ano?"

"See. I wonder how you got that thousands of subscribers. If only they know your attitude," Sarcasm is obvious in the tone of his voice.

"Ano?" Halata ang nakakapang-asar na ngiti sa likod ng mask niya. "At ikaw? Kilala mo ba ako?"

He shook his head and let out a small laugh. Hinubad niya ang cap niya at pinatong 'yon sa lamesa. He fixed his hair after. Nagtingin-tingin siya sa labas habang pinaglalaruan ang susi sa mga daliri.

He was wearing some silver rings and a silver piercing too. Isang tenga niya lang ang mayroong hikaw. Again, reality slapped me. It's really him, one of the biggest stardom. And I'm going to eat with him!

Natigil ako saglit nang bigla na lang lumingon si Trey sa akin. His shades cannot cover the awkwardness between us, knowing that he's facing me. Natigil ang paglalaro niya ng susi at narinig ko pa ang tunog ng kanyang pagngisi. Nailang tuloy ako! Hinanap ko na lang ang phone ko at binuksan 'yon.

Before The Stars (Fan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon