Chapter 09

46 1 0
                                    

"You'll meet the rest when your work begins." Sabi ni Miss Abuela pagkatapos niya akong i-tour sa production set. "From here, si Mr. Gerald na ang bahala sa'yo, he's our visual artist supervisor."

Pinakilala niya ako sa isang matangkad at morenong lalaki. "You can just call me Sir G." Pagpapakilala niya.

He guided me to our working area. May mga monitoring screen doon kung saan makikita ang iba't ibang channel ng production. Tinuro niya rin sa akin iyong magiging computer at desk ko pati na kung ano 'yong dapat kong gagawin. For now, he assigned me to work on an advertisement video.

"Sometimes, we do on-live editing. We visit studios to assist shoots." Patuloy niyang pagpapaliwanag. "But don't worry, for today technical ka lang muna. Good luck Cataleya." He tapped my shoulder before leaving me there.

The raw files were already there in the computer as well as the concept, the flow, everything. Kailangan ko na lang paganahin iyong kamay at utak ko!

I continue to adjust the following days. Kung may kailangan man ako, nagpapaturo pa rin naman ako at nagtatanong sa mga kasama ko. Mababait naman sila. They were quite impressed of my work kaya mas lalo lang nadagdagan ang proyekto ko. Pasok pa naman 'yon sa load ko kaya ayos lang. Karamihan ay commercial at promotional videos.

"Cataleya," Tinawag ako ni Sir Gerald kaya tumayo ako para puntahan siya. Nakita kong nakatayo si Demi sa gilid niya, nakangiti sa akin. "This is Demitria. You'll be working with her for  the next project I told you last time."

"Magkakilala na po kami Sir! Diba?" Sagot ni Demi, siniko pa ako. Iniwan na kami muna roon ni Sir at agad niya naman akong inakbayan.

"Girl! Alam mo ba kung ano 'yong project natin?" Bulong niya.

"Music video?" Iyon naman ang sa pagkakaalam ko. Impit siyang napasigaw at sinabihan akong magkikita na lang kami sa studio mamaya para sa shoot.

Noong hapon na ay pumunta na ako roon sa set kung saan igaganap 'yong shoot. Wala pa akong ideya kung kaninong music video 'yon pati na 'yong kanta. When I arrived there, I met the crew and the directors. Nakita ko na rin doon si Demi. We discussed the concept of the song, kung ano ang gusto nilang iparating. They already shoot some scenes outside at 'yong green screen shots na lang ang natitira.

"Yes, exactly. You can now visualize the theme right?" Sagot ng screen director pagkatapos kong ikumpirma ang setting ng video base sa kanta. The song was entitled MIA. Tumango ako ulit at tiningnan ang flow ng shoot.

Halos napatakip ako ng bibig nang mabasa kung kaninong music video iyon.

MIA (Missing In Action) Music Video Cut 2
Cian, Reeze, Kiro, Hassi, Jiyo, Trey, Jake

Just. Oh. My. Gosh.

Hindi ko inaasahan na sa laki ng kumpanya na 'to ay makakatrabaho ko sila! Yes, there is an expectation of meeting some artists and celebrities. In fact, I already met some of them several days ago. But the Bullets?! Hindi ko na alam kung ano iyong iisipin at ire-react ko! Hindi lang ako makapaniwala!

Nang kumalma na ang isip ko, pumwesto na ako roon sa computer sa tabi ng screen. Mayamaya ay may mga bagong mukha na dumating. Behind them was the Bullets, kasama ang team nila. Naka-set up na 'yong studio. The director made his briefing with them habang inaayos 'yong wardrobe nila pati na 'yong nagme-make-up. Nakabihis na naman sila at nire-retouch na lang.

Sa hindi malamang rason ay tinago ko ang mukha ko sa likod ng computer dahil ayokong makita ako ni Trey! Nagsimula na nga sila roon mag-shoot. They were so professionals when it comes to their job. Isang take o dalawa lang ay nakuha na nila kaagad. I was watching them through my screen. Natagalan lang dahil ilang beses sila pumalit ng damit.

Before The Stars (Fan Series #1)Where stories live. Discover now