Chapter 24

51 0 0
                                    

"Ganda! Parang superstar ah!"

I posed infront of the mirror and winked at Demi and Charlotte, who was now taking a picture of me playfully.

"Kailan ka ba babalik? Basta Cassi ha! 'Yong Hawaii vacay natin, hindi p'wedeng hindi matuloy! Naayos ko na 'yon!"

"H'wag kang mag-alala, nakapag-file na ako ng leave. Matagal pa naman 'yon, ano ka ba. I'll just attend the movie premiere, work on the next collab project, some meetings, and that's it. Vacay time na!" Paninigurado kong sagot kay Demi habang nag-iimpake na ako ng mga gamit. Excited na akong makita sina Mama kahit temporaryo lang 'yong pag-uwi ko.

I flew home with some of the crew. Madaling araw na ang lapag namin kaya dumeretso na lang ako sa condo. This was the unit I bought for Catharina when she went to college. Ngayong graduate na siya, wala nang may nakatira. I was planning to sell this soon.

Kinabukasan, medyo nanghihina pa 'yong katawan ko sa pagod pero nag-drive pa rin ako para umuwi sa amin.

"Gagang 'to! Uso pa bang surprise?! Pagkatapos ng tatlong taon?!" Tsaka hinatak ni Marah ang buhok ko bago yumakap sa akin.

Nagkandapa-dapa namang bumaba si Catharina sa hagdan. May nakabalot pang tuwalya sa ulo niya at katawan. Basa pa 'yong mga kamay nang hatakin niya ako palapit sa kaniya. Pinagyabang niya pa sa'kin pagkatapos 'yong bagong perm na eyelashes niya, sila ni Marah.

"Sayang Ate! Hindi ka nakaabot ng graduation ko! Pero okay lang, may pasalubong ka naman sa'kin hindi ba?!" Napairap ako at napatawa sa kaniya. Kusa niya nang binuksan ang dala-dala kong maleta.

Umakyat muna ako para tingnan ang kwarto ko. Ganoon pa rin naman ang hitsura simula't umalis ako. Walang gamit ang nagalaw. Napahinga ako ng malalim at maikling ngumiti nang sinara na ang pinto, pinipigilan ang mga memoryang lumalabas mula sa maliit kong silid.

"Sabi na nga e! Nandito siya e!" Boses ni Lucas nang bumaba na ako. Sa likod niya ay sina Mama at Tito. Isa-isang akong dumalo sa kanila. "Kotse mo 'yon hindi ba ate? Bigtime na talaga!"

"Pinahiram lang ng kumpanya." Nakangiting sagot ko kay Lucas. Sinubukan kong abutin ang ulo niya para guluhin ang buhok niya pero mas tumangkad na pala siya ngayon.

Dahil tanghali na, naghanda na lang pagkatapos ng lunch si Mama. Tinulungan naman siya ni Marah. Habang ako ay nakipaglaro na lang ng Playstation kasama ang mga kapatid ko.

"Ate, na-miss kita, bakit hindi ka na lang dito mag-stay? Mag-isa ka lang doon sa condo." Sabi ni Cat, nakangusong nakaharap sa akin.

"Mas malapit kasi roon sa work," Sagot ko naman. "Don't worry, I'll visit you here guys kapag day-off ko." Kinurot ko ang pisngi niya gamit ang daliri.

"Naku! 'Di bale, focus ka na lang sa work mo ate. Pero pahinga ka rin kapag may oras ha, don't worry din sa amin! Sa susunod na linggo ay aayusin ko na 'yong credentials ko at maghahanap na rin ng trabaho para hindi na sa'yo lahat."

Naramdaman ko na lang ang paglambot ng puso ko sa mga salita ni Catharina. Seryoso ang tono at ang reaksyon ng mukha niya. Hindi naman sa pinepressure ko siya pero masaya ako dahil mature na nga ang takbo ng isip niya. Hindi na puro gala at fangirling katulad ng dati. Proud ako sa kaniya.

"Basta kapag may kailangan ka anak, tawagan mo lang ako." Paalala ni Mama nang kinakailangan ko nang umalis. Diretso na ako sa opisina pagkatapos nito.

May isang araw pa bago ang premiere night ng project namin. Collab movie project 'yon ng subsidiary company dito sa bansa. 'Yong next project na gagawin ay series naman. Sana lang ay hindi mag-conflict sa bakasyon namin nina Demi.

Before The Stars (Fan Series #1)Where stories live. Discover now