Chapter 05

45 1 0
                                    

"What? Fake?! Hindi ako fake!" I almost shouted habang nagtitipa ng reply ko sa kaniya.

cassiopeia: This is me but nvm.

tres: evidence

Huh? Kailangan pa ba talaga? Judging by his replies, now I am more certain na siya talaga 'to! Walang kaduda-duda sa paraan ng pagiging segurista niya. Ang layo ng reply niya sa mga sinasabi ko!

Napabuntong hininga ako at sinubukan mag-selfie. Ngunit napapait lang ang mukha ko nang makita ang mismong hitsura sa camera. Kitang-kita ang eyebugs ko! Dahil nakakahiya, litrato na lang ng ID ko ang pinakita ko sa kaniya. Evidence pa more, huh. Trust issues lang teh?

cassiopeia: Pupuntahan kita.

tres: I'm in Switzerland right now

My jaw dropped as soon as I read his reply! I was typing so fast asking if there's some other way I can get my umbrella. I just stopped mid-text when another message popped out.

tres: Just joking, okay see you at Alpha around 5 tmrw *insert smirking emoji*

cassiopeia: okay! *insert smiley emoji*

Pero sa totoo nakasimangot 'yong mukha ko! Hindi ako natutuwa sa trip niya ah. Tinago ko na kaagad ang phone ko. Bumaba na ako para kumain at maghanda ng hapunan.

Gaya ng pinag-usapan, tumungo ako papunta sa Alpha campus kinabukasan. Iyong campus na tinutukoy ni Trey ay kung saan malapit ang studio ng AG Entertainment. Malapit rin dito ang dorm nila ng Bullets kung saan sila sama-samang nagse-stay. Mayroon din silang sariling studio roon. Binili na yata ng AG ang buong building para sa kanila. Their magic happens there. It is where they spent hours training, practicing, and writing songs.

Chinat ko na ulit si Trey sa Instagram na nandito na ako sa labas ng campus. Hindi naman ako makakapasok ng basta-basta lang doon. Alam niya naman 'yon. He said he parked somewhere outside too. He told me to find the car with the plate number he sent. Kaya hinanap ko kaagad ang pulang Ferrari, that was his car right?

Nagkunot-noo ako noong makita ang plate number niyang sinabi ay nakalagay sa ibang sasakyan. My lips parted realizing he was using another luxury car.

"Audi na naman?" Hindi ako pamilyar sa mga sasakyan. Pero napapanood ko 'to sa mga vlog dati. Iyong mga logo ng brands ng sasakyan.

Natigil ang pabalik-balik kong pagtingin sa plate number at sa mensahe ni Trey sa phone ko, naninigurado, nang bigla na lang may bumisina. It was from that car.

"What are you staring? Don't you know how to get in?" Halos atakehin ako sa puso nang marinig ang boses ng lalaking 'yon!

Sabihin mo, bakit ang hilig mong manggulat?! Ugali niya ba talaga iyon?! Nagsalubong ang kilay kong inaaninag kung siya ba talaga ang nakaupo sa loob ng kotse kaya naglakad ako roon papunta sa may driver's seat.

"I said don't you know how to get in?" Pag-uulit niya pa. 'Yung mata niyang naka-shades at 'yong noo niya na may bangs ang kita lang.

"Aba, e malay ko bang sasakyan mo 'to. Paano kung papasok ako at kidnapper pala!"

"You're talking too much. Do you want me to get caught?" His voice, getting irritated. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na mapangiti.

"Ba't ba kasi nakikipag-usap ako sa isang bigatin katulad mo? Hay." Sabi ko at napakamot ng ulo. "Akin na ang payong ko para makaalis na ako." Napatingin pa ako sa paligid, nako-conscious.

"Are you going home after this?"

"Hindi pa. Akin na po."

"Then where are you going?"

Before The Stars (Fan Series #1)Where stories live. Discover now