Chapter 07

34 1 0
                                    

"So how's your application at Alpha?" Pangangamusta ni Ayla. Patungo kami ngayon ng Ilocos dahil may booking siya ngayon. Hindi na ako parte ng team niya pero nakiusap muna siya dahil kulang pa talaga ang tao niya. "Ma-mi-miss kita kapag busy ka na talaga."

"Ano ka ba, one call away friend pa rin ako." Siniko ko siya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Tagal mo na hindi nagka-jowa ah? Himala." Bigla niyang pangungulit. "May nilalandi ka ano?"

Natawa ako ng maikli, nakapikit na ngayon ang mata. "Wala. Pass muna ako ngayon."

Natigil lang ang chikahan namin nang dumating na kami sa hotel namin sa Ilocos. Nag-iwan lang kami roon ng gamit at tumungo sa Hidden Garden kung saan magsisimula ang shoot. Sa ngayon, tumulong lang ako sa pagse-set ng venue. Pinapatingin din sa akin ni Ayla ang mga visual angles kung okay ba.

Maaga naman natapos ang shoot noong umaga pagkatapos naming mag-lunch. Pero bukas ay maaga pa kami dahil kailangan namin maabutan ang sunrise dahil iyon talaga ang gusto ng couple. Iyong last stop noong gabi ay doon na sa Calle Crisologo sa Vigan. Hinintay lang namin na dumilim ng kaunti para maganda tingnan ang view dahil sa streetlights. Doon na lang din kami naghanap ng p'wedeng makakainan. Kasama rin ang buong team.

"Cassi, sama ka mamaya ha! Coffee tayo." Nakangising sambit ni Ayla sa akin.

Tinanguan ko lang siya at nginitian bilang pagsagot. Masaya naman ang naging salo-salo namin. Sabayan pa ng masarap na pagkain at maganda na view ng paligid.

"Oh my! Are you okay?" Si Ayla.

Bigla na lang ako napatayo sa kinauupuan ko nang natumba ko mismo ang baso kong may juice at natapon 'yon sa damit ko. Kapag minalas ka naman oh! Bakit palagi na lang 'to nangyayari sa akin?!

"Okay lang, CR lang ako." Sagot ko habang pinupunasan ang sarili.

Mula sa dibdib ko hanggang tiyan 'yong bakat ng juice kaya hindi maganda tingnan! Kulay orange pa naman 'yon tsaka puti itong damit ko!

"Do you want to change clothes?" Sumunod si Ayla sa akin sa banyo.

"Huh? Hindi na. Una na lang ako siguro sa hotel. Iti-text na lang kita kung makakasunod pa ako."

"I got you. I have some clothes in the car. Halika." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako papunta sa kotse.

"Ayoko. Thank you na lang." Pagtaas ko ng kamay ko at tumalikod na. Papahiramin niya nga naman ako ng damit pero hindi ko naman masusuot 'yon! It was a silk black spaghetti-strap top. Seryoso ba?!

"Oh c'mon, it's just for a night Cassi."

"Hindi bale, babalik na lang ako ng hotel."

"It will take time, tsaka wala kang kasama. I can't let you go back there on your own." Ngumiti ng nangungumbinsi si Ayla habang hinihintay ang magiging sagot ko.

Nang hindi ako naka-imik ay tinulak niya na lang ako pabalik ng resto at sinamahan magpalit. Nailang tuloy ako sa hitsura ko nang tingnan ang sarili sa salamin.

"See, it's not daring as what you think it is. Alam mo, bagay nga sa'yo ang mga ganyan. Sayang figure mo, Cas." Sinamaan ko siya ng tingin at hinila ng marahan ang buhok niya. Natawa lang siya at bigla na lang kinuha ang pantali ko sa buhok.

"There, perfect!" Inayos niya ang nakabagsak kong buhok, nang-aasar 'yong ngiti. Napairap lang ako at nagpasalamat na lang sa damit niya. Mas okay na nga lang 'to kaysa sa damit kong may bakat ng orange juice!

Umalis na nga kami para pumunta sa malapit na café sa kabilang kalye. Walking distance lang naman 'yon. Nag-picture din kami sa mga vintage spots doon. I took a picture using my phone.

Before The Stars (Fan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon