Chapter 06

37 2 0
                                    

"Sure ka bang okay lang na nandito ako? Paano kung mahuhuli tayo rito?" Bulong ko kay Trey.

"Did you see someone else here Cassi?"

Nang makapasok na kami, wala na ngang tao sa loob ng building dahil gabi na. May guard na nakabantay pero syempre dahil kasama ko si Trey ay pinapasok ako.

"Wala naman, kaya nga nakakatakot e." Sagot ko nang lumabas na kami ng elevator.

"It's against the company rules to bring outsiders inside the building." Huminto ako sa paglalakad para bigyan siya ng tingin. "I told him you're my girlfriend."

"What the—" I stopped when he gave me disgusted look.

"I said you're a trainee and got stuck in the heavy rain."

"Naniwala naman?"

He shrugged his shoulders cooly. "'Course, I'm Bullets' Trey, remember?"

Hambog 'to! Pero... totoo naman! Lakas ng tama nila e.

Maraming pinto, puro pinto sa hallway ang nakikita ko. Binuksan ni Trey ang isang two-door na kwarto at pinaandar ang ilaw doon. Nandilat ang mata ko kasabay ng pag-awang ng aking labi nang makapasok na. It's their damn recording studio!

"Whoa, dito talaga kayo nagre-record?! As in?!"

"Mm-hm."

It was a spacious room. The walls were painted in neutral warm colors. May mga photo frames ng mga album nila sa dingding mula sa debut album hanggang sa latest. May sala pagkapasok tsaka may coffee table pa sa unahan. Sa kabilang bahagi ay mayroong mga musical instruments at musical equipments. Mayroon ding mga mixer, speakers ganoon at computer na ginagamit sigurado sa recording. Sa tapat nito ay may malapad na salamin at sa loob 'yon ay ang recording room.

Naglakad-lakad ako roon papunta sa kung saan ang mga equipments. Gusto ko lang maramdaman na hindi ako nananaginip!

"Do you want to have a look inside?" Binuksan ni Trey ang recording room.

Wala namang laman 'yon maliban sa speakers at microphone pero sumilip pa rin ako. I was imagining already how this room is filled with their raw voices! Lalo na 'yung kay Jiyo! Hindi ako makapagsalita at tanging pagngiti na lang na nakamamangha ang naitugon ko kay Trey.

"Sorry, I can't play any music. We are still working with our new songs." Pag-inform ni Trey habang nagtitingin pa rin ako sa mga equipments doon.

Sinabihan ko naman siyang ayos lang at naiintindihan ko. Sapat na 'tong nakapasok ako sa recording studio nila! Tinuro niya pa ang mga buttons doon kung paano gumana kahit hindi naman ako nagtanong.

"Ano 'to?" Tanong ko nang mapansin ang dalawang pinto sa may maliit na sala.

"Oh, that room is initially made for Kuya Reeze and Hassi whenever they needed privacy to compose lyrics."

Tumango naman ako. Si Reeze ang madalas sumusulat at gumagawa ng kanilang mga kanta, sila ni Hassi na siyang producer. Tumutulong din si Cian maliban sa pagli-lead ng grupo. Ganoon sila ka-flexible.

"Grabe, ang galing! Astig!" Napailing ako sa pagpuri sa kanila.

"Yeah, of course... It's funny 'cause they barely use that room. They still find comforting working at their own space in our unit." Patuloy na pagsasabi ni Trey.

"Actually, ang galing niyo naman lahat. May kaniya-kaniyang charisma kayo. Hindi ba't nagsusulat ka rin ng kanta?" Napatigil siya at napatitig sa akin.

"Uh, y-yeah.. We all do..." Mahina niyang sagot tsaka tumalikod. Binuksan niya na ang pinto kaya naglakad na rin ako palabas, sumusunod sa kaniya.

May dinaanan kaming hallway at tinuro niya 'yon sa akin. Doon daw kasi ang malaking unit nila kung saan sila nagse-stay. Alam ko namang bawal na ako roon dahil private space na nila 'yon. Kaya hindi na ako nagtanong tungkol doon.

Before The Stars (Fan Series #1)Where stories live. Discover now