c. three

123 8 0
                                    

note: my apologies, i have no knowledge about idol/artists lives and even in the entertainment industry. everything you will read in this story that is related to that are based from author's mind and thoughts. thank you.

———

[ choi ysha ]

"ysha, anak?" lumingon ako kay mom nang tawagin niya ako. i was folding the blanket and fixing the bed. ngayon kasi 'yung labas ko rito sa ospital.

"yes, mom?" yeah, i am calling her mom. i must, right? since she is ysha's mom, 'yung may-ari ng katawan na 'to.

"is it okay with you na sa bahay ka muna magstay? para mabantayan kita at may kasama ka. but 'wag kang mag-alala, if you want to move na sa condo mo, i will let you. just tell me," i smiled at her and nods. it's been 3 days mula nang magising ako. sa tatlong araw na 'yon, alagang-alaga nila ako. lagi nila akong tinatanong kung okay lang ba ako or kung may mga gusto ako. and it felt so good. i've never experienced this kind of treatment before, nung nandoon pa ako sa tunay na ako. nakakalungkot lang isipin dahil hindi ko man lang matandaan 'yung pangalan ko, pati pangalan ng mga kaibigan ko o kahit na pamilya ko. wala talaga akong alam.

maybe i should reciprocate their love and care since ako na si ysha choi ngayon. i have to get used to it.

she smiled and hugged me so i hugged her back.

"you ready to go home?" she asked me. i nodded my head and said yes. i was about to get the bag but she insisted na siya na lang daw ang magbuhat since hindi pa raw naghihilom 'yung sugat ko sa pulsuhan. wala naman na akong nagawa nang mauna na siyang lumabas ng kwarto.

"seungcheol's waiting sa lobby. he said na may mga medias ang naghihintay sa labas," she told me while we're walking towards the elevator. i'm curious, since may mga media sa labas, ibig sabihin, alam nila 'yung pagka ospital ko. then ano ang nakalagay sa headline kung bakit ako na ospital? attempted suicide? gosh, the thought of it makes me sick. but maybe not?

nang makarating kami sa lobby ay agad naming nakita si seungcheol na naghihintay. nang makita niya kami ay agad niyang kinuha 'yung bag na hawak ni mom at lumingon sa akin.

"here, wear these." inabutan niya ako ng shades at may nilagay na cap sa ulo ko. oh, okay. i get it. agad ko namang sinuot 'yung shades at inayos 'yung suot kong cap.

"kailangan mo 'yan. may mga media sa labas, pero hindi naman ganoon karami." tumango na lang ako at sabay nila akong inalalayan palabas ng ospital.

as we stepped outside, i lowered down my head to hide my face. there were flashes ng cameras ang tumatama sa amin. they are taking pictures. i'm getting anxious.. hindi ako sanay sa ganito.

nagmadali kaming naglakad papunta sa kotse. nauuna si mom sa amin while seungcheol put his arms over my shoulders and tried to shield me away from them. as we arrived, agad nila akong pinapasok sa kotse. mom sat beside me and cheol sa tabi ng driver.

"are you okay?" agad na tanong ni mom. no i'm not. tumango na lang ako at tinanggal ang shades pati na ang cap na suot ko at napahilamos ng mukha. what life is this..

"i-i want to go home.." gusto ko nang bumalik sa dating ako. gusto ko nang magpahinga. i took a deep breath and closed my eyes. naramdaman ko naman na umandar na 'yung sasakyan kaya sinubukan ko na lang na pakalmahin ang sarili ko.

———

"welcome home, ysha!" sigaw na bati ni seungcheol. napangiti naman ako nang bahagya at inilibot ang tingin sa buong bahay. it's not that big pero maganda at simple.

lost • svtWhere stories live. Discover now